Chapter 43

2.3K 61 41
                                    

This is it! Ito na ang araw na pinakahihintay nyo. Hahaha. Charing lang guys.

Pagdating namin sa bahay ay nagpahinga lang kami saglit at naglinis ng katawan. Inuna ko si Zani at sa kabilang room naman si Zeke naglinis ng katawan. After ni Zani ay ako naman naglinis ng katawan. Kakatapos ko lang nung pumasok si Zeke sa kwarto. Kyaaaah! Ang cute niya talaga. Hahaha.  

Same sleepwear and footwear kaming tatlo. Nag picture2 lang kami gamit ang instax at cellphone ko. Masaya kung palaging ganito. Ayoko nang matapos ang araw na ito. Bumaba kami para mag dinner. Kailangan na nilang mag pahinga. May pasok pa si Zeke bukas.

After naming kumain ay pumunta kaming sala para manood ng movie. Kahit isang movie lang. Nagluto lang ako ng popcorn. Nagpapicture kaming tatlo ng wholebody. Natatawa samin si Lala. Kahit kami natatawa sa pinanggagawa namin.

After ng isang movie ay pinaakyat ko sila sa kwarto. Pinag toothbrush ko muna sila habang ako ay nagtitimpla ng gatas para sa kanila. Pagdating ko sa kwarto ay nakahiga na sila at naghaharutan. Sobrang saya ko ngayong araw na to. Nakasama ko si Zeke ulit kahit isang araw lang.

Pinainom ko na sa kanila ang gatas at humiga na kami sa kama. Bali ako yung sa gitna. They want to sleep beside me kaya nag decide na ako na sa gitna nila ako bago pa sila mag-away. Nag pray muna kami bago nag goodnight.

"Goodnight princess. Goodnight kuya."

"Goodnight mommy. I love you." Sabay na sabi nila.

"I love you too babies." Sabi ko at kiniss sila sa forehead. Hindi naman nagtagal at nakatulog na sila. Nag alarm ako ng 6:30am para gisingin si Zeke bukas. Alam ko kasing 8am ang pasok niya bukas. Natulog narin ako.

Nagising ako dahil sa alarm. Bumangon na ako para ipagluto si Zeke ng breakfast kaso wala na ito sa tabi ko. Baka naliligo na. Kaya naghilamos at nag toothbrush ako bago bumaba. Nagluto lang ako ng bacon & egg tapos nag fried rice. Favorite kasi ito ng dalawang bata. After kung ihain ay umakyat ako at naligo. After kung magbihis ay ginising ko na si Zani para paligoan.

"Good morning mommy." Masiglang bati ni Zani at nagkiss.

"Good morning princess." Bati ko din at kiniss siya sa forehead.

After kung bihisan si Zani ay chineck ko si Zeke sa guestroom. Nakabihis na ito at inaayos nalang ang kanyang buhok. Binata na talaga ang aking baby. Napalingon ito sakin.

"Good morning mom." Bati niya at nagkiss sa cheeks ko.

"Good morning kuya. Binata kana talaga kuya." Sabi ko at inayos ang kanyang uniform. Nag smile lang ito sakin. "Let's go? Kakain na tayo ng breakfast." Sabi ko at tumango lang ito at sabay na kaming bumaba. Nasa dining na si Zani kanina pa. Nagbatian lang ang dalawa at nagsimula na kaming kumain.

After naming kumain ay pinauna ko na sila sa kotse at kinuha ko muna yung sandwich na ginawa ko para kay Zeke. Nilagyan ko ito ng sticky note sa labas ng plastic.

Have a great day! Don't forget to smile kuya :*

Love Mommy & Zani 💕

Dumiritso na ako sa kotse. Nasa frontseat si Zeke at nasa likod naman si Zani na nakaupo sa kanyang carseat habang nanonood ng educational videos. Pumasok naman agad ako at tinahak na namin ang daan papuntang school ni Zeke. Mabuti nalang at hindi traffic. 20mins pa bago mag time. Bumaba kami ni Zani sa kotse para magpaalam.

"Goodbye mommy. Goodbye princess." Paalam ni Zeke. Nagkiss lang siya samin ni Zani.

"Goodbye kuya." Sabi naman ni Zani at nag hug kay Zeke. Paalis na si Zeke ng maalala ko yung sandwich na ginawa ko sa kanya.

"Kuya wait." Tawag ko sa kanya. Bumalik naman agad siya sakin. Binigay ko sa kanya ang brownbag. Tinanggap niya naman at kiniss ko lang siya at umalis naman siya. Hindi kalayuan ay naghihintay ang dalawa niyang kaibigan.

"Ang ganda naman ng mommy mo Zek." Boy 1

"Oo nga and his sister." Boy 2. Nakasmile lang si Zeke sa kanila.

Umalis naman agad kami ni Zani nung naka pasok na sila Zeke sa building nila. Isasama ko si Zani sa office. Para malibang din naman siya.

Paul & Andrea's wedding.....

Kumuha ako ng isang room para samin ni Zani. Gusto sana ni Zeke kaso hindi siya pinayagan ng daddy niya. Dito na kami natulog kagabi. Maaga kaming gumising at nag-ayos ng sarili. Gusto kung puntahan si Paul kaso hindi pwede kasi dapat nasa tabi ako ng bride. Hahaha. I'm happy for them 😍 nag picture2 lang kami nila Andrea at Zani. Ang kulit nga eh. Hahaha. Aliw na aliw ang mga tao kay Zani. Nauna na sila sa simbahan. Kami nalang ni Andrea ang natira sa hotel. Si mommy na ang bahala kay Zani mamaya. Andiyan naman si Lala.

"Tish, kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko." Sabi ni Andrea natawa naman kaming dalawa.

"Natural lang yan Dre. I'm happy para sa inyo ni kuya." Sabi ko habang nagpipigil ng iyak.

"Wag ka ngang OA diyan. Naiiyak rin tuloy ako." Sabi niya.

"Wag kang umiyak. Masisira make up mo. Pinaghirapan pa naman yan ng mga bakla." Sabi ko at tumawa naman kaming dalawa.

"Let's go." Sabi nung wedding coordinator nila. Umalis naman agad kami papuntang simbahan. Kinakabahan ako. Parang naiihi at natatae ako. Hahaha. OA ko ba? Parang ako yung ikakasal eh nu? Agaw eksina lang ang peg?

Pagdating namin ay bumaba agad ako kasi mag sisimula na yung entourage. Mga tauhan nalang raw ng wedding coordinator ang bahala kay Andrea. Nagsimula na maglakad yung....

• Best Man
• Groom with his parents
• Principal Sponsors
• Secondary Sponsors
• Ring Bearer
• Coin Bearer
• Bible Bearer
• Flower Girls
• Bridesmaids & Groomsmen
• Maid of Honor

It's my turn! Nag cue lang ang coordinator na pwede na akong maglakad kaya nagsimula na akong maglakad papunta kung saan ang aking pwesto. Habang papalapit na ako sa altar ay mas lalong bumibilis ang tibok ng aking puso. Anytime ay pwede na itong lumabas dahil sa bilis at lakas ng tibok nito. Hinahanap ng mga mata ko si Zani at nung makita ko siya ay napangiti ako. Ang ganda talaga ng anak ko. And next kung hinanap ay si Zeke. Hindi naman ako nabigo dahil na kita ko naman agad ito. Nag smile lang siya sakin at ganun din ako sa kanya. Syempre titingin din ako kay Paul. Pero sa kasamaang palad ay kay Dan dumapo ang aking tingin. And our eyes met. Hindi ko naman inaasahan na nakatingin din ito sakin. Ang gwapo parin niya. Erase... Erase... Binaling ko nalang kay Paul ang aking tingin at nag smile naman ito at sabay kaming nag fighting sign habang sinasabi ito na walang sound at tumawa ng mahina. Gets nyo? Hahaha. Dumiritso ako sa assigned seat ko at hinihintay si Andrea na maglakad papuntang aisle.



🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄

Itutuloy......

What do you think? Hahaha. Sorry late ako mag UD. Kinain ng ROS si author 😂

Instant Mommy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon