CHAPTER SEVENTEEN: Enough

380 23 2
                                    

Naging mabilis ang pangyayari nang gabing 'yon. Dala na rin ng sobrang kalasingan at kawalan ng katinuan nang mga oras na 'yon, hindi ko na nasundan pa ang sumunod na pangyayari. The next thing I knew is, nasa tapat na kami ng gate ng aming mansyon, tahimik na nakaupo sa loob ng Camaro niya.

Walang umiimik sa'ming dalawa at tanging paghinga lang naming ang naririnig ko. Doon lang nag-sink in lahat ng kadramahan ko kanina. Kapag emosyon talaga ang pinairal, wala talagang magagawang tama kahit kailan.

Pero nawala ang tama ng alak marahil ay dahil sa pag-iyak ko. Sa pag-iyak ko nga ba o sa naramdaman ko habang yakap-yakap niya?

Kidrea, may time ka pa talagang lumandi ha?

"W-We're here..." he turned to look at me, pinatong niya ang kanyang baba sa braso niyang nakayakap sa manibela.

"Yeah..." anas ko.

Tanaw ko sa 'di kalayuan ang mansion namin. Bumuntong-hininga ako at walang ganang sinandal ang ulo sa headrest. Hindi ko talaga feel na umuwi ngayon. Parang gusto ko munang mag-isa dahil pakiramdam ko ay 'di magiging madali para sa akin ang manahimik at magkibit-balikat na lang.

Baka magkaroon ng World War IV sa mansyon kapag tumuloy pa ako.

"I gave the care of your car to Floyd-hyung. Siya na ang bahalang mag-uwi ng sasakyan mo rito."

I bit my lower lip and turned to him. Ang mga mata niya, kung makatingin, parang nangungusap talaga. I find his eyes soulful. May mga oras naman ang mata niya, parang puno ng galit at poot. Marahil ganoon na nga talaga ang mga mata niya.

Kapag galit, sobra galit kung tingnan. Kapag malungkot, sobrang mapungay kapag tinititigan.

Nag-angat siya ng kuryosong kilay, "Bakit?"

Should I ask him to take me somewhere away from here?

Nahihibang ka na ba, Kidrea? Magmumukha ka lang desperada niyan 'te! Mamaya, isipin pa niyan gustong-gusto mo siyang kasama!

Which is... actually true.

Hindi ko na talaga alam kung anong ginawa niya sa'kin. Ginayuma yata ako ng isang 'to at para siyang linta kung makadikit sa sistema ko. By now, dapat naiinis na ako dahil ayaw ko talagang may kasamang lalaki maliban sa kapatid ko.

But here I am, letting him drive me home and control me like he's... someone that I should obey every time.

The funny thing is, I don't even care about it.

Ano na lang ang iisipin ng mga taong makakakita sa inyo? Take note, you're dating an idol, Kidrea.

One thing's for sure, yari ako sa batalyong fans nitong si RB.

"A-Uhm..." I pursed my lips.

Nag-angat siya ng ulo nang hindi ako nilulubayan ng kanyang mga mata. May multo ng ngiti sa kanyang labi na para bang alam na niya ang iniisip ko.

Ugh! Ang hirap naman nito oh! Pwede naman siguro 'di ba? Wala namang malisya kung hihilingin ko sa kanya 'yon.

Tss. Walang malisya? Parang kanina lang, halos kumawala ang kaluluwa mo no'ng halikan ka niya sa loob ng elevator. Great mind you have there, Kidrea!

Anong kiss 'yon? Friendly kiss?

Pinilig ko ang ulo ko para iwaksi ang mga nasa isip ko.

I shut my eyes tightly and gathered all my strength to ask what I want. Bumuka ang bibig ko para magsimula pero natigilan ako nang...

"You don't want to go home yet, do you?"

My eyes flew open and our gazes met. He cocked an eyebrow at hindi pa rin natatangal ang multo ng ngiti sa kanyang labi. Napasinghap ako nang mapirmi na naman ang tingin ko sa kanyang labi. The scene we made inside the elevator crossed my mind once again. Isang pamilyar na init ang umusbong sa loob ko at nagsimula na namang magwala ang mga paru-paro sa loob ko.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon