CHAPTER FIFTEEN: Only Mine

461 29 7
                                    

Binilisan ko ang takbo ko para habulin si Mark na patungong elevator. Hindi ko alam kung paano ko nagawang tumakbo nang naka-stilletos. Basta ang tanging nasa isip ko lang ay maabutan si Mark na ngayo'y papasok na ng elevator.

"Mark!" pagtawag ko at nilingon naman niya ko dahilan ng paghinto niya at hindi pagtuloy sa elevator.

Hinarap niya ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Hinawakan ko ang dibdib ko habang hinahabol ang hininga ko. Muntikan pa kong ma-out of balance pero buti na lang ay nahawakan niya agad ang kamay ko at tinulungang makatayo nang maayos.

Unti-unting kumunot ang noo niya at pumalatak, "Bakit ba kasi hinabol mo pa ako?"

"H-Hindi... hindi ka pwedeng umalis," utas kong hinihingal.

"Bakit naman hindi?" he tilted his head, confused.

"H-Hindi pupwedeng mabuwag ang Elite-S7. Masisira ang career niyo then my cousin will kill me for sure..." huminga ako saglit bago nagpatuloy, "At isa pa, m-may pinirmahan kayong kontrata. B-Baka idemanda ka ng company ng pinsan ko, masisira pa buhay mo."

Ngumisi siya at nangingiting umiling. Ngumuso naman ako at kumunot ang noo ko dahil sa ekspresyon na binigay niya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Is this some kind of joke to him? Well for me, it's not! Nakasalalay dito ang pangalan ng kompanya ng pinsan ko. And I can't accept the fact that everything she invested to this company will be gone like a wind. Hindi ko rin matatanggap na masira ang industriyang tinayo niya dahil sa pagkukulang ko. Dahil sa hindi ko malamang dahilan kung bakit nag-aaway ang dalawang idol nang dahil sa'kin.

Ugh, hindi ko talaga magets kung bakit nag-aaway sila dahil sa'kin.

"Kidrea," he put his hands over my shoulders, "I'm not going to quit working in this company."

"E... saan ka pupunta?" kumunot ang noo ko.

He took a deep sigh and chuckled, "I just need a breather. Masyado akong na-stress sa kababawan ng ka-team ko."

"Saka baka kung hindi ako umalis doon, baka kung ano pang magawa ko kay RB. I don't want to punch his face in front of others and make him look like a weakling," dagdag pa niya habang titig na titig sa mga mata ko at may ngisi sa labi niya.

He really looked so damn hot. Lalo na ngayong malapit siya sa'kin at halos maabot ko na ang labi niyang mapula-pula.

Back in high school days, hanggang tingin lang talaga ako sa kanya. Hindi ako tulad ng mga typical girls na sobrang tapang ng apog na lumalapit sa kanya noon para makipag-flirt. Lagi akong nasa isang sulok na pasulyap-sulyap lang sa kanya habang pinagpapatansyahan siya sa isip ko.

Kahit pa may mga oras noon na lumalapit ang grupo nila sa'min dahil kay Gem at Dine, hindi ako nagpakita ng kahit anong motibo na may gusto ako sa kanya. Even if my feelings are already killing me inside and I'm dying to talk to him. It's as if there's a wall in between us.

Samahan mo pa na kinulang ako sa height kaya hirap umakyat para man lang silipin siya.

But now here I am, just centimeters away from him. Katitigan siya at nakangiti sa'kin. It's like looking at him in HD mode.

"M-Mark..." I uttered, stuttering.

Nag-angat siya ng kilay, "What?"

"Uhh... A-I... Uhh..." I took a deep sigh and shook my head, "N-Nevermind-"

"Take care when RB is with you," he said in a hard tone, "Don't get yourself too attached to him."

Muli akong dinalaw ng curiosity at kumunot ang noo ko, "B-Bakit ba parang ang laki yata ng problema mo sa paglapit sa'kin ni-"

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon