* Tisha's POV
Nasa airport nako habang hinihintay yung flight ko papuntang Davao. Ang tagal naman. Nako subrang tagal naman :( as always delay na naman yung flight ko pag domestic. Wala na talagang chance mabago ito. Bored na talaga ako kanina pako andito at walang magawa sa buhay habang nakikinig ng music sa phone ko. I can't wait na maka dating sa Davao. Finally aalis na mamaya yung eroplano na sinasakyan ko. This is it! Excited nako. Whooooo! After an hour naka landing na kami. Nasa labas na ako ng airport at may nakita akong lalaki na may hawak na placards at may naka lagay na name ko at name ng resort/hotel na pupuntahan ko.
"Hi kuya! Ikaw po ba yung pinadala ng resort para sumundo sakin?" sabi ko while smiling kay kuya. Yes kuya kasi parang nasa 40+ na yung age niya kasi kita naman sa mukha niya.
"Yes Ms ako nga. Ms ako na magdadala ng gamit nyo para hindi kana mahirapan." sabi ni kuya habang kinuha sakin yung luggage ko.
"Wag na po kuya ako nalang po magdadala ng gamit ko. Magaan lang naman po ito." I told him pero hindi niya binigay.
"Ok lang Ms kasama naman ito sa trabaho ko. Dito po tayo Ms." sagot niya sakin. Habang tinuturo yung van na sasakyan namin papuntang resort. Ok, bibigyan ko nalang siya ng tip mamaya pag dating namin sa resort.
Nasa van na kami at paalis na kami ng parking lot. Maka tulog nga muna medyo malayo layo pa naman ang byahe. "Ms andito na po tayo sa resort." sabi ni manong sa labas ng van habang ginigising ako. Oo nakatulog ako sa byahe. "Hmmmmmm" sabi ko unting -unti minulat mata ko. "Salamat kuya sa safe na byahe." sabi ko while smiling at dumudukot ng 500 sa wallet ko. Yes bibigay ko ito kay kuya. "Kuya tanggapin nyo po to. Maraming salamat talaga." habang inaabot yung pera sa kanya. "Wag na Ms. Salamat nalang." tanggi niya sakin. Hindi naman pwede na hindi niya kunin yung pera. "Sige na kuya kunin nyo na po I insist." agad kung nilagay sa bulsa niya para wala na siyang magawa at umalis na ako. "Salamat Ms. malaking tulong to samin ngayon. Ang bait nyo naman. God Bless po Ms. Enjoy your stay here." kuya said while smiling. Nasa reception desk na ako para kunin yung susi ng kwarto ko kung saan ako mag sta-stay. Nasa room na ako at inayos ko muna yung mga gamit ko bago humiga sa bed. "Hay salamat! Makakapag unwind na talaga ako dito." sabi ko sa sarili ko. Matutulog muna ako. 2pm palang naman at mainit pa sa labas. zzzZzzZzzz. Nagising ako dahil sa tawag sa cellphone ko agad ko sinagot yung tawag.
"Tish!! Kamusta kana? Nasa resort kana ba?" Tanong ni Carla sa kabilang linya.
"Yes Carls nasa resort nako. Nakatulog kasi ako kaya hindi ako nakatawag sayo." Sagot ko sa kanya habang kinukusot yung mata ko.
"Maganda ba diyan Tish?" Tanong ni Carla sakin. Habang tiningnan ko naman yung relo ko. Hala! Alas 4:30 na pala ng hapon.
"Hindi pako nakapag-ikot Carls. Hahaha. I think maganda naman. Ohhh sya! Byeeee Carls lalabas ako ngayon." Sabi ko
"Sige Tish ingat ka dyan. Sana maka hanap ka diyan ng boylet. Byeeee! Mwaaaaah." Sabi nya habang tumatawa. Loko2 talaga to. Pinindot kuna yung end button.
Nagbihis na ako at suot ko ang plain white maxee dress ko at slipper, dala ko din ang cellphone at wallet ko. Lumabas nako ng room ko at pumunta na ako sa beach side para mag lakad2. Tama lang yung labas ko kasi wala ng init. Nag lakad2 lang ako. Tapos nakita ko ang palubog na araw at umupo ako sa buhangin. Ang ganda talaga tignan nakakawala ng stress. Tapos meron din naliligo sa dagat may gumagawa ng sand castle nag kukulitan nag hahabulan na mga bata at may naglalakad din. It's already 7pm na at ang tanging liwanag nalang ay ang mga ilaw. Kakain lang ako at para makapag rest na ako. Bumalik na ako sa room ko at nag half bath tapos binuksan ko yung laptop ko para mag check ng e-mails. Hindi ko namalayan yung oras at naka tulog ako dahil sa pagod. Bumabawi talaga ako sa tulog ngayon. I need thisss!
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
General FictionHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.