After kung matapos ang lahat ng kailangan kung gawin ay umuwi na kami. Nakatulog na si Zeke sa byahe kaya nung dumating kami sa bahay ay binuhat ko nalang siya para hindi na mabitin ang kanyang tulog. Pinunasan ko lang siya ng malinis na bimpo at pinalitan ng pantulog. Nag half bath din ako at nahiga sa kama ni Zeke at nag open ng social media acct ko. Hindi ko alam kung naka uwi na yung dalawa. Aiiish! Pakialam ko ba. Hahahuhu. Crazy!! 9pm na. I should sleep na dahil may baby na sa tiyan ko na dapat kung alagaan. Nabasa ko kasi na hindi pwedeng magpuyat at ma stress ang mga buntis kaya gagawin ko yan. For the sake of my baby. Our baby. I can't sleep. Shit! Kaya bababa nalang ako para mag timpla ng gatas para mas mabilis akong dalawin ng antok. Nakapatay na ang ilaw sa salas. Sa labas nalang ang naka bukas na ilaw. Hindi naman ganun kadilim kaya hindi ko nalang pinaandar ang ilaw sa sala. Pagdating ko sa kitchen ay inon ko ang ilaw at nag simula ng magtimpla ng gatas. Sa kitchen ko na ininom ang gatas tamad na kasi magbitbit pataas. Hahaha. Hinugasan ko na ang baso at aakyat na ako. Pero sa kasamaang palad ay nakita ko si Dan at Sab na kakapasok lang at bigla itong hinalikan ni Sab. Nagiwas nalang ako ng tingin at dalidaling umakyat dahil bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso. Ouch!! Mabuti nalang at hindi nila ako nakita dahil busy sila sa ginagawa nila at mabuti nalang wala akong hawak na baso. Kinuha ko lang ang mga gamit ko sa kwarto ni Zeke at pumasok sa kwarto na ginagamit ko. Linock ko ang pinto at bigla nalang tumulo ang aking mga luha. Bakit ako nasasaktan? Alam ko naman ang role ko sa buhay ng mag-ama. Hindi ko dapat nararamdaman to. Aware naman ako na mangyayari ito pero letsing puso na to! Hindi ko na kaya. Ang sakit! Ang sakit ma reject. Ang sakit na hindi ikaw ang priority ng taong mahal mo. Kaya I decided na aalis na ako bukas. I can raise my child alone. Ayoko kung maramdam niya na hindi siya priority ng tatay niya. I know na sasabihin niyo na maliit na bagay lang ito. Pero hindi eh. He always made me feel na hindi ako ang priority niya pag andiyan si Sabrina. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ko lang pinapahalata at sinasabi kasi akala ko kaya ko pa. Pero hindi pala. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi sa bata na nasa tiyan ko. I'm not that reckless. Nagising ako dahil sa katok galing sa labas ng kwarto kaya agad akong bumangon para buksan ang pinto. Bumungad sakin ang nakakunot na noo ni Zeke. Hahaha. Ang cute talaga. Mukhang kakagising lang nito.
"Good morning mommy. Bakit dito po kayo natulog mommy?" Tanong ni Zeke.
"May ginawa lang kasi si mommy kagabi kaya dito na natulog si mommy." Pagsisinungaling ko.
"Ok po mommy. Pupunta tayong church ngayon mommy?" Tanong niya.
"Of course baby." Sagot ko naman. Gusto ko bigyan ng oras si Zeke. I know hindi kuna magagawa ito pag-aalis na ako mamaya. Hindi ko alam if magkikita pa kami ng batang makulit na ito. Bigla nalang tumulo ang aking luha.
"Mommy are you crying? May umaway ba sayo?" Tanong ni Zeke habang naka tiklop ang kanyang isang kamay at ang isang kamay ay pinunas sa kanyang mga pisngi. I will miss this kiddo so much. Napangiti nalang siya sa ginawa ng bata.
"Naaah. Happy lang si mommy." Pagsisinungaling ko ulit. Forgive me.
"I love you so much mommy." Sabi ni Zeke at hinalikan ito sa pisngi.
"I love you too baby very much." Sabi ko naman at hinalik sa pisngi at niyakap. Yumakap naman agad ito sa kanya. "Fix yourself na. Baka wala na tayong seat later." Tumango lang ito at kumaripas na ng takbo. Pumunta naman ako sa cr para maligo. Sabay ng pagdaloy ng tubig galing siya shower ang pagtulo din ng aking mga luha. Sumasakit na ang puso ko. Hindi ko kayang iwan si Zeke. Pero hindi ko din kayang masaktan ang anak ko. Promise Zeke dadalawin ka ni mommy pag ok na ang lahat. Sabi ng isip ko. Nagbihis lang ako at bumaba na sa baba. I saw Zeke waiting for me sa sala. Ang gwapo talaga niya. Little version of Dan. "Let's go?" Yaya ko sa kanya. Tumango lang siya at humawak sa kamay ko. Sa frontseat siya umupo. Pinag seatbelt ko lang siya. Hindi di naman nagtagal ay nasa church na kami at mayamaya ay nag start na ang service. Natapos lang ang service at wala akong maintindihan sa message. Sorry Lord God. Lumilipad ang isip. Pinasyal ko lang si Zeke sa kung saan niya gusto. Subrang saya niya talaga kahit dalawa lang kami. Nang mag 7 na ay umuwi nadin kami ni Zeke. And this is it. I need to go! Kailangan ko ng magpaalam kay Zeke. I hope I can do this. Pumasok na kami sa kwarto niya.
"Baby may sasabihin si mommy sayo." Sabi ko.
"Anu po yun mommy?" Inosenting tanong niya.
"Ahhhm. Kasi.....Kasi anu....." Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Hindi ko kayang makita na umiiyak si Zeke. Nasasaktan ako. "Kasi anak kailangang umalis ni mommy at pupunta sa ibang bansa because of work." Sabi ko. Nakita ko naman ang pagtutubig ng mata ni Zeke.
"Can I come mommy?" Tanong niya at bigla nalang umiyak ito.
"Baby hindi pwede kasi work yung pupuntahan ni mommy. Hindi ka maaalagan ni mommy doon." Pagpapaliwang ko. Naiiyak nadin ako.
"But mommy. Hindi naman ako mag papasaway doon. Behave lang po ako. Promise! Sama muna ako." Paawa ni Zeke sakin.
"Baby naman. Promise, mommy will call you everyday. Ok bayon? Hindi kasi pwede doon baby. Hindi kasi tulad ng work ni mommy doon ang work ni mommy dito na pwede kitang isama." Pagpapaintindi ko sa kanya. I know he will understand. He's smart boy.
"Sure? You will call me everyday mommy? When ka uuwi?" Tanong niya.
"Promise ni mommy yan. Basta hindi busy si mommy. Ok? Hindi pa alam ni mommy." Sabi ko sa kanya. "Baby habang wala si mommy. Goodboy ka dito. Ok? Follow nanay fely and your yaya. I will ask them kung goodboy ka dito. Understand?"
"Yes po mommy. Promise po yan. I love you mommy and I will miss you so much." Sabi niya habang nagpupunas ng luha.
"I love you too baby. Mommy will miss you too very much." Sabi ko at kiniss at niyakap ko siya. "Baby I have to go. Kailangan na ni mommy umalis. Hindi kana dapat umiiyak dahil bigboy kana. Ok? Big boys don't cry." Sabi ko habang umiiyak. Dala ko ang maleta ko habang bumababa sa hagdan nakasunod naman si Zeke sa likuran ko. Nagpaalam lang ako kay nay fely at sa ibang kasambahay. Pinagbilin ko nalang si Zeke kay nanay. Nagtanong si nanay kung bakit ako aalis. Kung anu sinabi ko kay Zeke ganun din sinabi ko kay nanay.
Nasa labas na ako ng bahay at pinapasok ko na ang aking mga gamit sa aking kotse ay bigla namang lumabas si Zeke at yumakap saking mga binti.
"Mommy please don't go. Hindi ko kaya. Please mommy. Dito ka nalang." Sabi ni Zeke habang umiiyak. Nasasaktan ako. Parang pinupunit ng ilang piraso ang aking puso.
"Baby naman. Diba we talked already?" Tumango naman siya. Niyakap ko ulit siya ng subrang higpit at hinalikan sa noo. "Always remember mommy Tisha loves you. Ok?"
"I love you too mommy." Kiniss niya ako at pinahiran ang aking mga luha.
"We love you more kuya. See you soon." One last time. Kiniss at niyakap ko siya ng subrang higpit habang pinapalapit ko si Elsa para kunin si Zeke. Pagkakuha niya kay Zeke ay bigla akong tumakbo sa kotse ko at pinaharurut na ang aking kotse. I saw Zeke crying sa rearview mirror. Biglang sumikip ang aking dibdib. Kaya binaling ko nalang ang aking tingin sa harap. Baka hindi ko na talaga makayanan pa ang aking sarili para hindi na tuluyang umalis.
🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄
Itutuloy.....
What do you think sa chapter na ito? Sorry ito lang nakaya ng powers ko. Comment your saloobin para malaman ko.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
General FictionHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.