CHAPTER FORTY-FOUR: Our Twins

436 21 11
                                    

Hinayaan ko muna ang mag-aama sa mga oras na 'yon. Hinintay kong umayos ang pakiramdam nila pare-pareho. I don't want to interrupt them. Lalo na't ngayon pa lang sila nagkita.

Hindi nahiya si RB na umiyak sa harapan ng mga anak niya. I don't know but I find it brave. Pinakita niya sa mga anak niya na kahit mukha siyang malakas at matapang, umiiyak din siya.

I could say he's man enough to show his soft side. It was brave of him to show his vulnerability. His broken side. And, I admire him more because of that.

Most guys won't do that. Some of them don't usually go and bare their souls. It's hard for them and they don't want anyone or anybody to see any sign of weakness in them. They want to keep it to themselves. I'm not stereotyping though.

Mga ilang saglit pa ay kumalas sa pagkakayakap ang kambal. RB cupped their faces alternatively to wipe their tears. Kunot pa rin ang noo ni RB at bakas sa mukha niya ang matinding pagpipigil sa nagbabadyang luha sa mga mata niya. After doing that, he rested his forearms on one of his lap as he stared at the twins. He wiped his tears and sighed heavily. Parang wala siyang ibang nakikita kung 'di ang mga anak namin.

May sinabi si Draze kay RB na hindi ko narinig dahil sa mga nagdaraang sasakyan sa parking lot. Nakumpirma ko lang na nag-uusap nga sila dahil sa pagtango at paminsan-minsang pagbuka ng bibig ni RB tuwing sumasagot. I got curious and I wanted to get near them, but I chose to stay at my spot. After a while, inabot ni RB ang kamay ng kambal bago tumayo at sabay-sabay silang lumingon sa'kin.

My heart hammered the walls of my chest when they strode towards me. As they walked, the beating of my heart became louder. Halos magpigil ako ng hininga habang nakatanaw sa kanila.

"Mommy, can Daddy come with us?" pambungad ni Draze nang huminto sila sa tapat ko.

My gaze dropped to my son. Sumulyap naman ako kay RB na nag-angat ng kilay pagkatapos ay kay Zaber na naghihintay sa magiging desisyon ko. My sons know me so well. Alam nilang hindi ko sila matatanggihan sa bagay na 'to. Lalo na't involved ang kanilang ama.

I pursed my lips then smiled warmly at Draze. "S-Sure, anak. That is kung walang ibang aasikasuhin—"

"My schedule is clear. I don't have other important matters to attend to..." he scowled.

I swallowed hard. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kambal na nakahawak sa mga kamay ni RB. Hindi man sila umiimik pero alam kong gustong-gusto nilang makasama pauwi si RB.

In the end, wala akong ibang nagawa kung 'di pagbigyan ang mga anak ko sa gusto nila. Si RB ang umalalay sa kambal sa pagsakay nito sa backseat. Pagkasara ng pinto sa backseat, he looked at me with piercing eyes. There's no trace of humor etched on his face. His penetrating gaze made my breath hitch.

I was taken aback when he strode towards me and held out his hand. Ilang saglit akong napatingin do'n bago nag-angat ng tingin sa kanya nang nakakunot-noo.

"What?" pagtataka ko.

He raised his brow, tilting his head a bit to one side. "The key, Natalie. I'll drive."

Gusto ko pa sanang umapila pero may bahid ng pagbabanta sa titig niya. I took a deep sigh and pulled the key from my pocket. I gave him the key and as he took it, I walked past him. Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso sa pinto ng backseat. Isang hila ang ginawa ko sa door handle pero napahinto ako nang hindi 'yon nabuksan. Ilang beses kong inulit ang paghila pero hindi talaga bumubukas!

Then, the window in front of me rolled down. Bumungad ang mukha ni Zaber na seryoso ngunit may multo ng ngisi sa labi. Sa tabi niya ay si Draze na hindi maitago ang ngisi.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon