Ito na kaya ang simula ng love story ni Dan at Tisha?
*Dan's POV
Gumising ako ng maaga para ipagluto ang aking mag-ina. Naaaks! (A.N: Kinacareer ah. Hahaha.) heeeeh! Wag kang panira ng moment author, moment ko to ngayon. Naghilamos at nag toothbrush muna ako bago bumaba. Lumabas na ako ng aking kwarto at dumaan muna ako sa kwarto ni Zeke para icheck kung gising na sila. Tulog padin pala sila kaya bumaba na ako at dumiritso sa kusina at hinanda na ang aking mga lulutuin.
"Magandang umaga po Sir." Sabi ni Jean. "Ako na po magluluto Sir."
"Wag na Jean. Ako nalang. Salamat." Sabi ko sa kanya. Oh diba? Ang bait kung amo nu? Hahaha. Pinapabilis ko ang trabaho nila. Sorry naman po inspired lang kasi. Naaaks! Inuna ko muna yung bacon & egg tapos nag hiwa ako ng kamatis, sibuyas at ng pulang itlog. After kung matapos yun nag luto ako ng sinangag. Habang busy ako sa pagluluto hindi ko namalayan na pumasok na pala sa kitchen ang mag-ina ko. Chaar!
"Ang bango naman." Sabay na sabi nilang dalawa kaya nagulat ako at napalingon sakanila at nginitian. "Nagutom tuloy ako daddy." Pahabol ni Zeke.
"Hindi pa ako tapos dito young man. Gigisingin ko sana kayo after ko dito." Sabi ko naman sakanila. Napatingin ako kay Tisha. Ang ganda padin niya kahit bagong gising. At nagtama ang aming mga mata. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at binalik ko nalang sa aking niluluto ang aking atensyon.
"Jean, may tuyo ba kayo dito?" Rinig kung tanong niya kay Jean. Akala ko hindi siya kumakain ng tuyo kaya hindi ako nag luto and plus baka mababahoan lang siya sa amoy nito. I know anak mayaman si Tisha but kumakain pala siya. Hindi pala siya maarti gaya ng ibang anak mayaman.
"Opo ate. Ilan? Ipagluluto ko kayo." Sabi ni Jean.
"Saglit lang." rinig kung sabi niya. "Ok lang bang kumain ako ng tuyo? Baka kasi hindi ka kumakain niyan." Tanong niya sakin.
"Naaah! It's ok. Kumakain naman ako niyan. Hindi lang talaga ako nag luto kasi akala ko you don't eat dried fish bcoz anak mayaman ka." Sabi ko sa kanya at tumawa lang siya ng malakas.
"Hahahahahaha. Ako? Hindi kumakain ng tuyo? Hahahaha. Favorite ko kaya to, tapos may kasama pang linaga or pulang itlog. Nakakatakam tuloy. Hahahaha." sabi niya habang tumatawa pa. Lokang babae yun ah. But I find it cute. Umalis na siya at pinuntahan si Jean.
"Jean, gawin mo nalang 10. Maraming salamat." Sabi niya at bumalik sa kusina. Ang dami naman ata ng pinaluto niya. Ganun ya ba ka paborito ang tuyo? Tapos nag timpla sya ng gatas para kay Zeke at coffee. "You want coffee too?" tanong niya sakin. Tumango lang ako bilang tugon. "With creamer and sugar?" matanong siya ha.
"Anything." Sabi ko nalang.
"Ok." Sabi niya at nag timpla na ng coffee.
"Mommy tapos kana po ba diyan? I'm hungry na po." sabi ni Zeke.
"A sec baby. Patapos na si mommy. I'm making daddy's coffee pa." sagot niya kay Zeke. Naaaaks. Ang sarap pakinggan na tinatawag niya akong daddy ah.
"Ok mommy. I can wait po." sabi naman ni Zeke. Whoooow! Sa pagkakaalam ko mainipin itong batang to like me, parang nag iba yata ang ihip ng hangin? Iba talaga pag Nanay ang nagaalaga sa bata. Hindi naman nag tagal at natapos nadin si Tisha sa pagtitimpla.
"Here's your milk baby and here's your coffee daddy." Sabi niya sabay abot ng tasa.
"Thankyou mommy/Thankyou mommy." sabay na sabi namin ni Zeke. Nag smile lang siya. Ang ganda talaga niya pag nag smile.
"You're welcome. Ok let's eat because baby Zeke is hungry already. Baby lead the prayer na." sabi niya. Tumango lang si Zeke.
"Our heavenly Father, Thank you for the food that we are about to eat. Please bless our food and help our bodies to use this food to nourish us and keep us healthy. In Jesus name we pray. Amen." Pray ni Zeke at nag start na kaming kumain. Ang saya pag ganito palagi. Sana habang buhay na kaming ganito. Walang problema at masaya lang.
🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄
Sorry for the short UD guys 😊 hope you like it 😜 I love you readers 💕 don't forget to like 👍🏻
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (ONGOING)
Fiksi UmumHer life is pretty quite & peaceful. Pero isang araw ito ay magugulo at magiging masaya gawa ng isang BATA na tatawagin siyang MOMMY.