CHAPTER SEVEN: Photoshoot

550 28 1
                                    

Hindi ako kaagad nakatulog. Lately, nahihirapan na talaga akong matulog. Kaya ako nahihirapang matulog, hindi na kasi nasanay ang katawan ko sa oras dito sa Pinas. Pero ngayon, masasabi kong hindi 'yon ang dahilan kung bakit nahihirapan akong matulog ngayong gabi.

I don't know why I'm so bothered by how RB looked at me a while ago. Hanggang ngayon ay naiimagine ko kung paano niya ko tinitigan kanina pati kung paano siya nag-igting ng panga bago siya tuluyang pumasok sa kanyang sasakyan. What's with his expression anyway?

And now that I've realized it, bakit ba napakabig-deal sa'kin ang bagay na 'yon? In the first place, ano bang problema niya at kung makatingin siya sa'kin ay halos masunog ako sa kinatatayuan ko?

Nakatingala lang ako at tulalang nakatingin sa kisame nang may kumatok sa pinto ko na siyang bumasag sa katahimikang bumabalot sa loob ng kwarto ko. Dinungaw ko 'yon nang marinig kong bumukas ang pinto at hindi na ko hinintay pang magsalita.

"Anak, gising ka pa ba?" ani Mommy na nakadungaw sa pinto.

"Yes... My." Sabi ko naman at hinayaang lumapag muli ang ulo ko sa aking unan.

Narinig kong sumara ang pinto at nagsalita siya ulit, "Kumusta naman ang naging meeting mo sa anak ni Mr. Shin?"

"Ayos naman po, My." Sagot ko't nag-inat. "Kayo naman po, kumusta 'yong pinag-uusapan niyong bibilhin na resort ni Daddy sa Ilocos?"

"Uhm ah, ayos naman 'yon. Na-settle naman na ang desisyon and nag-agree na kami ni Mamang na bilhin ang resort na 'yon." Aniya at ngumiti pero may kakaiba sa ngiti niya kaya medyo napakunot ang noo ko.

Hindi ko alam kung ako lang 'to o talagang pilit na ngumiti si Mommy?

Bumangon ako at nag-indian sit sa harap niya, "Mukhang pinag-awayan niyo pa yata ang tungkol doon, My ah?" tinagilid ko naman ang ulo ko at tinitigan ng maigi si Mommy.

"Hindi naman sa pinag-awayan, anak. We really have to talk about it first bago pasukin ang business na 'yon. Alam mo namang hindi rin dapat basta-basta naglalabas ng capital without proper decisions at napapag-usapan ng maayos kung paano patatakbuhin ang bagong business natin." Sabi niya nang magbaba siya ng tingin sa mga daliri niyang hindi mapakali.

Tumango na lamang ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Mas mabuti na sigurong hindi na lang muna ako magsalita kung ano man ang nararamdaman kong mali sa kanya.

"Looks like gusto mo rin talagang sinusundo ka e 'no?" pambungad naman sa'kin ni Aeron nang makapasok ako sa kanyang Urus BMW.

Ngumisi naman ako at pinasadahan ng aking mga daliri ang buhok ko, "Marunong lang akong tumupad sa usapan, Mr. Shin."

"Ugh, formalities." Asik niya't inirapan ako. Natawa na lang ako dahil sa iritado niyang mukha.

Binuhay niya ang makina at unti-unting umandar ang sasakyan as he steps on the gas. All along, naging tahimik lang kami pareho sa loob ng sasakyan. Focus na focus sa pagda-drive 'tong si Aeron at ayaw ko namang makaistorbo sa kanya kaya dumungaw na lang ako sa bintana at pinanood ang bawat kalyeng madadaanan namin.

"Nag-breakfast ka na ba?" ani Aeron at nilingon ko naman siya.

"Yep," ngumiti naman ako.

"Sayang, yayayain sana kitang sabayan akong mag-breakfast." Ngumuso naman siya nang hindi inaalis ang mga mata sa daan.

Well, I kind of did it on purpose. Ramdam ko na kasing mag-aaya siya since maaga niya kong sinundo sa bahay. It's only seven in the morning. Hindi sa pagiging assuming pero pakiramdaman lang talaga yan mga bes. Hindi ko lang ineexpect na papatunayan lang talaga ni Aeron ang mga naiisip ko.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon