CHAPTER 25
"Good morning, love!" Halos malaglag ako sa hagdan nung nakita ko si Seulgi na nag-aabang sakin sa baba. Quarter to 6 pa lang ng umaga tapos nandito na sya, wala pang pasabi.
"Ang aga mo ah." Sabi ko saka bumaba. She hugged me immediately and planted kisses on my face, "Di pa ako naliligo."
"It's okay." She said, "I made breakfast for you. Let's eat?"
Tumingin ako sa dining table at puno yun ng pagkain, "Wow. Thanks love." I said.
Sabay kaming umupo at nilagyan nya agad ako ng kanin, egg at bacon sa plato ko. Tinitigan ko lang si Seulgi habang nagsasalita sya na kailangan ko kumain tuwing umaga kasi masamang magskip ng breakfast.
I feel sorry.
Hindi ko kasi makalimutan yung tanong ni Jin hyung sakin. Hindi ko maalis sa isip ko na baka naaalala na pala ako ni Suga ngayon at baka bawiin nya ako kay Seulgi. Iniisip ko pa lang yung mangyayari, sumasakit na yung ulo ko.
Seulgi is important for me. When I was alone and depressed, she was there to comfort me and told me how beautiful life is. She made me happy when I was hurt. She made me forget what Suga did to me.
How can I leave her if all she ever did was to give me hope and love me?
"Love?" Nawala ako sa mga iniisip ko nung hinawakan ni Seulgi yung kamay ko, "Are you okay?"
"Yeah." I said. Kumain na kaming dalawa habang pinapakinggan ko lang sya sa mga kwento nya.
Sabay kaming pumunta sa resort at nakita ko agad si Hobi hyung at Jungkook na nag-aabang sakin sa lobby.
Seulgi kissed me on my lips, "See you later." Nauna na syang naglakad papunta sa office nya.
"Nako. Kailangan nyo ba talagang ipakita yung kalandian nyo sa harapan namin?" Sabi ni Jungkook habang umiiling pa. Umupo ako sa harapan nila saka kinuha yung iced tea ni Jungkook at uminom.
"Anong kailangan nyo at nanggugulo na naman kayo dito? Wala ba kayong mga trabaho?" Tanong ko sa kanila. Lagi na lang silang nanggugulo, akala mo naman walang mga trabaho.
"May pupuntahan tayo." Sabi ni Hobi hyung habang inuubos yung cake nya.
Saan nila nakuha tong mga pagkain nila?
"Hindi pwede. May trabaho pa ako. 5 pm matatapos yung trabaho ko, hindi ba pwedeng bumalik na lang kayo?" I asked. Marami pa akong aasikasuhin.
"Pinagpaalam na kita kay Namjoon hyung." Sabi ni Jungkook.
"What? Pumayag ba sya?"
"Hindi. Pero napilit lang sya ni Jin hyung. Alam mo na, no sex for 1 week kapag di sya pumayag kaya ayun, pumayag agad. Ganun sya katigang!" Sabi ni Jungkook sabay tawa. Napailing na lang ako sa kalokohan nila pero agree ako tigang talaga si Namjoon hyung.
Hinatak nila ako patayo pero inalis ko yung pagkakahawak nila sa braso ko, "Magpapaalam muna ako sa girlfriend ko."
"Takot ka dyan sa girlfriend mo? Ano? Under ka?" Sabi ni Hobi hyung kaya napakunot yung noo ko. Malay ko ba kung saan nila ako dadalhin, baka mag-away pa kami ng girlfriend ko dahil sa kanila. Masakit sa ulo kaya yung mga babae.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta. Alam namin kung ano yung totoo mong gusto, kaya doon tayo pupunta." Sabi ni Hobi hyung.
![](https://img.wattpad.com/cover/100332469-288-k25666.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanfictionIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]