CHAPTER 6

1.3K 82 51
                                    

CHAPTER 6

"So, what's your plan?" Tanong ni Namjoon sakin. Inikot ikot ko yung baso habang nag-iisip. Birthday na ni Suga at Yoongi pero nawala sa isip ko na gumawa ng plano.

"Ano bang maganda?" Tanong ko sa kanila.

"Kunwari may kabit ka." Sabi ni Hobi hyung kaya muntik ko na syang masapak.

"Chill! Nagbibiro lang ako."

"Ayusin mo hyung." Sabi ko saka tinapat yung kamao ko sa mukha nya. Hindi ko masyadong nilapit sa baba nya kasi baka magkasugat ako.

"May mga bilihan ba dito ng party supplies?" Tanong ni Jungkook kay Hobi hyung.

Nagkibit balikat lang sya. Dinala-dala nya kami dito sa island tapos wala syang alam sa lugar na to. Yung totoo? Nagshabu ata to bago kami pumunta dito.

"May plano ako." Napatingin ako kay Jin hyung dahil sa sinabi nya.

"Ano?"

"Kami na bahala sa preparations. Mag-snorkeling muna kayo ni Suga and spend your day with him. Kapag malapit na maggabi, saka kayo bumalik." Sabi ni Jin hyung.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Yeah." Sabi nya, "But, don't greet him yet. Kunwari nakalimutan mo."

Tumango ako sa kanya, "Okay."

Bumalik na ako sa kwarto namin ni Suga at nakita ko syang tulog pa rin. Tumabi ako sa kanya at sinuklay yung buhok nya pero nagulat ako nung hinila nya ako kaya napahiga ako sa tabi nya.

"Let's sleep." Sabi ni Suga saka ako niyakap ng mahigpit.

Naisip ko bigla yung plano ni Jin hyung, "Snorkeling tayo."

Nakita ko syang dumilat saka tumingin sakin, "Just the two of us?"

Tumango ako. Biglang umupo si Suga saka nag-unat, "Okay. Tara na."

"Aba. Excited ka ah." Sabi ko habang natatawa.

"My husband wants to do it. What my husband wants, I also want it." Sabi ni Suga saka ako hinila paalis ng kama.

Sabay kaming bumaba at nakita namin sila Jin hyung na nag-uusap.

"Magso-snorkeling lang kami." Sabi ko saka sila ningitian.

"Pakisabi kay Nemo, idol ko sya." Sabi ni Taehyung at mukhang seryoso sya sa sinasabi nya.

"Pati kay Dory na rin." Sabi naman ni Erin na asawa nya. Nagkatinginan kami ni Suga at parang natatawa sya dahil sa sinabi ng mag-asawang to.

"Bagay talaga kayo." Sabi ko, "Pareho kayong may sapak sa utak."

Umalis na kami ni Suga dala yung mga gagamitin namin pang-snorkeling. Sinuot ko na yung swimfins at iba pang gear.

Hinawakan ulit ni Suga yung kamay ko at sabay kaming sumakay sa bangka.

Magkahawak kamay lang kami habang umaandar na yung bangka. Napatingin ako sa kamay naming dalawa na magkahawak. Naisip ko bigla lahat ng pinagdaanan naming dalawa ni Suga.

Yung mga panahon na nagpapanggap pa sya bilang si Yoongi, yung mga panahong hinihintay ko syang bumalik at yung mga panahon na kasal na kami.

Iniisip ko pa lang na mawawala sya sakin, parang hindi ko na kakayanin. Sobrang masasaktan ako non dahil si Suga lang ang meron ako. Sa kanya lang ako kumukuha ng lakas.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon