CHAPTER 16
Napatingin ako sa orasan ko habang hinihintay syang dumating. Hindi ko alam kung bakit gustong makipagkita ni Gabrielle sakin. May ibibigay daw sya sakin kaya magkita daw kami sa coffee shop malapit sa ospital.
Tinignan ko yung wedding ring na suot ko. Pagkatapos kong magmakaawa kay Suga na wag akong hiwalayan, tinapon nya yung singsing. Akala ko wala ng mas isasakit pa nung nakalimutan nya ako. Mas masakit pala yung sinabi nyang hindi nya ako mahal.
"Paano kita ipaglalaban kung hindi pa nga ako gumagawa ng paraan para maalala mo ako, sinasaktan mo na ako ng ganito?" Bulong ko habang nakatitig sa wedding ring ko.
"Sorry if I'm late." Napatingin ako kay Gabrielle at nakita ko syang nakatayo sa harapan ko, "Ayaw kasi akong paalisin ni Suga."
Paano kita ipaglalaban kung yung una mong minahal yung kakumpitensya ko?
"Ayos lang." Sabi ko, "Have a seat."
Umupo na si Gabrielle, "Dadalaw ka ba ngayon? May aasikasuhin kasi ako. Wala syang kasama sa ospital since sila tita pauwi pa lang ngayon. Bukas pa sila makakarating."
"May trabaho ako." Sabi ko.
Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. I can't even get enough sleep because of the pain he gave me. Naiintindihan kong hindi nya ako maalala. Naiintindihan ko kung ano ako ngayon para sa kanya. Pero kailangan ba nya akong saktan ng ganito? Kailangan ba nyang itapon yung singsing na sobrang halaga para sa aming dalawa?
"Please." Sabi ni Gabrielle sakin. Hindi ko alam kung bakit nagmamakaawa sya sakin. Sana maintindihan nya yung sitwasyon ko. Gusto kong magpahinga sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
I need to be strong so I can fight for him. Because I feel so weak right now. Baka bigla na lang ako sumuko sa kanya.
"Gab, I need a break." Sabi ko saka tinuro yung puso ko, "He wants a divorce. I can't let him do that. Alam mo ba yung nararamdaman ko ngayon? I feel weak. What do you expect me to do? What do you expect me to feel? Tao lang din naman ako, nasasaktan rin ako."
"So, are you going to run away just because you're hurt? Tatakbuhan mo yung sitwasyon ng asawa mo dahil nasaktan ka nya kahit hindi nya sinasadya yon? He lost his memory temporarily. Maaalala ka rin naman nya." Sabi ni Gabrielle saka hinawakan yung kamay ko, "Suga is worth fighting for. So fight for him. Don't let him go."
I was lost with words. Hindi ko alam yung sasabihin ko. She got a point.
"But I'm not trying to run away. I just want to rest from all these pain. I need to be stronger for him. Hindi ko naman sya iiwan kahit pinagtabuyan nya ako ng ganito, gusto ko lang ihanda yung sarili ko." Sabi ko. If I'm weak, madali akong susuko sa kanya. At yun ako ngayon.
I can't afford losing him.
"Alright. Magtitiwala ako sa sinasabi mo. But please consider this day as an excemption. He needs you." Sabi ni Gabrielle saka binitawan yung kamay ko.
May kinuha si Gabrielle sa bag nya at nilagay yon sa harapan ko, "Mahirap syang hanapin sa buong kwarto. Pinakiusapan ko pa yung janitor na wag munang magwalis kasi baka hindi nya mamalayan na nawalis nya pala yung wedding ring ni Suga."
Napatingin ako sa wedding ring ni Suga. Pakiramdam ko talaga nakipaghiwalay na sya sakin dahil imbes na sa daliri nya yun nakikita, eto sya ngayon sa harapan ko.
"Keep it first. Just give it to him in the right time, okay?" Sabi ni Gabrielle saka sya tumayo, "Baka ma-late na ako. I'll go ahead."
Kinuha ko yung singsing at may tumulong luha sa mata ko. Tinago ko yung wedding ring nya sa bulsa ko saka ako umalis sa coffee shop. Dumiretso ako sa ospital. Kailangan kong bantayan si Suga ngayon dahil wala syang kasama.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
Fiksi PenggemarIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]