Chapter 38

2K 56 13
                                    

Ito na ang nakatakdang araw na uuwi kami ng Pilipinas. Excited na si Zani. Ako? Tama lang. Hahaha. Excited na natatakot at the same time.

Sa bahay kami nila mommy mag iistay. I missed them so bad. Ilang buwan lang din kami dito. Babalik din kami ni Zani sa US. Matagal ko na naman bago makita sila mommy.

Kaya I decided na doon nalang kami mag stay sa kanila. Welcome din naman kami sa pad ni Paul. After wedding baka babalik din naman kami.

Pasakay na kami ng eroplano ni Zani papuntang Pinas. Si Paul daw susundo sa amin. Hindi raw kasi avail yung driver nila mommy kasi nasa out of town trip pa si daddy.

Excited si Zani ng sumakay na kami ng eroplano. This is her first time na sumakay ng eroplano. Ang saya niya pati ikaw ay madadamay. Hahaha. Bundle of joy.

"Mommy I can't wait to see papa." Papa's girl talaga. Natulog lang si Zani buong byahe. Alam niyang hindi si Paul ang totoong ama niya. Dahil sa gusto niyang maging papa si Paul habang hindi pa daw niya nakikilala ang totoong ama niya. Gusto din naman ni Paul, ayaw niyang lumaki si Zani na walang kinikilalang ama.

Hindi din naman ni Paul pinaparamdam sa kanya na hindi siya tunay na anak. She's always Paul's priority. Mabuti nalang at hindi nagseselos si Andrea. Mahal din ni Andrea si Zani. Parang 2nd parents na sila ni Zani.

"Princess, wake up. We're here." Gising ko sa kanya. Hindi naman ako nahirapan sa paggising sa kanya. Nag inat lang siya ng katawan.

"Yeheeey! I'm going to see papa na." Sabi niya habang sumasayaw na nakaupo.

"Yes princess. Lola & lolo too." Sabi ko at nag reready na kami para sa take off namin at paglabas sa eroplano.

Hindi naman kami nahirapan sa paghanap kay Paul kasi naghihintay na siya kung saan kami lalabas ni Zani. Pagkakita sa kanya ni Zani ay tumakbo agad ito papunta kay Paul.

"Papaaaaa!!" Sigaw niya habang tumatakbo.

"Careful princess." Sabay na sigaw namin ni Paul. Napatawa nalang kaming dalawa.

Binuhat naman agad siya ni Paul at pinupog ng halik. Natatawa naman si Zani sa ginagawa ni Paul sa kanya. Lumapit ako sa kanila.

"Papa stop it." Sabi niya na putolputol dahil sa natatawa siya.

"Kuya, kanina kapa?" Tanong ko kay Paul at kiniss siya sa pisngi.

"Hindi naman. How's your trip? Hindi ba kayo nahirapan?"

"Ok naman. Kapagod. Hindi naman." Sabi ko. Mabuti hindi na siya nagagalit pag tinatawag ko siyang kuya. Haaha.

"Are you hungry princess?" Tanong ni Paul kay Zani.

"Yes po papa." Sagot naman niya. Umalis na kami at kumain sa labas bago umuwi sa bahay nila mommy. Excited na ako. Hindi lang din naman nag tagal ang aming byahe at nakarating na kami sa bahay.

"Mommy!" Tawag ko kay mommy. Lumapit ako at nag kiss at hug. She did the same nagkamustahan lang kami ni mommy. Sa makalawa pa daw yung uwi daddy. Giliw  na giliw si mommy kay Zani.

Nagpaalam naman si Paul na aalis na kasi susunduin pa niya si Andrea. Gusto pa sanang sumama ni Zani pero hindi ko siya pinayagan.

Pumunta muna kami ni Zani sa kwarto para magbihis ng damit. Nagpaalam ako kay mommy na pupunta lang kami ng grocery para bumili ng gatas para kay Zani.

Nag meet na kami nila daddy. Enjoy na enjoy sila kay Zani. Pabida din kasi itong anak ko eh. 2 weeks na kami dito sa pinas. Palagi ako sa office. Wala din naman akong gagawin sa bahay. Minsan dinadala ko si Zani minsan hindi.

Ngayong araw ay nagpaalam si Paul na hihiramin daw muna niya si Zani. Saturday naman ngayon kaya pumayag ako. Para maaliw din naman ang bata. I know how she really missed her papa. Sobrang na attach na kasi siya kay Paul.

Dan's POV.......

Missed me? Hahaha. It's me again. Welcome paba ako dito? It's been awhile.

Anim na taon na ang nakakalipas ng umalis si Tisha sa puder namin ni Zeke. Nung umalis si Tisha ng gabing iyon. Iyak ng iyak si Zeke. Hindi siya namin mapatahan ng iyak. He's looking for Tisha. I asked nanay kung bakit umalis si Tisha. Sabi ni nanay may nag offer daw work abroad kaya grinab niya ang opportunity. Bakit hindi man lang siya nagsabi sakin? I'm not part of her life? Pinahanap ko siya pero hindi talaga siya mahanap.

Tinatanong ko sila Paul & Carla kung alam nila kung nasaan si Tisha. Hindi din nila alam. I even asked Zeke kung tumatawag si Tisha pero wala din daw. I missed her.

Narealize ko na mahal ko na pala siya. I'm stupid. Right? Sabi nga nila, malalaman mo lang daw na mahal mo ang isang tao kung wala na ito sa piling mo.

I'll wait. I know babalik siya. Nafefeel ko yun. Bumalik ako sa pagiging cold ko sa mga tao. Nasa work lang at kay Zeke ang atensyon ko. Wala akong time para maghanap ng ibang babae.

Sana hindi pa huli ang lahat kung babalik man siya. Sana wala pa siyang asawa at anak. I'm still hoping. Maybe I'll get her by hook or by crook. I can do anything.

Today is Saturday. Free day namin ni Zeke kaya niyaya ko siya mag mall at mag watch ng movie. Pumayag naman siya. Nung nasa mall na kami dumaan muna kami ng birkenstock para mag check kung may new arrival sila. This is one of her faves. Sa hindi kalayuan may nakita akong batang babae na palingalinga parang may hinahanap.

Kaya nilapitan ko siya. Mukhang iiyak na kasi siya. Pero pinipigilan niya lang. Si Zeke naman ay pumasok sa birk

"Nawawala ka?" Tanong ko. She's pretty. Parang may humaplos sa puso ko nung makita ko ang teary eyed niyang mga mata. Parang gusto ko siyang yakapin para hindi siya umiyak. Pero hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako.

Pinasadahan ko siya ng tingin. She looks rich. Baka hindi ito nakakaintindi ng tagalog.

"Are you lost?" Tanong ko. Tiningnan nya lang ako mula paa hanggang ulo. And our eyes met.

"Yes mister. I'm lost." Sabi niya na nagpipigil ng iyak.

"Where's your mom?" Tanong ko sa kanya.

"She's not here. I'm with my papa." Sabi niya. Iba din. May accent ang batang ito.

🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄

Itutuloy......

What do you think? Hehehe.

Instant Mommy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon