CHAPTER 15

1.2K 88 92
                                    

CHAPTER 15

Paggising ko, sobrang sakit agad ng ulo ko. Sobrang rami ata yung nainom ko kagabi. Buti na lang at nandoon si Jin hyung para alalayan ako. Napatingin ako sa space sa kama.

Hindi nga pala ako matandaan ni Suga.

Bago pa bumagsak yung mga luha ko, pumunta na ako sa kusina para uminom ng gamot. Pagbukas ko ng cupboard, nakita ko yung mga pagkain na may pangalan ko. Kinuha ko yon saka tinignan.

Eto nga pala yung ginawa ko nung galit ako sa kanya. Kulang yung pagtitiwala ko sa kanya at pinagdududahan ko rin silang dalawa ni Gabrielle. Lagi akong nagagalit sa kanya kahit alam ko na wala syang kasalanan. Hindi ko sinusunod yung gusto nya na iwasan ko si Seulgi para sa kanya.

Hindi ko alam na hahantong kami sa ganito sa huli. Yung maaalis ako sa alaala nya at ipagtatabuyan nya ako palayo.

Kilala ko si Suga. Ako ang priority nya. Ako yung parating nasusunod kapag tinatanong ako kung ano yung gusto ko. Ako yung nagpapasaya sa kanya. Ako yung nagbibigay ng lakas sa kanya tuwing kinakabahan sya. Ako yung pinakaminahal nya sa lahat.

Pero wala na yon ngayon.

Napatingin ako sa pintuan nung narinig kong nagbukas yon. Nakita ko si Jungkook at Hobi hyung na pumasok.

"Anong ginagawa nyo dito? Maaga pa ah." Sabi ko saka binaba yung tuna na hawak ko.

"Natatakot lang ako na baka saktan mo na naman yung sarili mo." Sabi ni Jungkook saka lumapit sakin, "Alam kong hindi ka okay kaya nandito kami. Susunod na lang daw yung iba mamaya sa ospital."

"Bakit sa ospital?" Tanong ko.

"Hindi mo ba dadalawin yung asawa mo?" Tanong ni Hobi hyung.

"Hindi na nya ako naaalala." Sabi ko, "Kahit kasal kami, alam kong hindi nya ako matatandaan. Para saan pa?"

"Ganun na lang yon?" Tanong ni Jungkook habang binubuksan yung nutella ko, "Porket hindi ka na nya maalala, papabayaan mo na lang sya sa ex nya?"

Kinuha ko yung nutella kay Jungkook saka tinuro yung pangalan ko, "May Jimin na nakalagay. Ibig sabihin, akin to."

"Alam mo, pandak." Napatingin agad ako kay Hobi hyung sa sinabi nya saka sya tinaasan ng middle finger, "Parang yang nutella na yan si Suga. Pagmamay-ari mo sya. Sayo sya eh. Ikaw yung mahal nya. Kaya sana ipagdamot mo rin sya katulad ng nutellang yan."

"Alam mo Hobi hyung, sa ilang taon na nabuhay ka sa mundo, ngayon ko lang na-appreciate yang utak mo. May sense ka rin pala mag-isip minsan." Sabi ni Jungkook habang kumakain ng tinapay.

"Alam nyo, bago nyo pa ubusin yung pagkain namin sa bahay, hintayin nyo na lang ako sa kotse nyo at maliligo lang ako." Sabi ko saka umakyat na para maligo.

Habang nagpapatuyo ako ng buhok, nakita ko yung promise ring na binili ko para sa kanya. Kinuha ko yon saka tinago sa cabinet ko.

"I'll give it to you when the right time comes. But not now." Sabi ko sa sarili ko. Bumaba na ako pero napahinto ako nung may naalala ako.

Dumiretso muna ako sa kusina para maghanda ng sandwich nya. Nilagay ko yon sa isang lunch box at nagsulat ako sa isang sticky note.

'Don't starve yourself. Take care of yourself always and I hope you'll remember me soon. -Jimin'

Dinikit ko na yung sticky note sa lunch box saka nilagay yon sa isang paperbag. Lumabas na ako saka sumakay sa kotse ni Jungkook.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon