CHAPTER TEN: I'm Taking You With Me

471 24 17
                                    

Pasado alas-otso na kami nakarating ni Aeron sa isang fine dining restaurant. Same as before, pinagbuksan niya ko ng pinto at ni-offer ang kanyang braso sa'kin. Tinanggap ko naman 'yon at isang matamis na ngiti ang ibinalik niya sa'kin. Kahit nung nakarating na kami sa paroroonan namin, hindi pa rin naaalis ang hiya sa loob ko dahil sa paghahallucinate ko.

"Reservation for Mr. Shin, this way po." The waiter lead us over to our seats.

As we took our seats, the waiter gave us the menu and we thanked him. Sumulyap pang minsan sa'kin si Aeron bago tumuon doon sa menu na hawak niya.

"So... what would you like to have?" he raised his eyebrows as he tilted his head.

"Uhm..." binaba ko ang tingin ko sa menu na hawak ko, "Beef tenderloin steak na lang 'yong order ko."

Marahan siyang tumango at nag-angat ng tingin sa waiter, "Two orders of beef tenderloin steak then one bottle of wine."

Tumango naman ang waiter sa kanya at ngumiti bago umalis. Nang kaming dalawa na lang ang naiwan ay umusbong ang nakakailang na pakiramdam. Para akong biglang dinalaw ng hiya na hindi ko malaman kung bakit nararamdaman ko 'yon.

"You don't seem to be okay, Kidrea..." lumipad ang tingin ko kay Aeron at nadatnan kong nakatingin siya sa'kin nang may pag-aalala, "Are you okay?"

"Y-Yeah..." pilit akong ngumiti, "I'm fine."

Humalukipkip siya at sumandal ng upo nang hindi inaalis ang mga titig sa'kin, "Parang may kakaiba sayo ngayon, Kidrea..."

Kumunot ang noo ko at pilit na ngumisi para iwala ang pagkailang ko, "And ano naman 'yang nakikita mong kakaiba sa'kin?"

Pinagmasdan niya kong mabuti. Bumaba ang tingin niya sa labi ko pero hindi nagtagal doon ang kanyang tingin at lumipat sa kung saan mang parte ng katawan ko. His eyes roamed over me like he was examining every inch of me. I don't know what's got into him but what he's doing is making me feel so effin' awkward. Hindi ako sanay na pinagmamasdan ng mabuti o kaya ay matitigan ng pagkalagkit-lagkit. Para siyang inspektor na naghahanap ng ebidensya na makakapagpatunay na may nagbago sa'kin.

Kung ano man 'yong pagbabagong nakikita niya, mukhang siya lang ang nakakakita.

He then looked intently into my eyes, "You looked really well, positively blooming..."

I smirked then medyo napangiti ng kaunti, "Blooming?"

"Yeah..." ngumisi siya at binaba saglit ang tingin sa mesa pero bumalik din agad sa'kin, "And... naku-curious ako sa kung sino man ang reason behind that blooming look, Kidrea."

Umiling akong nakangisi at kumunot ang noo, "Ang adik mo, Aeron..."

Gaano ba kapula ang mga pisngi ko at nasabi niyang blooming ako? Hindi naman ako nagba-blush on. Saktong face powder, black eyeliner, at lipstick lang naman ang nilagay ko sa mukha ko. Sadyang bolero lang talaga ang isang 'to at mukhang trip na naman niya kong purihin!

He just chuckled then saktong dumating ang waiter na may dalang glass wine at 'yong wine na inorder namin. The waiter poured some wine into our glasses and we both thanked him afterwards.

He picked up his glass ad raised it, "Cheers." He then smiled.

"Cheers," I raised my glass as well and we clinked our glasses together.

Hindi niya inalis ang mga mata kahit pa no'ng ininom niya 'yong wine. Nag-iwas ako ng tingin sa pagkailang dahil sa totoo lang, hindi talaga ako sanay sa mga ganitong dinner date. Pang-ilang beses ko na bang sinabing hindi ako sanay ng pinagwawaldasan ng pera ng ibang tao?

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon