Paglabas ko ng lib ay dumiritso muna ako sa kusina.
"Nay, pakisabi po kay Elsa na ayusin yung isang guest room sa taas. Dito muna si Sabrina satin." Si Nay Fely ang nag alaga sakin nung bata pako kasi always busy sina mom & dad.
"Sige Dan. Bat pala nandito ang batang iyon?" Tanong ni Nay Fely.
"Baka may problema lang po nay. Alam mo naman si Sabrina. Nay ikaw nalang ang mag sabi kay sab kung san yung kwarto niya. Salamat po." Sabi ko kay Nay Fely.
"O sha. Sasabihan ko si Elsa para makapag pahinga na yung batang yun." After ni Nay Fely sinabi yun ay umakyat na ako sa taas. Sanay naman yun dito sa bahay. Pumasok ako sa kwarto ni Zeke at nakita kung tulog silang dalawa. Ang cute nilang tingnan. Nakahug sila sa isa't isa. Kinuha ko yung cellphone ko at pinicturan sila at ginawa ko yung wallpaper at lockscreen. Lumapit ako sa kanila at kiniss ko sila sa forehead.
"Sorry son. Babawi si daddy sayo. Promise!" Sabi ko at lumabas na ng kwarto nila at pumasok ako sa kwarto ko para mag bihis. Napagpasyahan kung matulog na muna. ZzzzzzzZzzzZzzzzz.
Nagising ako dahil sa katok galing sa labas. Kaya bumangon nako para buksan ang pinto. Hindi nako nag check ng oras. Inaantok padin ako.
"Sir Dan, kakain na daw po kayo sabi ni manang." Sabi ni Elsa. Tumango lang ako. Pagkababa ko nakita ko si Sab na kumakain ng grapes at sinasawsaw sa ketchup. Whaaat?! Ang weird! But I understand. 2months palang siyang buntis. Nasa stage pa siya ng naglilihi.
"Gusto mo Kiel?" Alok niya sakin.
"Naaah. I know kulang payan sayo." Sabi ko sa kanya. Mayamaya lang ay bumaba nadin ang mag-ina ko. Nakahanda nadin kasi ang pagkain sa hapag. Paupo palang si Tisha ay bigla siyang tumakbo sa sink para magsuka. Medyo malayo pa kasi ang CR baka hindi na sya umabot kaya sa sink na siya nagsuka. Nakita ko naman na hinagodhagod ni nay fely ang kanyang likod.
"Ayos kalang nak?" Tanong ni nay fely sa kanya.
"Opo nay. Ok lang po ako. Tara kain na po tayo." Sabi niya kay nay fely at sabay na silang bumalik sa table.
"Mommy are you ok?" Tanong ng anak ko.
"Yes baby. Mommy is fine." Sagot niya. "Let's eat. Pray kana baby." Pag sabi yun ni Tisha ay nag pray din agad si Zeke. After nun nilagyan niya ng pagkain si Zeke.
"Sab this is Zeke my son and this is Tisha his mom." Pakilala ko sa kanila.
"Son say hi to your tita sab."
"Hi tita sab." Sabi naman ni Zeke at bumalik na ulit sa kanyang pagkain.
"Tish, this is Sab my bestfriend." Sabi ko.
"Nice to meet you Sab." Sabi ni Tish habang naka smile.
"Nice to meet you too Tish." Sabi naman ni Sab.
*Tisha's POV.....
Kakagising lang namin ni Zeke ng kumatok si Elsa.
"Ate, kakain na daw po sabi ni manang." Sabi ni Elsa.
"Sige Elsa. Susunod na kami." Inayos muna namin ang aming mukha bago bumaba. Pagkarating namin sa kusina ay nakita kung magka usap si lintang bruha at Dan. Nung paupo na ako nakita ko ang kinakain ni linta grapes at ketchup? Seriously? Ang weird nya ha. Pero biglang bumaliktad ang aking sikmura kaya napatakbo ako sa sink at nag suka kahit wala naman. Ang weird ba? Naramdaman ko namang hinahagod ni nanay fely ang aking likod.
"Ayos kalang nak?" Tanong ni nay fely sakin.
"Opo nay. Ok lang po ako. Tara kain na po tayo." Sagot ko nalang at nagyayang kumain. Kasabay namin sa pagkain palagi si nay fely.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
Художественная прозаHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.