CHAPTER 30

1.3K 87 74
                                    

CHAPTER 30

"Wala ka bang bahay?" Tanong ni Jungkook nung nakita nya ako sa tapat ng bahay nila. Ningitian ko lang sya saka pinakita yung dala kong chicken saka beer.

Pumasok na ako sa bahay nila saka dumiretso sa kusina. Nilabas ko na yung chicken saka yung beer at nakita kong pinapanuod lang ako ni Jungkook.

"Ayaw mo ba? Ako na lang kakain." Sabi ko saka kumuha ng chicken.

"May problema ka ba? Nanlilibre ka kapag may problema ka eh." Sabi ni Jungkook saka kinuha yung isang lata ng beer.

Umiling ako, "Hindi naman kita nililibre ngayon. Para sakin lang naman tong chicken kaso nakakaawa ka tignan kaya niyaya na lang kita." Sabi ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Jungkook.

"Tarantado ka." Sabi nya kaya natawa ako. Nagbukas rin ako ng beer saka uminom, "Wala si Arian saka Wonwoo?"

Umiling sya, "Umuwi sila ngayon sa bahay ng mama ni Arian. Pupunta ako doon bukas."

"Pwede bang dito muna ako matulog?"

"Mas malaki bahay mo, doon ka matulog."

"Ayoko. Ako lang mag-isa doon eh." Sabi ko. Sanay naman na akong gumising sa umaga na wala si Suga sa tabi ko pero hindi pa rin ako sanay na ako na lang mag-isa.

"Edi tawagin mo yung kabit mo." Sabi ni Jungkook kaya tinaasan ko sya ng middle finger.

Umakyat kami ni Jungkook sa terrace nila dala yung chicken at beer. Nakatingin lang ako sa langit habang umiinom ng alak.

"Naalala mo ba noon nung bigla na lang naging kami ni Arian?" Tanong sakin ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya.

Tumango ako, "Oo. Pakiramdam ko nga naagawan ako nung mga oras na yon pero hindi ko naman gusto si Arian. Nagulat lang siguro talaga ako na kayo na pala."

Uminom muna si Jungkook saka pinunasan yung labi nya, "Tinanong ko si Arian kung payag ba syang maging kami hindi dahil gustong gusto na sya non kundi para kay Yoongi."

Natahimik ako sa sinabi nya. Alam kong nag-uusap sila ni Yoongi noon pero ngayon pa lang ikukwento ni Jungkook sakin lahat ng alam nya na hindi ko alam.

"Nakita ko si Yoongi nung graduation natin noon. Kinausap ko si Yoongi at doon sya nakiusap sakin na wag sabihin sayo kung saan sya pupunta at kung bakit sya aalis. Nakiusap rin sya na alagaan kita. Nung mga oras na yon, sumuko ako bigla sayo. Ayokong makipagkumpitensya kay Yoongi dahil alam kong lumalaban sya sa sakit nya para sayo."

"Bakit ngayon mo lang sinasabi to?" Sabi ko. Matagal na yung nangyari at tanggap ko nang wala na si Yoongi pero nasasaktan ako sa mga naririnig ko.

"Kung noon ko sinabi sayo to, alam kong hindi mo ko maiintindihan. Galit ka sakin noon kasi hindi ko sinasabi sayo yung totoo pero nakiusap sakin si Yoongi at nangako ako sa kanya kaya kahit magalit ka sakin, wala akong planong sabihin sayo yung totoo."

Napayuko na lang ako habang pinapakinggan yung sinasabi ni Jungkook. Kung buhay ka lang sana Yoongi, alam kong hindi ko mararanasan lahat ng to sayo.

"Sabi ko sa kanya, dapat bumalik sya ng buhay at walang sakit para sayo. Hindi ako nasaktan nung sinabi ko yon kasi mahalaga rin sakin si Yoongi. Sa tingin mo ba, kung buhay si Yoongi, masasaktan ka ng ganito?"

Huminga muna ako ng malalim saka sya tinignan, "Hindi ko alam. Pero tapos na yon, Jungkook. Alam kong masaya na si Yoongi kung nasaan man sya ngayon."

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon