CHAPTER 42
The greatest thing about being a father is the pleasure you're feeling when you hold your child. I've been waiting to see my daughter since the day I knew that I'll be a dad. Kahit na sabihin natin na isang pagkakamali yung nangyari sa amin ni Seulgi noon, hinding hindi magiging isang pagkakamali sa buhay ko yung anak ko.
Mahimbing na natutulog si Seulgi habang hinahaplos ko yung tiyan nya. Kahit anong oras pwede na syang manganak at makikita ko na yung anak ko.
Tinignan ko yung mukha ni Seulgi habang natutulog sya. Sobrang peaceful nya matulog at hindi mo makikita sa mukha nya na baliw pala sya. May mental disorder si Seulgi at kailangan nya ng tulong pero ayaw nyang magpagamot. Sinubukan ko syang pilitin na magpagamot pero ayaw nya talaga.
Inayos ko yung kumot ni Seulgi bago ako tumayo para pumunta sa kwarto ko pero hinawakan ni Seulgi yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "I want to tell you something."
Umupo si Seulgi kaya tumabi ako sa kanya. Hinawakan ni Seulgi yung kamay ko, "Mahal kita, Jimin."
Nakatingin lang ako kay Seulgi dahil sa sinabi nya. Kung mahal nya ako, hindi nya ako ituturing na parang alipin nya.
"Gusto mo bang malaman kung bakit mahal kita?" Tanong ni Seulgi. Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan sya. Yun lang yung kaya kong gawin... yung pakinggan sya.
"Si Suga yung mahal ko noon. Nung nalaman ko na hiwalay na sila ni Gabrielle, sobra akong natuwa. Pero hindi ko inaasahan na maiinlove pala sya sa kapwa nya lalaki kaya natigilan ako. Sinubukan kong wag na syang mahalin pero hindi, mahal ko pa rin sya. Kaya nung nalaman ko na nagtatrabaho sa resort yung asawa nya, kinaibigan kita. Gusto kong masira kayong dalawa. Naisip ko na landiin ka para maghiwalay kayong dalawa pero hindi ko inaasahan na mamahalin pala kita."
Dahil sa kanya nasira kami ni Suga pero sa totoo lang, kahit anong pagsira sa amin ng ibang tao... matatag pa rin kaming dalawa. Marami na kaming pinagdaanan ni Suga pero hindi nya ako iniiwan. Ganun din yung gusto kong gawin para sa kanya... ayoko syang iwan kahit anong mangyari dahil mahal na mahal ko sya.
"Love is not selfish, Seulgi." I said to her. Alam kong mahal nya ako pero hindi dapat sa ganitong paraan nya pinapakita. Kaya kong mahalin si Seulgi kung hindi ko nakilala si Suga. Kaya kong gawin yung gusto nya pero dapat nyang maintindihan na may mahal na akong iba.
Nakatingin lang sakin si Seulgi habang hinihintay akong magsalita. Pagod na akong awayin sya. Pagod na akong ipilit sa kanya na hindi ko sya mahal.
Hinawakan ni Seulgi yung mukha ko at nakita ko yung pagngiti nya, "Babawi ako. I'll do everything to make things right. If that will make you happy... I'll do it."
Inalis ko yung kamay ni Seulgi sa mukha ko, "What if I want you out of my life? What if I don't want to see you again? Will you do it for me?"
Napayuko si Seulgi dahil sa sinabi ko. Umalis na ako sa kwarto nya saka ako pumunta sa kwarto ko na para na ring kulungan.
Nung umaga na, saka lang ako lumabas ng kwarto ko. Dumaan ako sa kwarto ni Seulgi para silipin kung gising na ba sya pero wala akong Seulgi na nakita.
Bumaba ako para tignan kung nasa sala ba si Seulgi pero hindi ko sya makita. Kung saan saan na ako tumingin pero wala sya sa bahay.
Lumabas ako ng bahay at hinintay si Seulgi na bumalik. Nakatayo lang ako doon habang hinihintay syang dumating pero malapit na maggabi, hindi ko pa rin sya nakikita.
Pumasok ako ng bahay at dumiretso sa kwarto ni Seulgi. Hinanap ko sa kwarto nya kung saan nakalagay yung cellphone at wallet ko. Binuksan ko yung cabinet nya at may nakita akong maliit na box. Kinuha ko yon at nakita ko yung mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanfictionIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]