CHAPTER SIX: Hollow Space

509 28 3
                                    

"Manong, diyan na lang po sa tabi." Untag ko at hininto ng taxi driver ang sasakyan sa tapat ng parking lot kung saan ko naiwan ang sasakyan ko.

Inabot ko naman ang bayad at nilingon naman ako ng driver na nagpahinto sa'kin.

"Uhm Ma'am, wala po ba kayong barya na lang? Wala pa po kasi akong panukli dito. Puro buong pera po ang meron ako dito."

"Kunin niyo na po lahat 'yan. Keep the change na po." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Naku! Ma'am, masyado po itong malaki-"

"Okay lang po, Manong. Sige na po, kunin niyo na po 'yan." I insist.

"Salamat po, Ma'am!" abot-tainga ang ngiti niya't tumango naman ako 'tsaka lumabas ng taxi.

Kumaway pang minsan ang driver sa'kin nang may ngiti sa labi at ganoon rin ang ginawa ko. Nang umandar at makaalis na ang taxi, huminga ako ng malalim at dumiretso na sa'king sasakyan. Mabilis akong pumasok sa kaba na baka nasa paligid lang si Parrot at baka hablutin na naman ako.

Well, mukhang hindi naman na niya ko hahabulin pa. Sa tindi ng pagkakasampal ko ay siguro naman naalog na ng husto ang utak niya't naintindihan na niya ang bawat salitang lumabas sa'kin. Kay gwapong nilalang, mahina namang pumick-up. At hindi rin naman siya makulit e 'no? Likas na talaga yata sa kanya ang mamilit.

But on the other side, nakakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam kung dapat bang ma-guilty ako dahil sinampal ko siya. I was just trying to make him realize that it's not that easy na pasunurin ako sa kung ano man ang gusto niya. Pero may kakaiba sa kanya na hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa niya kong pasunurin kahit papaano. When I looked into his eyes, it's as if... I was kind of hypnotized and the next thing I knew is, nakasakay na ko sa sasakyan niya.

Just like what happened a while ago.

"Bakit ba kasi ang kulit niya e..." napabuntong-hininga na lang ako at napayuko sa'king manibela.

Dumiretso muna ako sa Romualdez' Mansion para makapagpalit ng damit. Bago ako dumiretso sa kwarto, dumaan muna ako ng kusina para uminom ng tubig. Pero bago pa man ako makarating sa kusina ay may narinig akong nag-uusap sa Dining Area. Seryosong-seryoso ang usapan at minimal lang ang lebel ng boses nila na para bang ayaw nilang may makarinig ng pinag-uusapan nila.

Sumilip naman ako sa Dining Area at nakita ko sila Mommy, Daddy at Mamang na nagdidiskusyon.

Nakita kong dismayadong umiwas ng tingin si Daddy at nang malingat siya sa direksyon ko ay bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Tumingin din sila Mamang at Mommy sa direksyon ko nang mapansin si Daddy.

"O-Oh! Kidrea," bahagyang ngumiti si Mamang. "Kanina ka pa diyan?"

Ngumiti naman ako at lumapit para magmano sa kanila, "Hindi naman po, Mang. Kararating ko lang po."

"Ah," marahan na tumango si Mommy.

"Mukhang seryosong-seryoso kayo sa pinag-uusapan niyo ah, My. Is there something wrong?"

Nagkatinginan muna silang tatlo bago bumaling ulit sa'kin si Mommy, "Wala naman, anak. Pinag-uusapan lang namin ang bagong business na gustong pasukin ng Daddy mo."

"Ah! 'Yong beach resort sa Ilocos? That's great!" masaya kong sabi.

"Wala ka bang lakad, Apo?" tanong ni Mamang at nilingon ko naman siya.

"Meron po. May meeting po ako with the CEO of Shin Entertainment ng 5 PM-oh shocks! 4 PM na pala!" nataranta ako bigla nang makita ko ang oras sa'king relo.

Natawa naman silang tatlo sa naging reaction ko, "Oh! Mag-ready ka na at nakakahiya naman sa CEO kung male-late ka ng dating." Ani Mamang at ngumisi.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon