CHAPTER 13

1.2K 79 56
                                    

CHAPTER 13

Pagkatapos kong gamutin yung hiwa ni Gabrielle sa leeg, nilagyan ko yon ng bandage. Napatingin ako kay Gabrielle nung naramdaman kong nakatitig sya sakin. Hindi man lang sya umiwas ng tingin nung nahuli ko syang nakatitig sakin.

"Tapos na." Sabi ko saka niligpit yung first aid kit ko. Tinago ko yon sa cabinet saka dumiretso sa kusina, "I'll cook for you. Ramyeon lang kaya kong lutuin."

Tumango naman si Gabrielle pero hindi pa rin naaalis yung tingin nya sakin. Nagsimula na akong magpakulo ng tubig para sa ramyeon ni Gabrielle.

"Is this why Suga is deeply in love with you?" Narinig kong tanong ni Gabrielle kaya napatingin ako sa kanya.

Tahimik lang ako habang hinihintay yung susunod nyang sasabihin.

"I guess this is the reason." Sabi ni Gabrielle. Hindi ko maintindihan yung sinasabi nya pero ayokong tanungin yung ibig nyang sabihin.

Kapag related talaga kay Suga at Gabrielle, nawawalan ako ng lakas ng loob na sabihin kung ano ba yung gusto kong sabihin. Yung totoong nararamdaman ko. Yung mga tanong na matagal ko nang gustong hanapan ng sagot.

Ayoko kasing marinig. Ayokong malaman yung sagot.

I'd rather close my eyes and pretend like everything is fine than knowing the truth.

Minsan mas gusto mo na lang makarinig ng kasinungalingan kaysa yung totoo.

Niluto ko na yung ramyeon ni Gabrielle at habang ginagawa ko yon, walang nagsasalita kahit isa sa aming dalawa. The silent is deafening. Kahit pala yung katahimikan, nakakabingi din.

Nakita ko si Gabrielle na nakaupo na sa upuan at handa na syang kumain. Hindi naman kami magkaibigan pero ginagawa ko to sa kanya. Minsan talaga engot ako eh.

Nilapag ko yung ramyeon sa harapan nya, "Just call me when you're done eating." Sabi ko. Aakyat sana ako sa kwarto nung narinig kong tinawag ako ni Gabrielle.

"What?" I asked.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ni Gabrielle yung mga kamay ko, "Thank you. I know you're only doing this because you pity me but still, thank you for saving my life."

"Can I ask you for a favor?" Tanong ko. Nagbabakasakali ako na gawin nya yung favor ko dahil sabi rin naman nya, niligtas ko yung buhay nya.

"Anything that I can do." Sabi ni Gabrielle.

"Can you stay away from us? Can you stay away from Suga?" I asked-- almost pleading. Gusto ko na kasi matapos yung selos na nararamdaman ko tuwing makikita ko sya. Gusto ko na mawala yung inggit ko sa kanya para mapagkatiwalaan ko na ng buo yung asawa ko.

Ngumiti si Gabrielle at unti-unti nyang binitawan yung kamay ko, "I can't do that."

Napatingin kami ni Gabrielle sa pintuan nung narinig naming nagbukas yon. Nakita ko si Suga na nakatingin saming dalawa ni Gabrielle at parang nagulat sya sa nakikita nya.

"What's happening here?" Tanong ni Suga nung nakarecover na sya sa nakikita nya.

"Muntik nang nakawan si Gabrielle. Buti na lang nakita ko sya kaya nailigtas ko pa sya." Sabi ko kay Suga. Lumapit sya agad kay Gabrielle at tinignan yung leeg neto.

Para akong sinasaksak sa nakikita ko. Ako yung asawa, hindi man lang kayang itanong kung ayos lang ako.

"Are you alright?" Tanong ni Suga kay Gabrielle.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon