CHAPTER 29

1.2K 96 105
                                    

CHAPTER 29

Nakatingin lang ako sa kawalan. Hindi maalis sa isip ko yung tanong sakin ni Suga. Kung totoo man na naaalala na nya yung lahat, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko.

Hindi ko kayang basta basta na lang iwan si Seulgi. Tuwing nasasaktan ako sa mga ginagawa sakin ni Suga noon, si Seulgi yung nandyan sa tabi ko para icomfort ako. Sya yung laging nasa tabi ko tuwing kailangan ko ng kausap. Kaya hindi ko magagawang iwan na lang biglaan si Seulgi dahil naaalala na ako ni Suga.

Umupo ako sa kama saka ginulo yung buhok ko. Gusto kong malaman kung totoong naaalala na nga ni Suga yung lahat. Bigla akong nakaisip ng plano para malaman ko kung totoo lahat ng sinabi nya.

Kinuha ko yung phone ko para sana itext si Alys kaso napahinto ako. Seryoso ba talaga ako? Gagawin ko ba talaga yon?

"Ah bahala na nga." Sabi ko saka tinawagan si Alys. Sumagot din naman agad si Alys pero hindi ko matanong yung dapat kong itatanong.

"Jimin? Why did you call? May kailangan ka ba?" She asked. Napakagat ako sa labi ko saka pinakalma yung sarili ko.

"Good morning, Alys. Hihingin ko lang sana yung schedule ni Suga ngayong araw. Hindi mo ba pwedeng ibigay sakin yon?" I asked. Siguro naman kapag sinundan ko si Suga, malalaman ko kung totoo yung sinasabi nya o hindi.

"Oh. Wait check ko lang." Sabi ni Alys kaya nakahinga ako ng maluwag. Wala na siguro ako sa katinuan dahil sa mga pinaggagawa ko.

"Mamayang 9 am may appointment sya sa agency. Hindi ko na alam kung saan sya pupunta after that since wala na syang schedule. Bakit mo kailangan yung schedule nya?"

"Wala naman. Sige, salamat Alys!" Sabi ko saka pinatay yung tawag. Tinignan ko yung orasan at 7:30 na. Naligo na agad ako saka nag-ayos.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin at ginagawa ko to. Salungat lahat ng gusto kong gawin sa ginagawa ko. Gusto ko na lang maging mabait na boyfriend kay Seulgi pero hindi ko nagagawa yon dahil kay Suga.

Sinuot ko yung cap ko saka nag-mask rin ako para hindi ako makilala ni Suga. Pumunta na ako sa kotse ko saka nagdrive papunta sa agency ni Suga. Nag-park lang ako sa labas ng agency nya habang hinihintay syang dumating.

Biglang tumawag si Seulgi kaya sinagot ko agad yon, "Good morning." I said. Tatawagin ko sana syang love pero hindi ko masabi.

"Good morning, love. Where are you?" Seulgi asked.

Eto na naman tayo, Jimin. Magsisinungaling ka na naman.

"Nasa bahay lang. Bakit mo natanong?" I lied. Habang tumatagal, pagaling ka ng pagaling sa pagsisinungaling Jimin.

"Gusto ko sana maglunch mamaya kasama ka."

"Uhm- magkikita kami ng kaibigan ko mamaya. I can't have lunch with you. Let's just see each other tonight, okay?" I said. Babawi talaga ako sayo mamayang gabi, Seulgi. Hayaan mo lang muna akong malaman kung totoong naaalala na ni Suga lahat.

"Oh. Sayang naman. Alright, see you tonight. I love you." She said.

"Okay, bye."

Napahawak na lang ako sa ulo ko nung pinatay ko yung tawag. Alam kong kasal pa rin ako kay Suga pero anong magagawa ko? Napagod na akong mahalin sya. Napagod na ako sa panloloko nya sakin. Kahit anong gusto kong intindihin sya... hindi ko magawa dahil nasasaktan lang ako.

Pero gusto kong malaman kung naaalala na nya ako. Para makagawa na ako ng desisyon... yung tamang desisyon para samin.

Nakita ko si Suga na pumasok sa agency nya. Lumabas muna ako sa kotse ko para bumili sa convenience store ng pagkain na katapat lang ng agency nya. Sumandal muna ako sa kotse ko habang tahimik na kumakain ng tinapay at nagmamasid.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon