CHAPTER 28
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pabalik kami sa Seoul. Nakasuot rin ako ng earphones kahit walang tugtog para hindi nila ako istorbohin.
"Do me a favor... don't run away from me."
Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Suga kaya nya sinabi yon. Kung hindi ko sya lalayuan, mas masasaktan lang ako.
"Suga... about your case--" Napahinto si Alys sa sasabihin nya nung nagsalita si Suga.
"I won't file any case against that person, okay? Please, Alys. I know you want some justice for me but I don't want to do it." Narinig kong sabi ni Suga. Napakunot yung noo ko sa pinag-uusapan nila.
May nakaaway ba si Suga habang wala ako? May nangyari bang hindi maganda sa kanya at ganito yung pinag-uusapan nila?
"But Suga--"
"No! Don't talk to me about that topic again. I'm totally fine, so please stop." Sabi ni Suga. Tinignan ko sya at nakita ko syang nakapikit na habang nakasandal sa salamin.
Hindi ko maintindihan yung pinag-uusapan nila.
"You deserve some justice yet you're risking everything to make that person happy." Sabi ni Alys saka nilagyan ng kumot si Suga bago sya nagbasa ng magazine.
Nakarating na kami sa bahay ko kaya bumaba na ako. Tulog pa rin si Suga hanggang ngayon kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Kumaway ako kay Alys bago sila nagdrive paalis.
Sumakay agad ako sa kotse ko papunta sa bahay ni Jungkook. Kukunin ko muna yung phone ko sa kanya bago ko puntahan yung girlfriend ko.
"Kupal!" Sigaw ni Jungkook nung nakita nya akong pumasok sa bahay nila.
"Yung phone ko? Akin na."
"Saan ka galing? Bakit bigla kang nawala tapos ngayon ka lang nagparamdam? Alam mo bang tarantang taranta ako nung nawala ka at hinahanap ka pa sakin ng kabit mo." Sabi ni Jungkook saka sya umupo sa sofa.
"Sasabihin ko sainyo next time. Akin na yung phone ko at pupuntahan ko pa yung girlfriend ko." Sabi ko. Inemphasize ko yung girlfriend para maalala nyang hindi ko kabit si Seulgi.
Kinuha na ni Jungkook yung phone ko. Nakita ko si Wonwoo na naglalaro ng xbox kaya nilapitan ko sya.
"Won--" Tatawagin ko pa lang yung pangalan nya nung bigla syang nagsalita.
"Tito Jimin wag kang maingay, sa sobrang liit ba ng mata mo hindi mo nakitang naglalaro ako?" Sabi ni Wonwoo kaya binatukan ko sya. Lagi na lang akong inaasar ng mga anak ng kaibigan ko, nakakabwisit!
"Gago ka." Sabi ko. Tinignan lang ako ni Wonwoo at naglaro ulit sya sa xbox nya.
"Eto na phone mo kupal." Sabi ni Jungkook saka hinagis yung cellphone ko. Buti na lang nasalo ko dahil kung hindi, ihahagis ko rin sya palabas ng bahay nila.
Pumunta ako sa bahay ni Seulgi. Paglabas ko ng kotse, nakasalubong ko sya. Kakalabas lang nya ng bahay nila at may bitbit syang plastic bag. Kinuha ko yung plastic bag saka tinapon sa basurahan.
"Love!" Sigaw nya saka yumakap sakin. Niyakap ko rin sya ng mahigpit.
"Nag-overnight ka lang kela Jungkook pero bakit miss na miss na kita agad?" Sabi ni Seulgi at halata kong nalulungkot nga talaga sya. Bigla akong na-guilty dahil si Suga yung kasama ko buong magdamag.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanfictionIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]