CHAPTER THIRTY-SEVEN: Change

310 23 18
                                    

Two days after talking to my friends, we flew back to the Philippines. Nagpaiwan naman si Denzel dahil may kailangan siyang asikasuhin sa kompanya ni Kalyl. Wala akong ibang nagawa kung 'di harapin ang mga pangyayari na maari kong harapin pagtapak sa Pinas.

We flew on Floyd's private jet to get there. Sa loob nito ay sumisigaw ng karangyaan dahil sa design nito. May white sofa, flat screen TV, at bedroom na may CR. Namangha ako dahil ngayon lang ako nakasakay sa ganitong klase ng eroplano. Para kaming nasa isang maliit ngunit yamanin na bahay.

The kids were extremely excited. Panay ang tanong nila kay Jake tungkol sa mga magagandang lugar sa Pilipinas. Natatawa na lang si Jake sa kakulitan nilang pareho. Minsan, nakikihalubilo sa kanila si Dine at tinatanong ng kung ano-ano.

Natigil lamang 'yon nang makaramdam ng antok ang kambal. Dinala nina Floyd at Jake ang kambal sa bedroom at bumalik din makaraan ang ilang minuto. Nakaupo ako sa isang armchair, samantalang sina Gem at Dine naman ay sa sofa.

"Ang kulit no'ng kambal! Halos maubusan ako ng mga salita sa kakasagot sa tanong nila!" ani Jake at pabagsak na umupo sa sofa, inakbayan si Dine.

"No doubt, anak nga talaga ni Ransom." Nakangising sabi ni Floyd, iiling-iling at pumamewang.

"So lahat ng makulit na bata, anak ni Ransom?" sarkastikong sabi ni Gem at nagtaas ng kilay kay Floyd.

Floyd squinted at her then smirked. "Hindi talaga kumpleto ang araw mo nang hindi ako binabara e 'no?"

"'Di rin. 'Di ka pa naaasar ng anak mo kaya hindi pa rin kumpleto araw ko." Gem said, making me look at her.

Nanlaki ang mga mata ko. "Anak? May anak na kayo ni Floyd?"

"Yup!" Floyd conceded.

"So, kasal na kayo?"

"A year after you went away, nagpakasal kami ni Floyd. Mas matanda sina Draze and Zaber, of course. He's turning two on December 4." Gem uttered as she took her phone out and showed to me her wallpaper.

Her wallpaper is a picture of Floyd carrying a baby boy in his arms. Ngiting-ngiti si Floyd habang nakatingin sa batang buhat-buhat niya. I felt something warm touched my heart as I stared at the picture. And as I stared at it more, unti-unting nabuo ang isang imahe sa isipan ko.

I suddenly imagined RB carrying my sons in his arms, tears pooling in his eyes with a smile on his lips as he stared at them. Imagining him like that made my heart ache. Naisip ko rin kung paanong pakikipagsapalaran ang naranasan ko no'ng unang buwan matapos kong mailuwal ang kambal ko.

Hindi naging madali ang pag-aalaga sa kambal ko. Good thing, Denzel was there to help me with the twin. There were times when I had to be absent at work because my sons needed me. Walang ibang magbabantay dahil out of town kung minsan si Denzel. Pag uwi naman ni Denzel ay siya naman ang sunod na magli-leave sa work para maalagaan ang kambal habang nagtatrabaho ako.

Minsan ay hiniling ko na sana si Denzel na lang ang naging ama nila. Then, it would have been easier. Hindi na ko mag-iisip kung paano ko ipapaliwanag sa mga anak ko kung bakit kami nagkahiwalay ng ama nila. Hindi na rin sasakit ang ulo kakaisip ng paliwanag para kay RB kung sakaling 'di 'to maniwala na anak niya ang kambal.

I just hope na hindi mangyari ang huli kong naisip. 'Cause I'm sure I'll come to blows.

"Ayan! Alis pa! Hindi ka rin ba nanonood ng balita?" natatawang tanong ni Floyd.

I shook my head languidly as I sighed and looked away from the phone. "Nagpakasubsob ako sa trabaho. Walang ibang inisip kung 'di buhayin ang mga anak ko."

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon