CHAPTER 18
Pinapanuod ko lang si Suga habang tinitignan nya yung pictures namin na nakadisplay sa living room. Maraming pictures sa wall simula nung naging kami hanggang ngayon.
Yung mga pictures na binigay nya sakin bago sya bumalik ng New York noon dahil naguguluhan ako kung sino ba sa kanila ni Yoongi yung mahal ko, tinago ko yon at pinaframe ko.
"We really had a great time together." Sabi ni Suga. Nilapitan ko sya saka tinignan rin yung pictures.
Tinuro ko yung picture namin na naka-couple shirt nung college kami.
"Sinurprise mo ko nyan. Nag-iwan ka ng box sa upuan ko tapos nasa loob yung tshirt na suot ko. Tapos bigla kang pumasok at suot mo yung kaparehong shirt nung akin pero iba nga lang yung nakasulat."
Tinuro ko naman yung picture namin nung kasal naming dalawa.
"Habang naglalakad ako papunta sayo, doon ko naramdaman na parang tumigil yung mundo. Nag-slow motion lahat at ikaw lang yung nakikita ko. Iyak ako ng iyak habang naglalakad non tapos biglang sabi ni papa, umiiyak ka rin daw. Yan yung pinakamasayang araw sa buhay ko." Sabi ko saka tinignan si Suga na nakatitig lang sakin.
"Why?" Tanong ko saka napahawak sa mukha ko, "May dumi ba ako sa mukha?"
Umiling sya, "Nothing. I just feel happy." Umiwas ng tingin si Suga saka tinignan pa yung ibang pictures.
Napahinto sya sa picture nya na may chocolate icing sa buong mukha nya.
"We learned how to bake together. Tapos bigla kitang nilagyan ng icing. Hinding hindi ko makakalimutan yung itsura mo noon kasi hindi mo inexpect na lalagyan kita. Tapos nilagyan mo ko ng icing sa bibig and then you kissed me. Kaso nahuli tayo nung nagtururo satin tapos pinagalitan tayo. Nagsasayang kasi tayo ng icing non." I said while laughing. Sobrang fresh pa rin sa memory ko lahat ng pinagdaanan namin.
I feel bad for Suga because he forgot his memories with me.
"It must be really nice." Sabi ni Suga habang nakatitig sakin, "Being married to you."
Napangiti na lang ako, "Do you want to eat?"
Umiling sya, "Ngayon sila darating. Kakain tayo sa isang restaurant kaya magbihis ka na. I'll wait for you."
"Ngayon na talaga?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam na ngayon darating yung in-laws ko.
Tumango si Suga kaya umakyat na ako sa kwarto namin at nagpalit ng damit. Kaya pala nakaayos sya.
Pero ang alam ko kasi, kay Gabrielle sya ngayon nakatira at binili lang nya yung mga damit na suot nya. Ngayong araw lang sya nakapunta ulit dito sa bahay kaya nagulat sya sa mga picture na nakalagay.
"You're part of my family." Narinig kong sabi ni Suga habang may kausap sya sa phone. Hindi pa nya ata ako nakikita kaya huminto muna ako sa paglalakad.
"I can't fetch you. I'll text you the address so wear something nice, okay? See you there. I--" Napahinto si Suga sa sasabihin nya nung nakita nya ako, "Bye."
Tinago na nya yung phone nya, "Kanina ka pa nandyan?" Tanong nya.
Ngumiti ako, "Hindi. Kakababa ko lang." I lied, "Tara na?"
Lumabas na kami ni Suga at ginamit namin yung kotse nya. Pinagbuksan pa nya ako ng pintuan bago sya sumakay.
Ilalagay ko na sana yung seatbelt ko pero sya na yung gumawa non kaya sobrang lapit ng mukha nya sakin, "You look nice." Sabi nya bago sya lumayo.

BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanfictionIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]