*Dan's POV......
Late na akong nagising kasi gabi na ako nakauwi kagabi. Super busy sa company. Wala na akong masyadong time kay Zeke. Hindi nadin kami nagkikita ni Tisha. 7am ako umaalis ng bahay at late nadin ako kung umuwi. About sa cravings ni Sab yung isang katulong na ang bahala doon. I don't have time. You know! It's Saturday at wala akong gagawin ngayon. Bumangon na ako para bumaba at mag-aalmusal palang. I saw Zeke playing while watching TV.
"Good Morning Son." bati ko kay Zeke.
"Good Morning too daddy." bati ni Zeke at tumakbo papunta sakin at nag kiss. Binuhat ko naman siya.
"Nag breakfast kana?" tanong ko sa kanya.
"Yes po daddy. Kasama ko si mommy nag breakfast kanina before siya nag work po." sabi naman ni Zeke.
"I see. Maglaro kana don. Daddy will eat breakfast first." tumango lang siya at bumalik sa sala ako naman dumiritso sa kitchen.
"Dan, kumain kana." sabi ni Nay Fely nung nakapasok nako sa kusina.
"Mag kakapi nalang po ako nay." wala akong gana kumain.
"Oh sige. Saglit lang. Ipagtitimpla kita." sabi ni Nanay. Ilang minutes lang at binigay na ni Nanay ang kapi ko. "Ito na ang kapi mo Hijo."
"Salamat po Nay."
"Hijo, anung gusto mong ulam? Para maihanda ko na yung mga sangkap." sabi ni nanay
"Wag na po nay. Sa labas nalang po kami kakain ni Zeke. I want to spend time with him. Naging busy kasi ako lately," sabi ko naman.
"Sige Hijo. Kasama niyo ba si Sab?" tanong ni Nanay.
"Kung gusto niyang sumama." sabi ko. Ilang minutes lang ay natapos ko na din ang pagkakapi. Pinuntahan ko si Zeke sa sala.
"Son tell your ate Jean na paliguan ka. Aalis tayo." sabi ko.
"Saan po tayo pupunta daddy?" tanong ni Zeke.
"Pupunta tayong mall. Gusto mo ba? Sama natin si Tita Sab. Ok lang ba yun?"
"Yes po daddy. Can I call mommy first?" tanong niya.
"Yeah sure. Here." sabi ko at dinial na yung number ni Tisha at binigay kay Zeke. Sobrang na attach na talaga si Zeke kay Tisha. Hindi na ako nakinig sa pinag-usapan nila. Dumaan muna ako sa kwarto ni Sab para sabihin na kakain kami sa labas. Tapos pumunta na ako sa aking kwarto para maligo. Maglulunch na din kasi at baka ma traffic pa kami sa daan. After naming mag-ayos ay umalis na din kami.
"Saan mo gustong kumain son?" tanong ko kay Zeke nung nasa mall na kami.
"Anywhere po daddy." sagot naman niya. Kaya bumaling ako kay Sab. Baka may gusto siyang kainin.
"Heeey! Saan mo gustong kumain?" tanong ko sa kanya.
"Locavore. Pwede?" bibong sagot ni Sab. Parang bata talaga.
"Ok! Let's go. Baka maraming tao." sabi ko sa kanila. Hawak ko ang kamay ni Zeke habang nasa side ko naman si Sab. Pagdating namin ay umorder lang kami at naghintay ng ilang minutes at kumain. After naming kumain ay nagpaalam si Sab na magikotikot. Kami naman ni Zeke ay dumiritso sa play barn. Gusto niya kasing maglaro. Kaya pumayag ako. Minsan lang din kami magka father and son bonding. I'm doing those para sa future niya. Unlimited ang kinuha ko, para hanggang mag sawa siya. Hehehe. He's a kid after all. Marami ding mga bata doon. Siya lang mag-isa sa loob. Sinabihan ko nalang yung mga nagbabantay. Sa labas lang ako at nakamasid lang sa ginagawa niya. He's very happy. Mayamaya ay nag ring ang phone kaya sinagot ko agad ng hindi tumitingin kung sino man ang caller.

BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
General FictionHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.