CHAPTER 4
"Let's go party!" Sigaw ni Taehyung pagpasok namin sa club. Dumiretso kami sa table namin saka umorder agad ng drinks.
Dahil kakabalik lang nila Namjoon, nag-aya agad sila na uminom. Sayang nga lang at wala yung asawa ko ngayon dahil may pupuntahan daw sila ni Alys.
"No girls, okay? May mga asawa na tayo baka gusto nyong mawalan ng bahay." Sabi ni Jin hyung kaya natawa kami. Parang dati, tumatakas pa kami sa school kasi may rules na bawal lumabas tuwing weekdays yung nagdo-dorm pero masyado kaming makulit kaya tuwing gabi, nasa club kami.
"Loyal kaya ako sayo, love." Sabi ni Namjoon saka hinalikan sa pisngi si Jin. Napailing na lang ako nung naalala ko na naiinggit ako sa kanila noon dahil akala ko hindi ako mahal ni Yoongi.
Naalala ko na naman sya.
Aaminin ko naman na masakit pa rin hanggang ngayon dahil kahit kailan, hindi kami nakapag-usap at nakapag-ayos man lang bago sya mawala.
Pero matanggal ko nang tanggap na wala na sya.
"Sus. Akala nyo naman talaga may forever!" Sigaw ni Hobi hyung saka uminom ng alak.
"May asawa ka na nga, ganyan ka pa rin? Gago ka?" Sabi ni Jungkook kaya binatukan sya ni Hobi hyung.
"Porket ikaw unang nagkaanak sating magtotropa, ginagago mo na ako?" Sabi ni Hobi hyung.
"Hindi po Hobi hyung." Sabi ni Jungkook saka inemphasize yung word na 'po'.
"Jimin." Napatingin ako kay Jin hyung nung tinawag nya ako, "Nasan si Suga?"
"May pupuntahan sila nung manager nya." Sagot ko.
Napataas yung kilay ni Jin hyung, "Alam mo, sa inyong dalawa, hindi ko alam kung sino yung may kayang magloko."
Natahimik ako sa sinabi nya. Magloko?
"Tingin mo ba magloloko ako kay Suga, Jin hyung?" Tanong ko.
"Hindi. Pero si Suga, anong sa tingin mo?"
"Hindi nya kayang magloko sakin. Alam kong hindi dahil malaki yung tiwala ko sa kanya. He will never break his promise and he will never hurt me, hyung. I believe in him." Sabi ko saka uminom ng alak.
Tumayo na sila Jungkook, Taehyung at Hobi hyung saka pumunta sa dancefloor. Nakatitig lang ako sa baso ko at wala akong balak tumayo o makisama sa kanila.
Iniisip ko yung tanong ni Jin hyung. Bigla ko kasing naalala si Gabrielle sa tanong nya. Pero naniniwala ako na walang gagawing masama si Suga na pwedeng makasira sa aming dalawa.
"Oorder lang kami ng drinks, dito ka lang?" Tanong ni Namjoon hyung. Tumango ako at nakatingin lang ako sa kanila ni Jin hyung habang naglalakad sila palayo.
Nilagok ko na lahat ng alak na natitira sa baso ko saka tumayo para pumunta sa dancefloor. Sumiksik ako sa mga tao hanggang sa narating ko yung pwesto nila Jungkook.
"Bored ka na dun no?" Tanong ni Jungkook kaya tumango ako.
Sumayaw lang kami sa dancefloor. Medyo masakit na rin yung ulo ko. Para akong hayop na nakawala sa kwadra kung sumayaw at wala akong pakialam kung may matamaan man akong tao.
"Wooooohhh!" Sigaw ko nung mas lalong lumakas yung tugtog. Tawang tawa kami ni Jungkook habang sumasayaw si Hobi hyung sa gitna.
"Go Hobi hyung! Ipakita mo sa kanila ang bagsik ng isang kabayo!" Sigaw ni Jungkook saka chineer si Hobi hyung.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanficIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]