CHAPTER THIRTY-SIX: Quit

320 21 16
                                    

Buong araw na laman ng utak ko ang tungkol sa big break na binigay sa'kin ni Kalyl. I couldn't believe what I've heard. Matagal bago naproseso at tinanggap ng utak ko ang katotohanang babalik na nga talaga ako sa Pilipinas. Magkahalong kaba at pagkawindang ang naghari sa sistema ko.

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako. Parang gustong magwala ng isang parte ko dahil malaki ang posibilidad na pagkarating namin ng mga bata sa Pinas ay makakarating na agad sa parrot na 'yon ang balitang nagbalik na kami. Gusto kong ipagdamot ang kambal ko. But, I know it's not a right thing to do. I should be irrational. Ayaw ko ring ipakita sa kanyang may epekto pa rin siya sa'kin dahil nasisigurado kong mas titindi lang ang pangungulit niya.

Paiiralin ko na lang ang pagkarasyunal ko. This is all for you, Zaber and Draze.

Abala akong nakamasid sa daan habang nasa biyahe kami pauwi ni Denzel. Hindi rin siya umiimik. Malamang ay nalaman na rin niya ang tungkol sa big break na binigay sa'kin ng pinsan niya at ramdam niyang wala ako sa mood para pag-usapan ang tungkol do'n.

Minsan ay pasimple ko siyang sinusulyapan. Diretso lang ang tingin niya sa daan, seryosong-seryoso sa pagdadrive. Napapaisip tuloy ako sa pagiging tahimik niya. Ito na yata ang pinakamatagal na pananahimik niya. And, it made me feel a bit uncomfortable.

"I heard you need to go to the Philippines," he started, breaking the silence.

"Uhh..." I could hardly gulp. "Yeah... since nando'n 'yong big break na binigay sa'kin ng pinsan mo."

He nodded languidly then sighed, keeping his eyes on the road. "So, it's settled then. Uuwi kayong mag-iina sa Pinas since that's the deal."

I pouted my lips then dropped my gaze to my feet. "Wala naman akong ibang choice kung 'di tuparin 'yon. And, whether naman nakatanggap ako ng magandang offer o hindi, I'd still bring them there. Humahanap lang din ako ng tiyempo dahil—"

"'Cause you're still not ready for it..." marahang huminto ang sasakyan nang mag-red light at nilingon niya ko.

"H-Hindi lang naman 'yon ang dahilan, Denz." Nag-aalinlangan akong mag-angat ng tingin sa kanya.

His eyebrow shot up. "Hindi ako maniniwala kung sasabihin mong humahanap ka rin ng tiyempo na magkapera. You know me well, Kidrea. I can provide money para lang makauwi kayo kung gugustuhin mo talaga. Kaya 'di mo pwedeng gawing alibi sa'kin ang tungkol sa pera."

I sighed frustratedly, my shoulders dropped. "Why does it have to be this soon?"

"This soon? Really, Kidrea? It's been three years already!" natatawa niyang sambit.

"So what if it's three years already? Kahit tatlong taon na ang nakakalipas, hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng nangyari. Though, somehow, it made me grow, still there's this fact na nasaktan ako at hindi gano'n kadaling maka-recover."

"I know. Hindi naman sa minamadali ko ang pag-recover mo. But... don't dwell too much in the past, Kidrea. You have to move forward."

Pagod ko siyang binalingan. "Hindi ba't 'yan nga ang ginagawa ko?"

"Avoiding is different from moving forward. What you are doing is avoiding it," muli niyang pinaandar ang sasakyan nang mag-green light.

His words made me feel strained. Alam ko namang kahit anong paliwanag ang gawin ko, do'n pa rin ang bagsak ng mga salita ko. Kahit sa'ng anggulo ay lalabas talagang umiiwas ako which is... 'yon naman talaga ang ginagawa ko.

It's already planned. I really wanted to forget about RB by not going back to my country. I planned to stay here for the rest of my life with my kids. Ayaw ko nang makita pa si RB. I don't want to fix everything, even my problems with my family. I want to leave everything as it is, then start anew. Hindi ko magawang magpatawad dahil sa sobrang sakit at bigat sa puso na naramdaman ko dahil sa kanila.

KFR 2: A Road To Reality || [Kook-U Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon