*Tisha's POV....
Naiinis ako dahil sa nakikita ko. Hindi ko naman dapat to maramdam eh kasi wala namang kami. Anuba!! Kainis talaga, traidor na feelings to! Bwisit! May kausap lang naman siyang isang hipon at nakikipagkilala pa si gag*. Grrrrr! Dahil sa subrang inis ko gusto ko na tuloy maligo para mabawasan man lang ang init ng aking ulo. Haaays!
"Mommy are you mad?" Tanong ni Zeke sakin. Bakit? Dahil salubong lang naman ang aking kilay ngayon. Hahah. Kulang nalang manuntok nako eh. Charr lang! Ayaw ko madungisan ang maganda kung kamay. Mwaaahaha.
"Mommy is not mad baby." Sabi ko sa bata habang naka ngiti. Hinubad ko na ang dress na suot ko kanina at dinaluhan na si Zeke sa tubig.
"Wooow mommy you're so sexy." Bolerong bata hu. Pero syempre totoo naman talaga yun. Hahaha. Binuhat ko na siya.
"Really? Mommy is sexy?" Tanong ko sa bata habang buhat ko siya at papunta kami sa medyo malalim. Ayaw ko namang i.exposed masyado yung katawan ko nu. Hindi naman sa anu ha. All eyes on me. Ay hindi pala, yung iba lang pala kasi yung si gago hindi naman nakatingin sakin. Hahaha. Chaka lang ha!! Anu batong iniisip ko. May naririnig akong sipol kabilaan at mga nag uusap.
"Of course mommy. Ikaw pa! You're pretty too." Sabi ni Zeke tapos kiniss ako sa pisnge.
"Pare tingnan mo. Sexy ng babae na may buhat na bata." Rinig kung sabi ng isa.
"Asuss! Bolero naman tong anak ko." Sabi ko at kiniss ko ang tongki ng ilong niya.
"Oo nga pare. Tara lapitan natin." Sabi naman ng isa. Ok naman may itsura naman sila at ok din naman ang built ng kanilang katawan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit na sila samin ni Zeke ng biglang may naramdam akong yakap sa likod ko.
"Kanina ko pa kayo hinahanap mommy." Sabi ni dan. Napairap ako sa kawalan. Lier! Kitang kita ng dalawa kung mata na nakikipaglandian ka. Pero syempre hindi ko yun sinabi. Duuh! Baka sabihin pa niya na binabantayan ko siya. "Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong niya sakin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumayo na samin ang dalawang lalaki.
"Syempre na sa beach tayo, malamang ito yung susuotin ko. Alangan naman na mag jogging pants at mag jacket ako dito." Sabi ko at tumalikod at umirap. Alam ko CEO si Dan sa company nila pero parang bopols naman nito. Duuuh!
"Akin na si Zeke." Sabi niya at kinuha si Zeke.
"Where have you been daddy? We're looking for you." Tanong ni Zeke sa daddy niya. "Nakipaglandian ang daddy mo Zeke." Sabi ko sa isip ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Zeke yun nu.
"Diyan lang sa tabi2 nak." Sabi niya kay Zeke. Hindi kasi siya nakita ni Zeke kanina kasi busy siya sa tubig at medyo malayo siya samin kanina. Lumangoy ako para mabasa din ang ulo ko. Tapos ng feel ko na medyo malayo na ako ay umahon agad ako sabay ayos ng buhok ko galing sa mukha ko. Parang model lang ang peg ko. Hahaha. Tapos may narinig na naman akong sipol sa hindi kalayuan. Napakunot ang noo ko. Humarap ako kila Zeke kung saan ako ng galing kanina at nagulat ako dahil nasa harapan ko na sila at nag tama ang mata namin ni Dan. Nakakunot ang noo at nag-aalab ang mga mata. Weeew! Nakakatakot 😱 hinawakan niya ang right hand ko at hinila paalis. "Babalik na tayo ng kwarto at baka makapatay pako dito." Sabi niya, hindi ko na narinig ang huling sinabi niya. Medyo madilim na din kasi. Papunta na kami sa aming kwarto. Hindi parin niya binitawan ang aking kamay at medyo mahigpit na ang kanyang pagkakahawak.
"Dan nasasaktan ako." Sabi ko sa mahinang boses kasi ayaw kung marinig ni Zeke yun.
*Dan's POV....
Habang tumatakbo ako may nakita akong dalawang lalaki na palapit sa mag-ina ko kaya binilisan ko mabuti nalang at nauna ako. Niyakap ko siya sa likod AY MALI! SILA pala. (Hindi ko na sasabihin ang sinabi ko dito. Hahaha. Nakay Tisha naman yun. - Dan) Sinita ko siya ng dahil sa suot niya. Thanginah pre ayoko kung mapaaway ng dahil lang sa suot niya. Ayon nagalit ang mahal na reyna. Kinuha ko si Zeke sa kanya kasi baka malaglag ang pangtaas niya. Makakapatay na talaga ako pag nangyari yun. Maya2 bigla siyang lumangoy, pucha! All eyes on her. Ay hindi pala sa pwet niya pala naka tingin ang mga manyak na lalaki kaya hindi na ako nag dalawang isip na sundan namin siya. Hindi naman nag tagal at umahon na siya and I heard someone whistling sa hindi kalayuan. Mas lalo lang uminit ang ulo ko. Hinawakan ko ang kanyang right hand sabay sabing "Babalik na tayo ng kwarto at baka makapatay pako dito." Sadya kung hindi nilakasan ang sinabi ko sa ulihi kasi ayoko kung magali siya. Eh sa totoo naman eh gusto ko na talaga manuntok kaso hindi ko alam kung sino yung nag sipol. Bwisit!! Kaya hindi ko namalayan na napahigpit na pala ang pag hawak ko sa kanyang kamay. Sorry! Naiinis lang kasi ako!!
🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄
Happy 20k reads loves 😍 Thankyou so much & I love you guys! Don't forget to like 👍🏻 Sorry sa badwords. Hahaha. Na cacarried away lang kasi ako. Chaar! Para feel na feel na galit talaga sila 😂
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
General FictionHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.