CHAPTER 43
"Papatayin kita kapag dinala mo kung saan saan yung anak ko." Pagbabanta ko kay Taehyung. Hinihintay ni Taehyung na ibigay ko sa kanya si Yoonji na karga karga ko.
"Hindi ko sya dadalhin kung saan saan." Sabi ni Taehyung. Tinignan ko sya ng masama at nung nasigurado ko na sa sarili ko na hindi magiging ayos lang yung anak ko kay Taehyung, binigay ko na si Yoonji sa kanya.
"Eto yung gatas nya. Tatlong scoop lang dapat yung gatas tapos hindi dapat masyadong mainit yung tubig. Icheck mo rin every hour yung diaper ni Yoonji kung puno na. Favorite na laruan ni Yoonji yung bola kaya kapag umiyak sya, iabot mo lang sa kanya yung bola. Kapag nagkaroon ng emergency, tawagan mo agad ako. Naiintindihan mo ba?" Tuloy tuloy na bilin ko kay Taehyung. Nakatingin lang sakin si Taehyung at hindi ko alam kung nakinig ba sya sa mga bilin ko o wala syang naintindihan kahit isa.
"Naiintindihan ko. Kalma ka lang kasi, parang gago naman to. Babae rin yung anak ko diba. I got this." Sabi ni Taehyung kaya tumango na ako.
Bakit kasi si Taehyung lang yung pwede sa mga kaibigan ko ngayon eh. Isa pa, wala si Erin saka si Jisoo kasi may pinuntahan silang mag-ina. Mas maganda rin sana kung si Arian yung nandito kaso may meeting silang pupuntahan sa school ni Wonwoo.
Hinalikan ko sa noo yung anak ko, "Aalis lang si daddy. Babalik rin ako. Wag kang masyadong iiyak, Min Yoonji ha? I love you." Sabi ko. Nakita kong ngumiti si Yoonji kaya napangiti rin ako.
Umalis na ako ng bahay at dumiretso ako sa airport. Maaga pa naman at siguradong hindi pa sya dumarating kaya okay lang kahit traffic. Kinuha ko yung phone ko saka tinext si Suga na papunta na ako sa airport.
Ayos lang naman kaming dalawa ni Suga. Hindi pa kami nagbabalikan pero nandito kaming dalawa para sa isa't isa. Pakiramdam kasi namin, hindi pa ito yung tamang oras para sa aming dalawa. At isa pa, gusto kong ibigay muna yung buong oras ko kay Yoonji. Gagawin ko lahat para maging isang mabuting ama sa kanya katulad ng gustong mangyari ni Seulgi.
Nakarating na ako sa airport at sakto lang yung pagdating ko dahil ilang minuto lang akong naghintay at nakita ko na syang palabas ng airport kasama yung asawa nya.
Kinawayan ko agad sya saka sya nilapitan, "Welcome back." Sabi ko. Malungkot nya akong ningitian saka tumango.
"Daan muna tayo sa bahay ko para iwan nyo muna yung gamit nyo pagkatapos, diretso na tayo sa ospital." Sabi ko. Tinulungan ko silang ilagay yung gamit nila sa kotse ko. Nagdrive na ako papunta sa bahay ko.
Nakarating na kami sa bahay at kinuha muna nila yung mga gamit nila. Pagpasok ko, nakita ko si Taehyung na natutulog habang nasa crib yung anak ko at naglalaro lang nung bola nya.
"Anak mo?" Tanong ni GD kaya tumango ako. Pinuntahan ko agad si Yoonji saka sya kinarga.
"Hala ang cute." Narinig kong sabi ni Sandara, yung asawa ni GD. Binigay ko kay Sandara si Yoonji at hinayaan ko lang silang maglaro. Tinabi namin ni GD yung luggage nila at inabutan ko muna sya ng tubig.
"Everything's gonna be fine." Sabi ko sa kanya kahit na hindi ako sigurado sa sinabi ko. Malala na kasi talaga yung lagay ni Gabrielle lalo na at hindi na sya kumakain o kaya umiinom ng tubig dahil sa sakit nya.
Nakatingin lang si GD sa baso nya, "Ang tagal kong naghintay na bumalik yung kapatid ko. Huling pagkikita naming dalawa, nasabihan ko sya ng kung ano ano na hindi ko naman talaga gustong sabihin. Tapos ngayon na magkikita kami, malalaman ko na naghihingalo na sya? Ang sakit kasi."
Nakatingin lang ako kay GD habang umiiyak sya sa harapan ko. Naiintindihan ko kung ano yung nararamdaman nya dahil katulad ng sitwasyon nila, yung sitwasyon namin noon ni Yoongi.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanfictionIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]