* Tisha POV
* It's been a week ng umalis ako ng Davao and naayos kuna yung problema ng company. Naka upo lang ako sa swivel chair sa loob ng office kasi kakatapos lang ng meeting ko with our client at bigla kung naisip si Zeke matagal nadin kaming hindi nagkikita and naguusap :( Nakakamiss din yung bulinggit nayon! Ahay!
"Tish, may naghahanap sayo sa telepono." sabi ni Carla sa akin.
"Ok Carls pa konek na lang sa akin. Sino daw?" tanong ko kay Carla. Pero hindi siya sumagot.
"Hello?" sabi ko sa kabilang line.
"Hello? Who's this?" sabi ko ulit kasi hindi sumasagot. Ibababa ko na sana kaso biglang nag salita yung boses bata. Wait? Boses bata? Sino naman kaya to?
"Hello? Can I speak to Ms. Tisha?" sabi ng bata pero parang boses ni Zeke yung nagsasalita.
"Yes speaking. Who's this? Please." Sabi ko naman. Baka si Zeke nga to.
"Mommy this is Zeke. I miss you so much mommy I want to see you." Zeke said na parang maiiyak na any minute.
"I miss you too baby. Me too baby I want to see you." sabi ko para hindi siya umiyak.
"Yes please mommy. I'll ask daddy if I can meet you today. Are you busy mommy?"
"No baby I'm not busy." yes hindi naman ako busy ngayon. Gusto kulang makita si Zeke. Miss ko na siya.
"Yeheeey! Mommy wait I'll ask daddy first." sabi niya
"Sure baby. Ask your daddy first." pero hindi pako tapos mag salita ay umalis na siya habang sumisigaw pa ng yeheeeey. Ang cute talaga. Naghintay lang ako sa kabilang line.
"Mommy, daddy said yes. Meet us at MOA daw po mommy if ok lang." sabi ni Zeke bakas sa boses ng bata na masaya siya.
"Ok baby. Fix yourself na. Byeeeeeee. See you later bulinggit."
"Byeeeee mommy see you later. mwaaaaaah. I love you." sabi ni Zeke ang sweet niya talaga.
"Byeee baby. I love you too." binaba kuna yung phone and iniligpit kuna yung mga gamit ko para makaalis na ako baka maabutan pako ng traffic sa daan. Habang inaayos ko yung sarali ko ay biglang pumasok si Carla may dala siyang folder.
"Tish, aalis ka? May kailangan kang pirmahan. Need na kasi ito." sabi ni Carla at inabot sakin yung folder.
"Yes Carls. May imi.meet kasi ako ngayon." sabi ko habang pumipirma sa mga papers.
"Ok Tish."
"Sige Carls alis nako baka ma traffic pako sa daan. Byeeeee." sabi ko at lumabas na ako ng office room at nag wave naman sa akin si Carla. Pumunta na ako ng parking lot at pumasok nako sa kotse ko at umalis patungo sa SM MOA. Excited na ako. Mabilis akong nakadating sa MOA at nag hanap ng parking space mabuti nalang at hindi traffic. Pumasok na ako ng mall at mag ikot-ikot na muna ako kasi wala pa naman sila Zeke. Habang nag wiwindow shopping ako biglang nag ring yung phone ko.
"Mommy andito na kami sa MOA. Asan kana?" sabi ni Zeke.
"Nasa birkenstock ako na store baby."
"Ok mommy. Wait for us. Papunta na kami diyan." at ibinaba niya na yung tawag.
Habang naghihintay ako sa kanila pumili na muna ako ng birkenstock pandagdag ng collection ko :) fan kasi ako ng birkenstock. Bibili ko din si Zeke ng birkenstock para matchy-matchy kaming dalawa :D kaso hindi ko pa alam size ng paa niya. Hindi ko namalayan na andito na pala sila Zeke kung hindi pa siya sumigaw "Mommy!" napalingon ako sa kanila. Ang gwapo talaga ng baby ko.
"Baby!" lumapit siya sakin at nag hug and kiss.
"I miss you mommy."
"I miss you too baby." kiniss ko siya sa cheeks. Napatingin ako kay Dan at nag Hi ako sa kanya at nag nod lang siya.
"Mommy gusto kung manood ng The Lego Batman Movie."
"Ok baby. Let's watch later after we eat."
"Yeheeeey! Thank you mommy." ang saya2 niya parang binigyan ng lollipop. Ang cute.
"No problem baby." sabi ko habang pumipili ng birks for Zeke. "You want this baby?" nag nod lang siya bilang ng pag sang ayon busy kasi siya sa iPad niya.
"Miss pakikuha ng size para sa kanya and size 36. Thank you." sabi ko sa saleslady.
"Ok Miss. Saglit lang po." at umalis na ang babae.
"Saan mo gustong kumain baby?" tanong ko kay Zeke.
"Jollibee!" sagot niya pero hindi tumitingin sakin.
"Ok. After this kakain na tayo." Napatingin kami kay Dan ng biglang nag ring yung phone niya. Lumabas siya para sagutin yung tawag.
"Miss ito na po." sabi nung babae at inabot sakin yung box. Kinuha ko yung box at lumuhod sa harap ni Zeke para hubarin sana yung shoes niya kaso nag salita yung babae "ako na miss para ma fit nyo na din yung sayo."
"Ayy ok lang. Thank you" Sabi ko sa kanya.
"Ok lang miss. At chaka naka skirt pa naman din kayo. Ako na nalang." pag i.insist niya.
"Ok sige miss. Thank you!" Kaya hinubad niya na yung shoes ni Zeke at sinuot ang birks. Finit ko na din yung birks.
"Look mommy! Ang cute matchy-matchy tayo." Sabi ni Zeke na masigla ang boses. Lumingon siya pero wala padin si Dan. Mukhang importante yung phone call.
"Yes baby. Sige miss kukunin ko na." sabi ko sa babae at inabot yung box at nag bayad na kami.
"Thank you miss." They said in unison. Nag nod lang ako at ngumiti. Palabas na kami ni Zeke ng maranig ko silang nag bubulungan. Napangiti ako sa mga sinasabi nila.
"Ang cute ng baby ni Miss Tisha nu?" Girl 1
"Oo nga. Akala ko single pa si miss. Hindi halata na may anak na siya. Sexy at maganda padin si miss." Girl 2
Hindi ko na narinig yung iba pa nilang sinasabi kasi nakalabas na kami ng store. Pero wala si Dan sa labas. Saan kaya pumunta si Dan? Nako! Bat hindi siya nag paalam na aalis siya? Napasapo ako ng ulo. Saan namin hahanapin yung mukong nayun. Haaay! Sinubukan kung tawagan yung phone niya kaso busy. Aiiish! Tanga mo Tish! Alam mo namang may phone call yung tao eh. Nabalik lang ako sa sarili ko ng nag salita si Zeke.
"Mommy where's daddy? I'm hungry." Sabi ni Zeke.
"I don't know baby. Punta nalang tayo ng Jollibee. Itetext ko nalang daddy mo." sabi ko sa bata
"Ok mommy." sabi niya at nag lakad na kami papuntang jollibee. Habang papunta sila ng Jollibee nakita ni Tisha yung isang tao na naging parti ng kanyang buhay at ito ay hindi niya inaasahang pagkakataon.
🎀🎀🎀🎀🎀🎀🎀🎀🎀
P.S.: Hanggang dito nalang muna :) Maraming Salamat sa lahat ng sumusuporta sa mga bumubuto at sa mga silent readers :) Mahal ko kayong lahat 😘 Sorry kung minsan matagal akong mag update. Pasensya na po.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
General FictionHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.