CHAPTER FORTY-TWO: Threaten

301 23 23
                                    

Wala pang isang oras ang biyahe at nakarating kami kaagad sa office. Hinatid kami nina Dine at Jake sa office. Hindi na nakasama sina Floyd at Gem sa paghahatid sa'min dahil kinailangan nilang umuwi para sa anak nila. Habang nasa biyahe kami kanina, hindi ko mapigilang mag-alala. Kinabahan ako na baka naroon si RB at wala pa kong maayos na explanation sa lahat kahit ilang beses akong nag-rehearse sa loob ng kwarto kanina.

Nang binuksan ko ang pinto ng office ko at sinilip ang loob, medyo nakahinga ako nang maluwag. Pero di pa rin humupa ang kaba dahil may possibility pa ring pumunta siya rito.

"Wow! Your office is spacious, Mom!" ani Draze, tumakbo naman siya papasok sa loob.

Marahan namang tumabi sa'kin si Zaber as his gaze roamed around the room. Tila pinagmamasdan ang bawat sulok ng opisina ko. Totoo namang malawak ang opisinang 'to. Kung baga sa isang parte ng bahay, mala-living room ang laki nito. Kulay abo ang desk, sofa, upuan, at mga pader. Tanaw ang kalakhan ng siyudad at matatayog na gusali sa glass wall, at pumapasok ang sinag ng araw sa loob ng office. The whole place is screaming of sophistication.

Nag-angat ng tingin sa'kin si Zaber. "You work in here... alone?"

I beamed at him and caressed his hair once. "Yes, Zave. You two wait here. I'll just talk to my secretary..."

Tumango naman si Zaber at tumuloy na sa loob. I closed the door behind me then faced my secretary.

"M-May sinabi ba si RB na pupunta siya rito, Fely?"

Umiling naman siya. "Wala naman po. Ang sabi niya lang po sa'kin ay ipaalam ko sa inyong hindi siya makakapunta nitong sa mga susunod na araw dahil may importante daw po siyang aasikasuhin."

May importanteng aasikasuhin? Mas importante pa sa'kin?

"Okay, thank you," utas ko kay Fely at tumango naman siya saka umalis.

Bumalik naman ako sa loob. Saktong paglingon ko't pagsara ko ng pinto sa likod ko, nadatnan ko ang titig ng kambal sa'kin. Hindi ko alam kung matatawa o kakabahan sa mga tingin nila. Tumikhim ako't naglakad patungo sa upuan ko.

Hinayaan ko sina Draze at Zaber sa kung ano mang ginagawa nila habang nagtatrabaho ako. Tahimik ang loob ng office habang pinag-aaralan ang mga papel na iniwan ni Fely sa desk. Magtatatlong oras na kaming naroon sa office at hindi pa rin ako natatapos i-review ang mga papel. Kinamusta ko naman ang kambal sa ginagawa nila paminsan-minsan. Pero since si Draze lang naman ang may hawak ng gadget, naging abala si Zaber sa paglibot ng tingin niya sa bawat sulok ng office.

Kinabahan ako roon. Dahil sa kuryosong timpla ng mukha pa lang niya, alam kong maraming tumatakbong katanungan sa isip niya. Hindi nga lang niya isinasatinig. Minsan ay sinusulyapan ko siya at sa tuwing madadatnan ko siyang nakatitig sa'kin, he would look away. That's when I realized that he must have something to say but he chose to keep it to himself. And, he got my attention because of that.

"My, how long are w-we going to stay here in the Philippines?" pambasag ni Draze sa namamayaning katahimikan.

Huminto ako saglit para tingnan siya at sagutin ang tanong niya. But before I could open my mouth to speak, sumunod ang panibagong tanong mula sa kanya.

"N-Nagkita na b-ba kayo ni Daddy, My?"

Lalo akong hindi nakaimik sa sumunod na tanong ni Draze. Parang may bumarang bato sa lalamunan ko't hindi ako makapagsalita. Kahit na airconditioned ang loob ng kwarto ay para akong pagpapawisan nang dahil sa tanong niya.

Paano ko ba sisimulan ang pagkukwento tungkol sa'yo, RB? Bakit ba pag dating sa usaping 'to ay hindi ko masakyan-sakyan? Ang hirap maghanap ng tamang word para banggitin ka sa mga anak mo, RB!

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon