*Tisha's POV......
2 weeks na ang nakakalipas. Mas lumala na yung nararamdaman ko. Every morning nako nagsusuka at mas naging weird na yung panlasa ko. Sa loob ng 2 weeks super busy ko talaga kaya hindi na tama yung pagkain ko kaya siguro nagsusuka ako every morning. And about sa my weird cravings? Andiyan naman si Paul para bilhin ang mga gusto ko everytime nagpapasuyo ako sa kanya. Hahaha. I'm so lucky to have Paul in my life. Usually hating gabi ako nag cracrave ng kung anuanu pero hindi mawala si chocolate chip cream frappe without whipped cream. Hahaha. Pero after niyang ibagay yung mga binili niya ay umaalis agad siya dahil kailangan siya sa sariling bar niya. Hindi na ako nag try na mag ask favor ulit kay Dan. Ayoko ko na ulit ma reject. Huhuhu. Nang dumating si Sab sa bahay, naging cold na si Dan hindi na siya sweet and hindi na siya sumasama samin ni Zeke paglalabas kami. But I don't care. Back to present!! After kung mag ayos ng sarili ay bumaba kami. It's Saturday kaya pupunta ako sa company ni Daddy. Pumunta kami ni Zeke sa dining para kumain ng agahan. Ipagtitimpla ko na sana si Zeke ng gatas kaso bigla namang bumaliktad ang aking sikmura kaya napatakbo ako sa sink at nagsuka. Hinagod naman ni Nay Fely ang aking likod. She always did that pag nagsusuka ako tuwing umaga.
"Anak ok kalang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni nay fely sa concern na tuno.
"Ok lang po ako nay." Sagot ko kay nanay.
"Anak tapatin mo nga ako. Buntis kaba?" It caught me off guard. Shocccks! Hindi pa pala ako dinadatnan. 1week na. Dahil subrang busy ko hindi ko na namalayan. I'm so careless!
"Hoo? Nay naman. Pagod lang po siguro ito sa trabaho nay. Ilang araw nadin pong hindi tama yung pagkain ko dahil subrang busy ako." Paliwanag ko kay nanay. Sana maniwala. I'm stupid para hindi ma notice. Weeeew! Kaya pinagtimpla ko muna si Zeke ng gatas at kumain na kami. Mabuti nalang at hindi na ako kinulit ni Nanay. Hindi na kami masyadong nagkikita ni linta.
"Anak alis na si mommy. Goodboy ka dito. Ok? I love you." Paalam ko at kiniss siya sa cheeks.
"Bye mommy. I love you too." Sabi niya at kiniss niya rin ako. Kaya pumunta na ako sa kotse ko at umalis. Nung may nadaanan akong pharmacy ay bumili ako ng pregnancy test. 5pcs different brands. Hahaaha. Para sure. LOL. After kung bumili ay dumiritso na ako sa company ni daddy.
"Good Morning Miss T." Bati ni kuya guard.
"Good Morning din kuya." Sagot ko. Pagkapasok ko sa office ni dad ay pumunta agad ako sa cr para itry yung isang PT. Naghintay lang ako ng ilang minutes para sa result. 2 red lines pero hindi masyadong dark yung isang line. Kaya nag research ako. Dapat daw 1st urine mo sa umaga. Tapos nag check din ako sa mga symptoms ng buntis at lahat ng yun ay ayon sa mga nararamdaman ko lately. Kaya ginawa ko na ang mga dapat kung gawin. Super busy talaga ako. Mayamaya nag ring yung phone ko kaya sinagot ko na.
"Hello mommy." Masiglang bati ni Zeke.
"Hi baby. Kumain kana?" Tanong ko.
"Not yet po mommy. Pupunta kaming mall mommy. Sama ka po ba?" Sabi niya.
"No baby. Maraming ginagawa si mommy." Sabi ko.
"Sayang po mommy. Kasama ko si daddy at tita sab."
"Ok baby. Kain ng marami. Ok? I love you." Sabi ko
"You too mommy. I love you too. Mwaaaah." Sabi niya at enend ang call.
Sorry baby. Promise! Babawi si mommy tomorrow. Nang dahil sa result ay kumain ako ng lunch sa tamang oras. I'm not stupid para pabayaan ang sarili ko at baby ko. After kung mag lunch ay bumalik na ako sa office ni dad at bigla naman ako nag crave ng sweetcorn with cheese. Kaya tinawagan ko si Paul. Hindi na ako nag bother na tingnan kasi si Paul naman yung sa top ng call log ko. Ilang ring lang at sinagot naman agad niya.
"Hello Paul." Sabi ko pero walang sumasagot.
"Wangja!!" Wala padin.
"Hoooy! Wangja!!" Pero wala padin. Problema nito. "Aiiishhh! Paul pasuyo naman ng sweetcorn cob with cheese oh. Hindi kasi ako maka alis sa office ni dad. Pleaseee! Thankyou. I'll wait you here. 30mins. Byeee. Ingat." Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na yung tawag at nagbasa ako sa mga papers na nasa table ni daddy. Busy ako sa papers ng may narinig akong katok sa door.
"Pasok." Sabi ko.
"Miss T. May bisita po kayo." Sabi ng secretary ni dad.
"Ok. Papasukin mo nalang." Sabi ko habang nakayuko.
"Sir pasok nalang po kayo." Sabi ng sec ni daddy.
"Here." Alam na alam ko kung sino ang may ari ng boses na yan. Dahan dahan kung tinaas ang aking ulo at nakita ko ang corn cob biglang nagka heart ang aking mga mata habang naka ngiti. Hahahaha. Tinaas ko pa ang aking ulo at biglang nagtama ang aming mata. Nag-iwas ako ng tingin.
"Bat ikaw ang bumili? Si Paul ang tinawagan ko. He asked you?" Tanong ko sa kanya.
"Naaah! Ako yung tinawagan mo." Sabi niya.
"Really?" Tumango lang siya. Naalala ko na tumawag pala kanina si Zeke.
"Sorry! Nakalimutan ko kasing tumawag pala kayo kanina. I thought si Paul padin yung sa 1st. Busy kasi ako kaya hindi ko na natingin phone ko. Sorry sa istorbo Dan. Dapat sinabi mong na wrong # ako kanina."
"Naaah! It's ok. Kumain kana?" Tanong niya.
"Ahmm. Yeah! Asan si Zeke?" Tanong ko habang kumakain ng corn.
"Play barn." Tipid na sagot niya.
"Who's with him?" Tanong ko.
"Wala. Iniwan ko naman siya sa mga nagbabantay doon." Stupid!!!
"What?!!! Nasaan ba si Sab? Diba kasama niyo siya?" Gusto kung ibaton sa kanya yung sweetcorn nahawak ko pero sayang. Hahahaha.
"Nagikotikot si Sab. Nasa barn kami kanina ng tumawag ka." Hay! Naiistress ako.
"Bat mo iniwan si Zeke?"
"Gusto mong kumain ng sweetcorn kaya bumili ako." Paliwanag niya.
"Aiiish! Sana sinama mo! Uunahin mo pa yung sweetcorn kesa sa kaligtasan ng anak mo? Dan naman!" Sabi ko sa medyo malakas na boses. Umiinit talaga ulo ko. "Sorrry. Hindi ko sinasadya. I'm worried." Sabi ko. Tumayo ako at hinala si Dan habang hawakhawak ko ang supot ng sweetcorn.
"Heeey! San tayo pupunta?" Tanong niya sakin.
"Sa anak ko. May angal ka?" Sigaw ko sa kanya.
🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄
Sorry sa late UD. Hehehe. Nag DINAGYANG pa kasi si author.
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
General FictionHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.