Chapter 8

3.4K 68 1
                                    

A/N: Sorry kung may mga mali at kulang sa chap 7 :) hindi naman kasi akong perpektong tao. Chaaarot! Thank you guys! :*

* Tisha POV

"Let's gooo!" Sigaw ni Zeke.

"Tara na para hindi tayo mahuli." Sabi ni Dan at binuhat si Zeke. Kinuha naman ni JB yung dala kung paperbags. Naglakad na kami papuntang cinema walang imikan game strong. Hahaha. Sana hindi mapanis laway namin. Yuuuck! Hindi namin namalayan na nasa cinema na kami at bumili na si Dan ng ticket at bumili naman si JB ng popcorn and drinks.

"Zek, cheese flavor ng popcorn binili ko kasi favorite yan ng mommy mo. Ok lang ba?" Tanong nito kay Zeke. Hala! Naaalala pa pala niya? Cutieee! 😻 Yeees! Favorite ko yung mga pagkain na may cheese powder. Hahahaha.

"Ok lang tito. Thank you!" Sabi ni Zeke tapos ginulo ni JB yung buhok ni bulinggit.

"Tama na yan ang chikahan. Pumasok na tayo maya't maya mag stastart na yung movie." Sabi ni Dan sa iritang boses at hinawakan niya si Zeke sa kamay at pumasok na sila. Problema nitong mukong nato? Kung asawa kulang si Dan, iisipin kung JEALOUS HUSBAND ang peg niya. Aiiish! Anu batong nasa isip ko! Natawa nalang ako sa aking iniisip. Hahahaha.

Pumasok na kami sa loob ng hindi namin makita sila Zeke nauna kasi silang pumasok kaya tinext ko si Dan kung saan sila banda nakaupo. Hindi ito nag reply pero may nakita akong lalaki na tumayo kaya napag-isipan ko na baka si Dan yun kaya pumunta na kami agad sa pwesto nila. Seating arrangement namin (DAN, ZEKE, AKO at JB) nag start na ang movie. Walang imikan game strong kami ulit kasi busy silang tatlo. Ako? Ito bored :( ayaw ko naman nito eh gusto ko sana yung MY EX AND WHYS kaso hindi ko naman matanggihan si Zeke :( manonood nalang ako pag may time. Kaya nag check ako ng phone ko at nag scroll scroll lang ako sa aking FB ng biglang may nag message sakin na HS Classmate ko na magkikita daw kami this Saturday (Mini Reunion daw) kaya agad ko naman itong nireplyan. Pero naka silent yung phone ko and naka low light lang para hindi naman istorbo sa ibang nanonood. Considerate naman akong tao :* biglang nag salita si Zeke.

"Mommy stop using your phone. You're not watching." sabi sakin ni Zeke at binalik na yung mga mata sa wide screen at napatingin sa akin si Dan at JB.

"Sorry baby." binalik ko na yung phone ko sa bag. Maya't maya natapos nadin yung THE LEGO BATMAN MOVIE agad naman nag palakpak si Zeke at simigaw ng "Yeheeeeey!" TBH wala akong naintindihan sa movie. Eh sa hindi ko feel yung movie eh. Kung JOHN WICK 2 pinanood namin masayahan pako. Hahahaha. Sorry naman po :D palabas na kami ng sinehan ng nag salita si Zeke.

"Daddy naiihi ako." sabi niya kay Dan at agad naman nila tinungo yung CR ganun din ako nakaramdam din kasi ako. Hindi naman marami ang tao sa loob ng CR malamang nasa MY EX AND WHYS yun. Nakakalungkot isipin. May narinig akong nag uusap na mga babae kakapasok lang nila ng CR.

"Nakita nyo yung dalawang gwapo at hot na mga lalaki sa labas?" Girl 1 (ito nanaman. Hindi ko naman matanggi na gwapo at hot nilang dalawa eh.

"Oo parang mga model kaso may kasamang bata yung isa." Girl 2

"Baka kapatid lang nya yun or pamangkin. Hindi naman halata sa mukha niya na may anak na siya." Girl 1 (wag kanang umasa girl. Anak niya yung kasama niya girls.)

"Baka nga pero tinawag siyang daddy ng bata narinig ko lang." Girl 3

"Ok lang kahit may anak na siya. Cute naman ng bata. Nakakagigil!" Girl 2

Lumabas ako sa cubicle at nag hugas ng kamay at nag lagay ng lip tint at inayos saglit yung buhok ko. Sila tudo make up para mapansin ng mga lalaking kasama ko for sure. Medyo na una silang lumabas kasi hindi naman kami kasya sa pintuan kung sabay sabay kaming lalabas. Hahahaha. Joke! Andon padin yung mga babae, hinihintay nila siguro umalis yung dalawa. Nakalabas na ako at nakita ako agad ni Zeke at tumakbo pumunta sakin.

"Mommy I'm tired." sabi ni Zeke kaya binuhat ko siya at tinungo namin kung saan naka tayo yung dalawang adonis.

"Uuwi na tayo baby. I'm tired already. Maaga pa akong pupunta ng office and may school kapa bukas." sabi ko kay Zeke at napahikab naman ito. "Let's go?" sabi ko naman sa dalawang lalaki. Si Dan na yung bumuhat kay Zeke kasi nakatulog na ito at kinuha ko nadin yung paperbags kay JB. Nag paalam na si JB na mauuna na siya kasi may bibilhin pa daw siya. Kumaway lang ito at umalis nadin. Kaya tinungo nadin namin ni Dan yung parking lot.

"San naka park yung kotse mo?" Tanong sa akin ni Dan.

"Doon banda. Yung sa iyo?" Turo ko kung saan naka park yung kotse ko. Tapos tinuro yadin kung san naka park yung kotse niya habang papunta kami sa kotse ko.

"Hatid kana namin." sabi niya.

"Wag na Dan. Pagod na si Zeke para makapagpahinga na siya." sabat ko dito

"Ok lang tulog naman na siya. Mag convoy nalang tayo." sabi niya at tumango nalang ako.

Kaya pumasok na ako ng kotse ko at pinaandar at nag drive ako papunta kung san siya naka park para hintayin. Tapos umalis na kami. Nasa tapat na kami ng condominium nag stop ako at bumaba papunta sa kanila. Binuksan ko yung pinto ng frontseat para mahalikan si Zeke at para makapagpaalam nadin ako kay Dan.

"Goodnight Baby. I love you." Sabi ko kay Zeke kahit hindi niya ito marinig. Tapos kiniss ko siya sa forehead niya. "Sige na umalis na kayo para maka rest ka na din. Ingat sa pag drive." sabi ko at nag nod lang siya sakin kaya sinara kuna yung pinto ng kotse. Tapos pinaharorot yana yung kotse niya. Pumasok ako sa aking kotse at nag drive patungo sa Carpark. Agad ko naman nadating yung unit ko at nag pahinga saglit para sana mag half bath pero hindi kuna nagawa dahil nakatulog na ako dahil nadin sa pakod.

🎀🎀🎀🎀🎀🎀🎀🎀🎀

Hanggang dito nalang muna para hindi masyadong mahaba yung UD ko :) Thank you sa lahat ng sumusuporta sa mga bumubuto at nag cocomment :* Na appreciate ko talaga yung pag tanggap niyo sa kwentong ito. I love you guys! 💕

Instant Mommy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon