CHAPTER 34

1.2K 83 165
                                    

CHAPTER 34

Hinigpitan ko yung hawak ko sa bag ko. Sana lang at wag kong makasalubong si Seulgi dahil ayoko muna syang makita.

Sabihin na natin na posibleng mabuntis ko sya pero ako ba talaga yung may kasalanan? Lasing ako nung mga oras na yon at si Seulgi yung nagsimula at hindi ako. At isa pa... si Suga yung naiisip ko nung mga oras na yon at hindi si Seulgi.

"Good morning, Sir." Bati ng staffs sakin nung nakasalubong nila ako. Ningitian ko sila at binati ng good morning.

Papasok na ako sa office ko nung nakita ko si Suga. Alam kong nakita nya ako dahil nagkasalubong kami ng tingin pero nilampasan nya ako na parang hindi nya ako kilala.

Huminga ako ng malalim bago buksan yung pintuan ng office ko. Kumuha agad ako ng tubig sa fridge.

Ayokong dumating yung araw na kapag ayos na kami ni Suga at masaya na ulit kami, biglang susulpot si Seulgi dala yung anak ko sa kanya. Kaya habang hindi pa dumarating yung araw na yon, mas mabuti nang wala munang kami ni Suga para hindi sya masaktan.

Habang chinecheck ko yung reservations sa resort, biglang may kumatok sa pintuan ng office ko. Nakita ko si Seulgi na pumasok pero hindi sya lumapit.

"What do you want?" I asked without looking at her.

"Are you mad?" She asked. Sinara ko yung folder na hawak ko saka sya tinignan.

"I'm working. Let's talk later."

"No. Let's talk right now." Sabi ni Seulgi saka lumapit sakin, "Tinawagan mo ko sa phone para sabihin sakin na mahal mo ako tapos biglang mo kong iiwasan dahil may nangyari satin?"

"Shut up!" Sigaw ko kaya biglang nanahimik si Seulgi. Napahawak ako sa buhok ko, ayokong manakit ng babae parang awa mo na Kang Seulgi.

"Gusto mo bang malaman kung bakit kita nilalayuan?" Tanong ko sa kanya dahil kung oo, sasabihin ko sa kanya yung totoong nararamdaman ko.

"Tell me everything."

"Si Suga yung dapat na tatawagan ko pero ikaw yung natawagan ko dahil sa pesteng endearment na yan. Yun ba yung gusto mong marinig? Si Suga yung mahal ko, hindi ikaw Seulgi!" Bigla akong sinampal ni Seulgi kaya napahinto ako sa pagsasalita.

Kahit ilang beses nya akong saktan, wala na akong pakialam dahil mas masakit pa rin na wala na sakin si Suga dahil sa kanya.

"Kasalanan ko ba lahat, Jimin? Ako ba yung may kasalanan?" Sigaw ni Seulgi habang umiiyak. Pinabayaan ko lang syang umiyak.

Wala na akong nararamdaman na kahit na ano. Kahit awa para kay Seulgi wala akong maramdaman.

"Bakit ka pumunta sa Spain? Para landiin ako? Ako naman talaga yung pakay mo doon diba? Tapos nung nakuha mo na yung loob ko at nagustuhan na kita, ikaw na yung nagdedesisyon para sakin. Bakit Seulgi? Asawa ba kita?"

"Nagmahal lang naman ako, Jimin." Sabi ni Seulgi. Para akong nagising sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Naguguluhan na ako...

"Minahal lang naman kita kahit alam kong may asawa ka. Oo sige, nag-take advantage ako lalo na nung nagka-amnesia si Suga pero ginawa ko lang naman lahat ng yon dahil gusto kita." Sabi ni Seulgi sakin.

Bigla akong may naalala kaya napangisi ako sa kanya, "Ako ba talaga yung gusto mo o yung asawa ko? Hindi ba nagustuhan mo rin si Suga nung sila pa ni Gabrielle? Tapos ngayon ako naman yung gusto mo habang may asawa ako? Ganyan ka ba kalandi?"

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon