Chapter 44

2.2K 51 13
                                        

Nagsisimula na ang seremonya ng kasal nila Paul. Kanina ko pa napapansin na parang may tumitingin sakin. Kaya napalingon ako sa gawi ni Dan and our eyes met again. So siya pala. Nag smile lang siya kaya napakunot ang aking noo then he chuckled. The fuck?! Kairita! Kaya tinaasan ko siya ng kilay at binaling ko nalang ang atensyon ko sa harap.

Hanggang sa matapos ang seremonya hindi ko padin siya tinitingnan. Neknek nya! Hahaha. Picture taking na sa simbahan. Entourage mga friends mga family. Lahat lahat. Hindi ko na isaisahin baka hanggang bukas pa tayo rito. Hahaha. Kidding! Nasa harap pa sila Zani kasi nag pipicture taking pa sila. Hahaha. Ang cute talaga ng princess ko. Si Zeke naka line na din. Sila na next. Binata na talaga ang kuya namin. Napapangiti nalang ako habang tinitingnan ko sila. I look crazy. Who cares! Masaya lang ako.

Tapos na ang lahat. Nag request si Paul na with maid of honor at best man. Kaya pumunta na kami sa harap. Tumabi ako kay Andrea at si Dan naman ay kay Paul. Normal lang, seryoso, naka dab, naka wacky, naka korean heart sign lahat. Hahaha. Loko na photographer ito. Hahaha. Tapos pinaakyat ni Paul si Zani at Zeke. Si Zani sa side namin ni Andrea si Zeke kila Paul. Naka ilang shots din kami.

"Wait mommy!" Sigaw ni Zani. "I'll transfer beside papa and tito Kiel." Sabi niya. Kaya nagpalit sila ng pwesto ni Zeke. Nakita ko sa peripheral vision ko na kumunot ang noo ni Dan. Dahil ba sa tinawag akong mommy ni Zani? Hmmmm.

"Kargaaaa!" Utos ni Zani. Kakargahin na sana siya ni Paul ng nagsalita na naman ito. "Not you papa. I'm asking tito Kiel. This is your day remember? I don't want to ruin your day with mama andrea." Parang hindi bata kung mag-isip. Kaya tiningnan ko si Dan. Parang naguguluhan siya.

"As you wish princess." Ginulo naman ni Paul ang buhok ni Zani. Hinampas naman niya ito. Napatawa si Andrea.

"Stop ruining my hair papa." Maktol ni Zani. "Karga." Ulit ni Zani. Kahit nagugulahan si Dan ay kinarga parin niya si Zani. Masaya ako sa nakikita ko. Tumulo ang luha ko. Hindi ko kayang pigilan. Napatingin si Zeke sakin at pinahid ang luha ko. Napangiti ako sa kanya.

And that moment na captured pala ng photographer. Si Andrea at Paul ay nakatingin sa isat-isa na masaya. Si Zeke pinahiran ang luha ko habang nakangiti kaming dalawa. Si Zani naka kiss sa pisngi ni Dan at nakapulupot ang mga maliliit na kamay sa liig ni Dan habang tumatawa.

Kailangan ng pumunta sa reception. Hindi ko mahanap si mommy o si daddy. Wala naman akong dalang kotse. Naiwan sa hotel. Naiwan si Zani sakin. Pinasama ko na si Lala kina mommy kanina. Kaya ko naman si Zani. Lumapit si Zeke samin.

"Mom, you have car? Sama ako." Tanong ni Zeke.

"Walang car si mommy. Naiwan sa hotel car ko." Sabi ko.

"Saan tayo sasakay mom?" Tanong niya.

"You can ride with me son." Sabi ng baritonong boses kaya napalingon kami ni Zeke.

Instant Mommy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon