Chapter 18

2.6K 63 3
                                    

*Tisha's POV

"Alis na ako." Paalam ko sa kanya. Umalis na ako after naming kumain at mag-usap. Ayaw ko ang plano niya na iwan si Zeke sa mga katulong lang. I know I don't have right to disagree but concern lang ako sa bata and hindi naman sa anu na wala akong tiwala sa mga katulong nila pero iba padin talaga pag may malapit na makakasama ang bata and ayaw ko naman ma feel ni Zeke yung "wala na ngang nanay wala pang tatay feeling." sa murang edad niya. Kaya nag volunteer ako kahit medyo tambak yung trabaho ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa pad ko. Magpapahinga lang ako saglit at maliligo na. Habang nagpapahinga chineck ko muna yung aking schedule tomorrow. "Crystal Clear." Ehehehe. Means walang dapat at kailangang gawin bukas pero nasa office parin. LOL. Naligo muna ako at inayos ko yung mga gamit na dadalhin ko sa bahay nila Dan. Pass 2am nako natapos mag-ayos kaya natulog agad ako. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, kaya nag inat muna ako ng unti at tumayo na para maligo. Kailangan ko pang pumunta sa office at hahatid pa namin si Dan sa airport. Hindi ako naka corporate attire ngayon. Ok lang, ako naman may-ari. Charinng! Abuso masyado nu? Hahaha.

"Good Morning Miss Tisha." Bati ni manong guard.

"Good Morning din manong." Bati ko din at pumunta nako sa elevator. Wala na masyadong tao kasi 9am na. 8am ang start ng office hours. Sorry naman late ako. Hihihihi.

"Good Morning Tish." Bati ni Carla at nag smile.

"Good Morning Carls." Bati ko din.

"Btw, may iniwan ako dyan sa table mo. Basahin mo nalang." Tumango lang ako at diritsong pumasok sa office room ko. Pagkaupo ko binasa ko kaagad yung sinasabi ni Carla sa akin. Hay! Sumasakit ang ulo ko sa mga binabasa ko. Weeeeew! Busy ako sa pagbabasa ng biglang may kumatok.

Toooook, Toooook, Toooook.........

"Come in!" Hindi na ako nag atubiling tumingin kung sino ang pumasok.

"Tish, hindi ka paba kakain? It's already 12." Tanong ni Carla sakin.

"Mamaya na siguro Carls or pag takeout mo nalang ako. Kailangan ko pa tong tapusin." Sabi ko habang sa binabaso ko naka tingin.

"Ok, pag take out nalang kita. Anu ang gusto mo?"

"Kahit anu. Salamat." Sabi ko kay Carla. Tumango lang siya at lumabas na ng silid. Hindi naman nag tagal at bumalik na si Carla at may dalang Jollibee. She knows me too well. Hihihih!

"Here! Kumain ka muna. I know pag busy ka burgersteak lang sapat na." sabi ni Carla.

"Sige, salamat Carls. You know me too well."

"Of course! Anu nalang yung pinagsamahan natin nung college?" at napatawa kaming dalawa.

"Yeaaah!" Kumain ako habang nag babasa. Multitasking is my talent. LOL. After kung kumain niligpit ko na muna yung kinainan ko at nag trabaho ulit. Mabilis lumipas ang oras. Hindi ko namalayan na 4pm na pala kung hindi lang tumawag yung yaya ni Zeke na si Jean.

Calling........

Jean

"Hello po mam." sabi ni Jean sa kabilang linya.

"Anu yun Jean? Bat ka napatawag?" tanong ko.

"Kasi po si Zeke mam." bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita niya.

"Anung nangyari kay Zeke?"

"Kanina pa po nag tatantrums mam. Ayaw pong tumahan. Hinahanap po kayo at si Sir mam." Yan na nga yung sinasabi ko eh. Kaya ayaw kung iwan nalang niya basta2 sa mga katulong. Tapos matanda na si Nanay Imelda, hindi niya na kayang alagaan pa si Zeke.

"Sige2. Papunta na ako. Nasa bahay naba kayo?" tanong ko habang nag-aayos ng gamit.

"Opo mam. Andito na po kami." tapos pinatay ko na ang line at dali-daling lumabas ng office.

"Carla alis na ako. May emergency lang kasi. Ikaw na muna bahala dito. Dadalhin ko nalang yung papers na iniwan mo kanina sa bahay." sabi ko at tinungo na ang elevator. Hindi ko namalayan na nasa kotse na pala ako sa subrang pagmamadali. Mabuti hindi traffic ngayon kahit rush hour.

🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄

Sorry for the lame UD guys 😞 hope you'll understand 😊 Thankyou so much & I love you all 💕

Instant Mommy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon