After 24hrs na gising ang diwa ko ay sa wakas makakatulog na ako ng maayos kahit papano. It's already 7am kaya nahiga na ako sa malambot kung higaan. zzzzZzzzzZzzz
(A/N: wag kayong maingay. Tulog na ang Princesa. Hahahaha. Pagkahiga ni princess tulog agad. Kawawa naman ang princesa. 9hrs na siyang tulog. Haaay! Byeeeeeee!)
Nagising si Tisha dahil naiihi siya kaya agad naman siyang bumangon at nag tungo sa banyo pag balik niya sa kanyang higaan hindi na siya makatulog ulit kaya nagbihis nalang siya at nag tungo sa hospital. Pagdating niya sa hospital nakita niya si Lala na nakaupo sa labas ng ICU kaya pinuntahan niya si Lala.
"La asan si mommy?" Tanong ko kay lala.
"Nasa loob po ate. Nirequest kasi ni sir si mam sa loob." Sagot naman niya. Kaya naupo ako sa tabi niya.
"Ok. Btw kumain na kayo ni mommy?" Tanong ko kay lala.
"Yes po ate kumain na kami. Ikaw po?" Sagot ni lala sabay iling ko naman. "Anung gusto mo te? Ibibili kita." Sabi niya.
"Wag na. Ako nalang bibili sa labas. Pakisabi nalang kay mommy na kakain lang ako." Sabi ko kay lala at umalis na. Nagugutom na kasi ako. Hindi ako nakakain ng breakfast & lunch kasi tulog ako. Sa malapit na fastfood nalang siguro ako kakain. Kaya pinark ko na yung kotse ko at agad na pumasok sa loob. Nag-order, kumain, bumalik sa hospital. (Parang NAGMAHAL, NASAKTAN, BUMALIK. hahaha. Chaaar!)
Tama lang yung dating ko at pwede ng pumasok sa loob. Kaya agad akong pumasok at nakita kung andon din yung Paul na nakita namin sa bahay.
"Hi mom, dad!" sabi ko sabay halik sa kanilang pisngi. "Hi! Paul right?" sabi ko naman sa kanya.
"Hi Tish!" Sabi niya sabay ngiti. Mas gwapo siya pag nakangiti. Kaya ngumiti ako pabalik. Nagkwentohan lang kami sa loob hindi namin namalayan na tapos na pala yung visiting hour kaya lumabas na kami.
"Mom umuwi na kayo para makapagpahinga ka." Sabi ko kay mommy.
"No anak ikaw ang magpahingi may work kapa bukas diba. Andito naman si lala" Sabi ni mom.
"Mom walang room dito. Sige na balik nalang kayo ni lala bukas. Tatawagan ko naman si Carla mamaya na hindi ako papasok bukas." Sabi ko.
"Ok. Kumain ka naba nak?" Sabi ni mom.
"Tapos na po mom. Kumain ako before pumasok sa loob kanina." Sagot ko kay mommy.
"O sige anak alis na kami ni lala ha. Tumawag kalang kung may kailangan ka. Alis na kami Paul." Tumango lang ako kay mommy at nag kiss sa kanya. Ganun din si Paul. Hindi na namin nakita sila mom.
"Hindi ka paba uuwi?" Tanong ko kay Paul.
"Hindi sasamahan kita dito." Sagot niya habang nakasmile. Wag kang ganyan!
"Wag na Paul. Diba may work kapa bukas?"
"Anu kaba Tish. I'm the boss hawak ko kaya ang oras ko." Pagmamayabang niya.
"Tsssss! Yabang!" Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.
"Btw, alam ba ni Dan na andito kayo sa hospital?" Bat napunta kay Dan ang usapan? Tsss!
"Syempre hindi. Wala naman siyang karapatan pumunta dito. Diba? I know that you know the whole story between us." Sabi ko sa kanya.
"Yeaaah! But diba ang alam ng daddy mo asawa mo si Dan?" Tanong niya.
"No! Hindi alam ni dad yung about kay Dan. Remember? Hindi ko sinabi yung pangalan ni Dan nung nagkita tayo sa bahay." Sabi ko.
"Ay oo pala. Sorry! So may pag-asa pa pala ako. Hahahaha" Sabi niya sabay kamot ng ulo.
"Loko-loko. Starbucks tayo Paul. My treat." Pagyaya ko sa kanya.
"Tara!" Sabi niya sabay hila sakin. Close ba kami? Bat nanghihila ang gonggong nato.
"Wag mo nga akong hilain." Kaya binitiwan niya ako. Sa car niya kami sumakay. Alangan naman tig-isang car pa kami tapos same place lang pala pupuntahan namin. Hahaha. Kapagod kaya mag drive. Yaan muna! Minsan lang to. On the way na kami sa starbucks ng biglang nag ring yung phone ni Paul at tumingin muna sya at sinagot yung phone niya. Baka girlfriend niya. Wapakels.
"Ohhh pare? Napatawag ka?" Sabi niya. "Hindi ako pwede eh. Kasama ko si Tisha ngayon. ---- hospital pare pero papunta kaming starbucks ngayon. ---- oo pare. naglilihi siguro ng kape. Hahahaaha." Ay tangina naglilihi ng kape? Kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. Pero nag smirk lang siya sakin. "Sige pare. Byeeeeee." Pinatay niya agad ang kanyang tawag.
"What was that for?" Sigaw ko sa kanya.
"Sorry sorry! Joke lang." sabi niya na nagpipigil ng tawa. Napa "Tsssss" nalang ako. Maya't maya nasa SB na kami. Kaya bumaba na agad ako at umorder.
"Good morning miss Tisha." Sabi ni Pearl. Yeaaah! Magkakilala kami I mean halos lahat sila dito kilala ko at kilala din nila ako. Always kaya ako dito.
"Good morning din." Sabi ko at nag smile. Magsasalita na sana ako pero may asungot na biglang nag salita.
"Grabe kilala kana dito. Ang galing." Sabi niya sabay palakpak. Parang gongong talaga. Kaya I rolled my eyes.
"As always miss?" Sabi ni Pearl.
"Yes." Sabi ko kay Pearl kaya nilingon ko si Paul. "Anung sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Chocolate chip cream, venti" sabi ni Paul.
"Bayaran muna dali."
"Akala ko ikaw ang magbabayad." Sabi niya sakin.
"Napipikon kasi ako sayo kaya ikaw na mag bayad. Dali na Paul may dadaanan pa tayo." Sabi ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi bayaran ang inorder namin. Nakabusangot na siya ngayon. Hahahaha. Buti nga sayo. Nasa kotse na kami ngayon. Nag ring ulit phone niya sinagot niya ulit yun.
"Pabalik na kami ng hospital pare." Sabi ni Paul sa kausap niya. Bastos na kung bastos pero bahala siya i.sagusto kung kumain ng fries eh.
"Paul mag drive thru tayo ng mcdo fries. Pleaseee! Ikaw ulit magbayad. Thankyou." Sabi ko sa kanya. Alam kung naiinis na si Paul sakin. Sorry Paul sarap mo kasing inisin. Tapos na kaming mag drive-thru kaya bumalik na kami sa hospital at doon kumain.
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
Thank you! Don't forget to vote & comment 😊 God Bless!
![](https://img.wattpad.com/cover/96050958-288-k115260.jpg)
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
General FictionHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.