Tisha's POV......
Nasa office lang ako buong araw. Inaabala ko ang aking sarili para hindi ako ma bore kasi hiniram ni Paul si Zani. Hindi ko din kasi feel ang mag malling. Baka makita ko pa ang mga taong ayaw kung makita. Hahaha. Tinitext ko din naman si Paul kung kamusta na sila. Knowing Zani, hindi yun nag-iistay sa isang lugar lang.
Panatag naman ang loob ko. Alam kung hindi pababayaan ni Paul si Zani. Mahal niya yun eh. Nung mag gabi na tinext ko si Paul na sa bahay nalang niya hatid si Zani.
After kung itext si Paul ay nagayos lang ako ng mga gamit para makauwi na. I miss my princess already. Hindi ko kayang mawalay sa kanya kahit isang araw lang. OA ba? Hahaha. Mababaliw ata ako pag nangyari yun.
Pag dating ko sa bahay wala pa si Zani at Paul kaya napag pasyahan ko na maligo nalang muna. After kung maligo ay pumunta lang ako sa sala para hintayin sila. Wala din kasi mom & dad. Nag dinner date daw sila. How sweet naman ng parents ko. Hehehe.
Busy ako sa pinapanood ko nung biglang bumukas ang pinto.
"Mommyyyyy!" Sigaw ni Zani.
"Princess." Sabi ko. Tumakbo ito at yumakap sakin at nag kiss.
"How's your day princess?" Tanong ko.
"I'm happy po mommy. We watched movies po with tito Kiel & kuya Tim." Sabi niya. Sino sila? Bat hindi nagsabi si Paul na may kasama sila?
"Sino sila?" Tanong ko kay Paul.
"Batchmate ko dati nung college. We saw them at the mall earlier." Sabi ni Paul.
"Oh I see. Hindi ka naman nahirapan kay Zani?" Tanong ko.
"Hindi naman." Sabi niya.
"Kumain na kayo?" Tanong ko.
"Oo, bago kami manood kanina."
"Ok. Dito kana mag dinner. Magluluto ako. Anung gusto mo?" Tanong ko. Bayad sa pag aliw sa bata.
"Adobong manok. Pwede? Namiss ko yun." Sabi niya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Ok. As you wish wangja." Sabi ko. "Papaligoan ko muna si Zani."
"Sige." Tipid na sagot niya.
"Princess shower time na." Sabi ko kay Zani. Sumama naman siya sakin.
Pinaligoan ko lang siya at binihisan ng pantulog. Habang nagbibihis siya. Si Kiel at Tim lang ang bukang bibig niya. Ay ewan! Tango lang at smile ang ginagawa ko. Hindi ko din naman kilala kung sino sila.
Bumaba na kami ni Zani. Dumiritso ako sa kusina para magluto. Si Zani at Paul ay busy sa kulitan. Ganyan sila palagi. After kung magluto ay inayos ko na ang hapag. May katulong naman kami pero nasanay ako sa US na kaming dalawa or tatlo lang.
"Dinner is ready guys." Sigaw ko sa kanila. Nagpaunahan naman silang tumakbo papuntang kusina. Ang kukulit talaga.
Nag pray muna kami bago kumain. Syempre si Zani ang naglead.
"Kuya, kamusta na si Andrea? Busy ba siya?" Tanong ko. 2 weeks na kami dito pero hindi parin kami nagkikita.
"Oo eh. Busy siya sa career niya and at the same time sa preparations din sa kasal." Sagot niya.
"I see. Btw, kailan kami magpapasukat ng damit?" Tanong ko.
"Next week pa raw sabi ni Andrea."
"Ay bat ang tagal?" Maktol ko.
"May biglaan out of town raw yung designer." Sagot niya
"Bakit wala ba siyang assistant or mga sastre man lang?" Tanong ko.
"Syempre meron. Pero mas gusto ni Andrea na yung designer talaga ang mag hahandle sa inyong lahat."
"Awww. Ok." Pagkatapos naming kumain ay niliglit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan. Dumiritso naman yung dalawa sa sala.
After kung mag hugas ay dumiritso ako sa sala. Nakita kung si Paul nalang ang nandoon.
"Nasaan na si Zani?" Tanong ko.
"Nakatulog na si Nisha kaya hinatid ko na sa kwarto niya." Sagot niya.
"Ok. Salamat kuya. 1 bot?" Tanong ko sa kanya.
"Sure. 1 bot lang ha. Hahaha. Hindi 1 bucket gongjo." Sagot niya.
"Ha ha. Crazy." Sabi ko at nag make face. Kumuha ako sa ref ng dalawang bote at pumunta sa garden. Dito kami madalas tumambay ni Paul.
"Gongjo pwedeng magtanong?" Tanong niya.
"Nagtatanong kana naman ah. Hahaha." Pabalang na sagot ko.
"Silly. Seryoso kasi." Sabi niya.
"Oo na. Anu kasi yun."
"What if magkita kayo or sila ni Nisha? Anung gagawin mo?" Seryusong tanong niya.
"Ewan ko. Hindi ko alam."
"Pero hindi mo naman maitatago yan habang buhay Tish." Sabi niya.
"Alam ko naman yun kuya. Gusto kung ipagdamot ang bata. Ayoko siyang masaktan pag malaman niyang may ibang pamilya ang ama niya." Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. I can handle the pain pero hindi si Zani. She's too young para makaramdam ng sakit.
"Tish pano kung wala? Wag ka kasing manguna." Tanong niya.
"Anung wala kuya? Kuya naman! Support us. No, I mean si Zani. She's too young." Sabi.
"Alam natin na isa siyang Hechanova, Tisha. Ikaw mismo ang nag lagay sa pangalan niya. How can you hide that?" Sabi niya sakin.
"Alam ko yun. Hindi ko naman ipagkakait ang bata kay Dan. Hindi pa ito ang tamang panahon and besides Salazar ang alam niyang apelyido niya." Sabi ko.
"Kailan ang tamang panahon nayan Tisha? Kung huli na ang lahat?" Hindi pa ako handa.
"Ayoko makigulo sa tahamik nilang buhay Paul."
"Tisha pumayag ako na maging ama ni Nisha, pero hindi habang buhay yun Tisha. Alam mo yan. Magpapakasal na kami ni Andrea at magkakaroon din kami ng anak someday. Paano si Nisha? Hindi ko pwedeng hatiin ang katawan ko para sakanila." Sabi ni Paul. Tama naman siya. Ayoko rin na makihati si Zani. Ayoko din na maramdaman niya na 2nd option lang siya.
"Alam ko yan Paul. I can be a mother and a father to Zani. Nagawa ko yun ng limang taon. Paul naman. Wag mo naman akong presyorin. Alam kung si Zani lang naman ang iniisip mo." Sabi ko kay Paul. I know concern lang siya kay Zani. I understand that. Pero sana maintindihan din niya ako. Na I need to fix myself first.
"Oo alam ko yun Tish. Pero iba padin kung merong kinikilalang ama ang bata. Pag-isipan mo yan ng mabuti Tisha."
"Give me some time. Salamat kuya." Sabi ko sa kanya.
"Anything for you and Nisha. Oh siya uuwi na ako. It's late. I know magsisimba pa kayo ni Nisha bukas."
"Sige. Ingat Kuya. Salamat uli." Paalam ko sa kanya. Hinatid ko siya sa labas at tiningnan ko ang kotse niyang papalayo. Nang hindi ko na matanaw ay pumasok na ako sa bahay at nilock ang pinto.
Wala padin sila mommy. Pumasok na ako sa kwarto at tumabi na kay Zani.
"I love you princess. Walang pwedeng manakit sayo. Promise." Kiniss ko siya sa forehead at niyakap siya hanggang makatulog ako.
🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄
Itutuloy.....
What do you think?
![](https://img.wattpad.com/cover/96050958-288-k115260.jpg)
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
Fiksi UmumHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.