CHAPTER 36

1.3K 75 76
                                    

CHAPTER 36

Nakahawan lang ako sa papel na binigay ni Gabrielle. Pinag-iisipan ko kung ano ba yung ginawa ni Seulgi at kailangan pang magtago ni Irene sa malayo para lang sa kaligtasan nya.

"Alam mo, unang kita ko pa lang sa ex mo pakiramdam ko na agad na medyo baliw sya eh." Sabi ni Taehyung saka kumain ng mani. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Ako lang ba talaga yung hindi nakakita kung ano yung sinasabi nila kay Seulgi?

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Hobi hyung. Inabutan ako ni Hobi hyung ng alak kaya uminom agad ako.

Konti na lang talaga papasok na ako sa mental hospital. Ang dami kong iniisip na pwede kong ikabaliw.

"Wala, naramdaman ko lang." Sabi ni Taehyung, "Pero naisip ko rin yung sinabi mo. Baka obsessed sya sayo kaya ka nya nirape."

"Rape ba yung nangyari samin?"

"Oo. Diba nga si Suga yung naiisip mo nung mga oras na yon? Ibig sabihin, hindi mo naman talaga gusto yung nangyari. Isa pa, sya yung nagsimula non kaya kung ako sayo, sasabihin ko na kay Suga yung totoo. Alam kong maiintindihan ka nya."

Napaisip ako sa sinabi nya. Tinignan ko si Hobi hyung na may ginagawa sa cellphone nya kaya siniko ko sya, "Wala ka man lang bang sasabihin?"

"Wala. Naglalaro ako dito putangina ang gulo gulo mo." Sabi ni Hobi hyung sakin saka pinakita yung phone nya, "Nadead tuloy ako putangina mo!"

"Ikaw kaya patayin ko?" Tanong ko. Pumunta ako sa bahay nila para humingi ng tulong sa problema ko tapos maglalaro lang sya sa tabi ko? Itapon ko kaya cellphone neto.

"Pero Jimin, bago mo sabihin yung totoo kay Suga, bakit hindi mo muna alamin yung sikretong sinasabi ni Gabrielle? Puntahan mo si Irene tutal sya naman yung nakakaalam diba? Para kapag kinausap mo si Suga, isang bagsakan na lang." Sabi ni Hobi hyung habang ngumunguya ng mani.

Tinignan ko yung papel. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko na alam kung ano yung dapat kong gawin. Malalaman ko na yung sikreto ni Suga pero natatakot ako.

Lalo na at sinabi sakin ni Gabrielle na ako na yung bahalang magdesisyon kapag nalaman ko na yung sikretong sinasabi nya.

"Gusto mo ba samahan ka namin?" Tanong ni Taehyung kaya umiling ako.

"Wag na. Ako na lang yung pupunta." Sabi ko. Nilagay ko na sa bulsa ko yung papel saka ininom yung natitirang alak sa baso ko. Umalis na ako sa bahay nila Hobi hyung para dumiretso sa resort.

Tahimik lang akong bumabyahe nung biglang nagkaroon ng traffic. Lumabas ako ng kotse para silipin yung nangyayari at nakita kong may aksidenteng naganap.

Lumapit ako para tignan yung nangyayari nung may nakita akong pulis na parang pamilyar sakin. Tinitigan ko syang mabuti at naalala ko na sya yung ex ni Seulgi na nakita namin noon sa coffee shop.

Babalik na sana ako sa kotse ko nung bigla syang lumapit sakin at huminto sa harapan ko, "You're Seulgi's boyfriend, right?"

"Ex-boyfriend." I corrected him.

"Naaalala mo pa ba ako?" Tanong nya pero hindi ako sumagot, "I'm Adrian, Seulgi's ex-boyfriend."

"Ikaw yung lalaking walang manners diba? Pulis ka pala." Sabi ko kaya bigla syang natawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero tawang tawa sya.

"Yes. Pulis ako kahit hindi halata sakin kasi pang-model daw yung itsura ko." Sabi nya kaya napangisi ako. Kung ikukumpara kita sa asawa kong model, wala ka pa sa kuko nya sa paa.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon