CHAPTER 2
Nakatingin lang ako kay Suga habang nilalagyan ng concealer yung leeg nya. Gusto kong maawa sa kanya dahil puro hickey yung leeg nya at may photoshoot sya ngayon pero natatawa na lang ako imbes na maawa kasi hindi nya ako magawang awayin.
"Meron pa dito." Sabi nya habang tinuturo yung hickey sa gilid. Nilagyan naman agad ng concealer yon nung stylist at pilit nyang tinatakpan.
Tinignan ako ni Suga sa salamin at sinamaan nya ako ng tingin. Ningitian ko lang sya dahil ang cute nyang tignan.
"Can't I just wear turtleneck shirts?" Tanong ni Suga sa stylist nya.
"Suga, summer ang theme ng photoshoot na to at hindi winter kaya hindi ka pwedeng magturtleneck."
Bigla akong natawa sa tinanong nya kaya tinignan nila ako pareho. Kinagat ko yung labi ko para mapigilan ko yung sarili ko sa pagtawa.
"Hindi ka nainformed na pwede yung turtleneck shirt kapag summer?" Sabi ni Suga at halatang naiinis na sya, "Ikuha mo ko ng turtleneck shirt, ngayon na!"
Walang nagawa yung stylist nya kundi lumabas ng room para maghanap ng turtleneck shirt.
Lumapit ako kay Suga saka sya binackhug, "Love, are you mad at me?"
Nakahawak si Suga sa noo nya habang nakasandal lang sa upuan. Umikot sya para harapin ako, "No. Kailan ba ako nagalit sayo? Magagalit lang naman ako sayo kapag naghanap ka ng iba eh."
Napangiti ako, "Sino namang ipapalit ko sayo?"
Hinila ako ni Suga kaya napaupo ako sa lap nya, "No one, love."
"Wala talaga. Kasi simula pa lang, patay na patay na ako sayo." Sabi ko.
"But you loved my brother first."
"Totoo yon. Una kong minahal si Yoongi pero iba yung pagmamahal ko sayo."
Ningitian nya ako, "Jimin..."
"Hmm?"
"Tayo lang dalawa yung nasa dressing room." Bulong nya.
Eto na naman tayo. Bago pa kami ikasal rated spg na talaga kaming dalawa. Mas lalong rated spg kaming dalawa nung honeymoon kasi naglaban talaga kami. Espadahan ba kumbaga.
"Anong gusto mong iparating?" Tanong ko.
Nakita ko yung pagsmirk nya, "Alam mo naman yon diba."
"Yeah, I know." Sabi ko. Lalapit na sana ako lalo para halikan sya nung biglang nagbukas yung pintuan kaya natulak agad ako ni Suga.
Nakaupo ako sa sahig ngayon at pakiramdam ko, nabali yung spinal cord ko sa lakas ng tulak nya. Napatingin ako sa tao sa pintuan at nakita ko si Taehyung at Jungkook na nakatayo lang don habang nakataas yung kilay samin ni Suga.
"Rated PG lang tong kwento nyo, wag nyong haluan ng kababalaghan please." Sabi ni Taehyung saka binaba yung plastic na dala nya.
"Oo nga." Sabi ni Jungkook, "May bahay naman kayo, kahit ilang rounds pa gawin nyo walang pipigil sainyo."
Tumayo na ako saka sila nilapitan at pareho ko silang binatukan. Storbo talaga tong mga to kahit kailan. Simula pa dati laging nauudlot yung kissing scenes namin dahil epal sila eh.
"Nag-aano lang ako dito paepal." Bulong ko saka inirapan si Taehyung at Jungkook.
"Salamat sa pagkain." Sabi ni Suga habang tinitignan yung plastic na dala ni Taehyung.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
Fiksi PenggemarIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]