CHAPTER FOUR: Passionate Slap

560 24 1
                                    

Pumasok na rin ako sa conference room kahit na ayaw ko dahil ang awkward sa pakiramdam na nasa iisang kwarto lang kami ni RB. Hindi ko naman kami ineexpect na kasama pala sa company meeting 'tong parrot na 'to. But since this meeting is more important than my personal issues, wala akong magagawa kung 'di tiisin ang awkward feeling na 'to.

There are fifteen investors inside the conference room at kabilang na doon si RB. Sa pagkakaalam ko, hindi naman talaga into business ang lalaking 'to. Nakakabigla na nandito siya dahil sa pagkakaalam ko rin, hectic ang schedule niya since maraming project ang Elite-S7. Just to be clear, hindi ako fan girl ng Elite-S7. Nasasabi lang sa'kin ni Gem ang tungkol sa kanila since Floyd is one of the Elite S7.

"So, shall we start?" tanong ko sa magpepresent na nasa harapan.

"Yes, Ma'am. So, good morning to all of you..."

Lahat ng mga mata nakatingin sa harapan at nakikinig sa nagsasalita sa harapan. Nakikita ko naman kung paano sila magsitanguan kapag sang-ayon sila sa mga naririnig nila, mayroon ding nagsusuggest ng mga ideas for the further improvements ng plan. Tinuon ko ang atensyon ko sa meeting pero mga ilang saglit pa, bigla akong nawala sa focus ko nang mapadpad ang mga mata ko sa direksyon ni RB at napagtanto kong nakatuon ang mga mata niya sa'kin.

He tilted his head as he slightly turned his swivel chair, facing it to my direction. Nagtaas ako ng isang kilay at nilabanan ang tingin niyang parang sinusuri ako. Nang masyado nang matagal ang titigan namin, napalunok ako dahil napansin kong lumipat ang tingin niya somewhere in my face at kinagat ang labi niya 'tsaka bumalik ulit ng tingin sa mga mata ko. He stared at me for a few seconds then nag-angat ang gilid ng labi niya.

Ano bang problema ng lalaking 'to? Hindi rin halatang may pagkamanyak ang parrot na 'to 'no?

In the end, ako rin ang unang nag-iwas ng tingin at napalunok sa sobrang awkward.

"Ms. Kidrea, nasabi na po ba ng pinsan niyong si Ms. Ilyza ang hahawakan niyong business niya?" napalingon naman ako sa secretary ng lola ko na bumulong sa tabi ko.

"Not yet. Ang sabi niya lang, basta may business akong hahawakan na siya ang nagmamay-ari. Ano bang business niya?"

"Ah e, actually isang entertainment industry ang hawak niya Ms. Kidrea. It's called Power V Entertainment. And oo nga po pala Ms. Kidrea, mayroon din po kayong meeting sa Saturday with the CEO of Shin Entertainment Industry po."

"Shin Entertainment Indusrty?" nanlaki ang mga mata ko sa kanya, "Handled by the Shin's?"

"Ah e, malamang po Ma'am. Shin nga po 'di ba?" yung secretary ng lola ko.

"E kung gupitin ko kaya fallopian tube mo?" untag ko at ningitian siya.

Nag-peace sign naman siya, "Joke lang po Ms. Kidrea."

Umayos naman na kami ng upo at binalik ang atensyon sa nagsasalita sa harapan. Pinasadahan ko ulit ng tingin si RB at kumunot ang noo ko nang madatnan ko na naman siyang nakatingin sa'kin. Napapaisip na lang talaga ako na pinagtitripan yata ako nito at sinundan niya yata talaga ako dito para mang-asar.

Inirapan ko naman siya at tumingin na lang ng diretso sa presentor.

Nang matapos yung meeting, nakipagkamayan ang mga investors sa'kin. Nagpaalam naman sa'kin yung secretary ng lola ko na dadalhin na niya yung mga gamit ko sa sasakyan. Nang makalabas ako, nakita ko pang nakikipag-usap si RB sa isa sa mga investors na kasama sa meeting. Nakita ko namang sumulyap siya sa'kin pero agad na binalik din ang mga mata sa kausap niya.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at naglakad na palabas ng company building.

"So where are you going now?" napalingon naman ako sa gilid ko at kumunot ang noo ko nang makita kong si RB 'yon.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon