CHAPTER 38
Lumabas agad ako ng bahay nung narinig kong may bumusina. Dala ko yung bag ko dahil magsastay ako overnight kay Suga. Ngayong araw ko rin sya balak tanungin tungkol sa aksidenteng nangyari.
Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Suga na nakasandal sa kotse nya habang hawak yung phone nya kaya bigla akong napahinto. Ang gwapo nya kasi tapos ang sarap nyang titigan.
Napansin ata ako ni Suga kaya tinago na nya yung phone at lumapit sakin, "Kanina ka pa dyan?" Tanong nya bago nya kinuha yung bag ko. Nilagay nya yung bag sa likod at pinagbuksan nya ako ng pintuan.
"Hindi ah." Sabi ko. Baka pagsinabi kong napahinto ako dahil nagwapuhan ako sa kanya, lalaki na naman yung ulo nya.
Pumasok na kami sa kotse at nagdrive na sya papunta sa apartment nya. Nakahawak lang sya sa kamay ko habang yung isang kamay naman nya yung nakahawak sa manibela.
Hindi ko pa pinapanuod yung video dahil hindi pa ako handa. Pagkatapos kong marinig lahat ng nangyari, sobra sobra yung galit na naramdaman ko kay Seulgi. Akala ko ba nagustuhan nya si Suga pero bakit pinlano nyang patayin yung asawa ko?
Kung hindi siguro ako nagkagusto sa kanya, ako mismo yung papatay sa kanya.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Suga kaya umiling ako. Wala akong gana kumain dahil sa mga nalaman ko.
"Ikaw ba?" Tanong ko. Umiling din si Suga, "Gusto mo bang mag-order na ako ngayon?"
"No." Sabi ni Suga saka tumingin sakin, "May kakainin naman na ako mamaya."
Nagkasalubong kami ng tingin at alam ko na agad yung gusto nyang iparating. Napailing na lang ako sa kabastusan ng asawa ko.
"Mukhang masarap yung kakainin mo ah." Sabi ko. Napatango si Suga sa sinabi ko saka hinalikan yung kamay ko.
Nakarating kami sa apartment nya at sobrang lakas ng ulan. Kinuha ko yung payong ko at sabay kaming lumabas ni Suga. Nakarating na kami sa apartment nya at pumasok na kami sa elevator.
Biglang kinuha ni Suga yung payong ko at binuksan yun ulit kaya napatingin ako sa kanya, "Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko.
Pinindot ni Suga yung 29th floor saka tinaas yung payong. Sobrang lapit sakin ni Suga at nakatingin lang sya sa labi ko, "Nagugutom na ako, love."
"Then go ahead and eat." I said. Suga pinned me on the wall and kissed me like there is no tomorrow.
Pakiramdam ko mapupudpod na yung labi ko dahil sa paraan ng paghalik nya sakin pero wala akong karapatang magreklamo dahil gusto ko rin naman to.
"Jimin... I love you." Suga whispered before kissing my jaw down to my collarbone.
Hinayaan ko lang syang halikan ako kahit na sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil hindi nya sinabi sakin na yung taong pinaniwalaan ko at pinalit ko sa kanya noon ay yung taong muntik na syang patayin.
Tumunog bigla yung elevator kaya lumayo sakin si Suga. Bumukas yung elevator at nagulat yung taong papasok sana nung nakita nyang nakapayong si Suga.
"Papasok po ba kayo?" Tanong ni Suga. Umiling bigla yung babae kaya pinindot agad ni Suga yung close button.
Nilapitan ulit ako ni Suga pero hinawakan ko yung mukha nya kaya napaatras sya, "27th floor na. Malapit na tayo, kalma ka lang." Sabi ko sa kanya.
Tumango naman si Suga saka inayos yung buhok nya, "Alright. I got it."
Napailing na lang ako kay Suga. Alam kong sobrang kinky naming dalawa at wala na kaming magagawa don pero minsan wala talaga sa lugar tong pagiging tigang ni Suga.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanfictionIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]