CHAPTER THIRTY-FOUR: Stalk

360 19 28
                                    

Naging mahirap ang lahat. Matagal din bago ako nakapag-adjust sa mga nangyari. Naging persistent si RB sa kagustuhang kausapin ako pero tulad ng ginawa ko sa ina ko, hindi ko rin siya pinaunlakan. Anger and hatred reigned over me. I was in a total mess, but I refused to take any advice from my friends.

Nagpatulong akong magpa-book ng flight kay Denzel pabalik ng Paris. Tatlong araw akong nagkulong sa kwarto at hindi ko rin pinaunlakan ang mga tao sa bahay na kausapin ako. Knowing the fact that I don't belong in that mansion, I felt suffocated. Hindi ko na maatim ang mga susunod na araw na naro'n ako. Kaya minadali ko ang pag-aayos ng mga papeles pabalik ng Paris.

"Aalis ka ng bansa?" naguguluhang tinitigan ako ni Aeron, pilit na prinoproseso ang naging desisyon ko.

Nasa loob kami ng kwarto ko. Pinuntahan niya ko dito nang sinabi ko sa kanyang ngayong gabi ang flight ko. Si Aeron lang ang pinayagan kong makipag-usap sa'kin matapos kong asikasuhin ang lahat.

He watched me pack my things up. Ramdam kong gusto niya kong pigilan pero pinakita ko sa galaw ko na walang makakapigil sa'kin kahit siya pa.

"You don't have to leave the country. Pwede ka namang mag-stay dito sa bansa and I could recommend you a peaceful place to stay. 'Yong walang makikialam o manggugulo-"

"Ayaw kong ma-contact ako ninuman, Aeron. I want absolute peace." Tinalikuran ko siya't inabala ang sarili sa pag-aayos ng bagahe ko.

He sighed heavily and tapped my shoulder. "I don't like seeing you in this state, Kidrea. Sisiguraduhin kong magbabayad si RB sa ginawa niya. That's a promise..."

Dinalaw ako ng maraming kaisipan dahilan para bumagal ang kilos ko. Dinalaw muli ng sakit ang puso ko. Huminga ako nang malalim bago marahan na tumayo. I glanced at him, his eyes tight and worried.

Kahit anong galit ko kay RB, hindi ko pa rin magagawang saktan siya. May parte pa rin sa'kin na hindi magagawa 'yon. Kailangan ko munang i-workout ang side kong 'yon hanggang sa mawalan na lang ako ng pakialam sa nangyari at hindi na lang maisip pa.

I need to get him out of my system.

"You don't have to do that, Aeron." Umiling ako't matipid na ngumiti. "Ayaw ko nang dugtungan pa ang mga nangyari. I've had enough."

Pumungay ang mga mata niya at bumuga ng hininga. He tilted his head a bit and swallowed hard.

He licked his lips before speaking, "Just update me when you get-"

Bumuntong-hininga ako. "Absolute peace, Aeron..."

"Oh..." He pursed his lips then smiled weakly. "Right."

Ilang saglit kaming nagkatitigang dalawa. He was completely torn. Gustuhin man niyang mabantayan ako pero alam niyang kinailangan niyang irespeto ang kagustuhan ko. At, pinagbigyan niya naman ako ro'n. Hinayaan niya kong makaalis ng bansa at siya na rin ang nagsabi sa mga kaibigan kong babae na 'wag muna akong gambalain. I was thankful he did that. Though, mahirap din para sa'kin ang hindi makausap sina Gem at Dine dahil nasanay akong nandiyan sila sa'kin through good and bad times.

Si Denzel ang kasama kong pumunta ng Paris. Hindi ako sa bahay na binili sa'kin ni Daddy nag-stay dahil alam kong matutunton nila ako do'n kailanman nila gustuhin. Hindi ko rin ni-handle ang business ng Romualdez kaya naghanap ako ng ibang mapapagkakitaan.

It was hard to cope with my new life. I chose to start anew and I didn't regret it. Ni-recommend ako ni Denzel sa isang malaking firm na hawak ng pinsan niyang nasa Pinas at dahil do'n, naranasan ko kung paano kumita bilang empleyado lamang. The good thing is, nagamit ko nang husto ang pagiging business major graduate ko.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon