CHAPTER 3

1.6K 83 12
                                    

CHAPTER 3

Nakaupo lang ako sa task chair ko habang iniikot yung upuan. Gusto ko munang pumikit kahit sandali at wag isipin yung trabaho kong nakatambak.

Dahil malapit na yung summer, maraming reservations sa resort. Marami rin kasing gustong magreserve lalo na at may promo yung resort namin.

"Jimin?" Napadilat ako nung may kumatok sa pintuan. Nakita ko si Seulgi na pumasok at may dala syang kape. Nilapag nya yun sa table ko bago sya umupo sa harapan ko.

"What brings you here?"

"Si Mr. Kim nasa pool area. Gusto ka nyang makita." Sabi ni Seulgi. Nandito si Namjoon? Nakauwi na pala sila galing London. Nagbakasyon kasi sila ng pamilya nya.

"Hindi ba sya marunong maglakad papunta dito sa office ko?" Sabi ko habang nakahawak sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko kaya kailangan ko ng tulog dahil tinapos ko pa yung mga dapat asikasuhin sa resort kagabi pero may aayusin pa ako kaya sumakit lalo.

Tumayo si Seulgi saka lumapit sakin, "Should I give you a massage?"

Hindi na ako nakatanggi nung pumunta na sya sa likuran ko at sinimulan yung pagmamasahe sa ulo ko.

"Sabi ng lola ko, magaling daw ako magmasahe kasi nagmana ako sa kanya. Tuwing masakit kasi yung ulo nya, ako yung nagmamasahe." Sabi ni Seulgi. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Wala akong lakas ngayon na magsalita o kaya gumalaw.

"Nababawasan ba yung sakit?" Tanong nya.

Tumango ako, "Yeah. Thanks, Seulgi."

Narinig ko yung pagbukas ng pintuan at napatingin kami pareho ni Seulgi, "Hindi ko alam na mahilig ka na pala sa babae ngayon, Jimin." Narinig kong sabi ni Jin hyung kaya napakunot yung noo ko.

"Gago." Sabi ko.

"Love, she's Kang Seulgi. She's the assistant manager of Jimin. Don't worry, wala naman sigurong malisya yan." Sabi ni Namjoon hyung kay Jin hyung na nakataas pa rin yung kilay sakin.

"Seulgi, thank you. Leave us for a second. I'll call you later." Sabi ko saka ningitian si Seulgi bago sya umalis.

Umupo sa harapan ko si Jin hyung at Namjoon hyung. Nagfist bump muna kaming tatlo, "How's the resort? Maayos ba?"

"It's good but the schedule for summer is packed. Marami tayong trabahong gagawin so you should be here." Sabi ko. Tumayo ako saka pumunta sa fridge. Pinalagyan ko ng fridge yung office ko para naman may paglalagyan ako ng mga inumin ko.

Kumuha ako ng tatlong Budweiser sa fridge saka binigay kay Jin hyung saka Namjoon hyung yung beer nila. Binuksan ko agad yon saka tuloy-tuloy na lumagok.

"Bumalik na si Suga diba? Nasan sya?" Tanong ni Namjoon hyung.

"Interview."

"Si Mingyu? Nasan yung pamangkin ko?" Tanong ko. Silang tatlo kasi yung umalis tapos nagbakasyon. Biglaan nga silang umalis tapos hindi man lang sila nag-ayang pumunta sa London.

"Nasa pool." Sabi ni Jin hyung. Malapit na mag-8 years old si Mingyu at habang lumalaki sya, pagwapo sya ng pagwapo. Nagmana sakin yung batang yon.

"Sabihin mo pumunta sakin minsan, gusto syang makita ng tito Suga nya." Sabi ko. Masyado kaming busy ni Suga kaya hindi pa kami makapag-ampon kahit malapit na yung 5th anniversary namin.

"Okay." Sabi ni Jin hyung. Bigla nya akong pinalo sa ulo gamit yung envelope na nasa gilid kaya napahawak ako sa ulo ko.

"Para saan yon?!"

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon