CHAPTER 8
"Avoid getting close to her." Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa utak ko yung sinabi ni Suga sakin.
Bakit sakin nya sinasabi yung mga bagay na yon?
Bakit sya pa yung may gana na pagsalitaan ako na parang ako yung may kasalanan?
Out of nowhere bigla syang magpapakita sakin at pagsasabihan ako na parang wala syang kasalanan sakin.
Nagulo ko na lang bigla yung buhok ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko masabi kay Suga kung ano yung problema ko.
Napatingin ako sa pintuan nung may kumatok, "Come in."
Pumasok si Jin hyung at may dala syang mga papel para sakin. Marami na naman akong aasikasuhin.
"Ayusin mo na lang daw yan sabi ni Namjoon. May party na gagawin next month, kailangan na nating magcontact ng mga designer na pwedeng mag-ayos ng resort."
Nakatitig lang ako sa kawalan habang pinapakinggan sya. Parang wala ako sa sarili nung tumayo ako at dumiretso sa fridge, "I'll do it later. Masakit lang yung ulo ko, I need some rest."
"Hindi pa rin ba kayo okay?" Tanong ni Jin hyung.
Umiling ako, "I don't want to talk about it. Next time na lang."
Uminom ako ng tubig saka umupo ulit sa upuan ko. Pumikit muna ako saglit para pakalmahin yung sarili at utak ko.
"Don't be a coward and tell him what you feel. If he truly loves you, he will never lie to you." Sabi ni Jin hyung bago sya lumabas ng office ko.
Napadilat ako saka ko kinuha yung libro sa gilid ko at binato yon.
"Aray!" Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Seulgi na nakahawak sa tuhod nya.
"Bakit ka ba namamato ng libro?" Tanong nya saka kinuha yung libro ko na nasa sahig. Lumapit sya sakin saka nilapag yung libro sa table ko.
"Sorry."
Umupo sya sa harapan ko at nilapag yung paper bag na dala nya, "What's that?"
Nilabas nya yon at nakita ko yung isang libro. Kinuha ko yon at tinignan yung title at bigla akong may naalala.
"Favorite book ko yung Demian. I just feel like I want to give it to you." Sabi ni Seulgi.
Eto yung librong binabasa ni Suga dati noong hindi nya ako pinapansin. Lagi nya tong binabasa dati tuwing walang klase.
"Hindi mo ba gusto?" Tanong ni Seulgi kaya napatingin ako sa kanya.
"I like it." Sabi ko saka tinabi yung libro, "We will have another party to manage. I want you to find designers as soon as possible."
"Workaholic." Bulong ni Seulgi pero narinig ko naman.
Napangiti ako, "I only do my job and besides, next month na to. We need to act now."
"Nagbibiro lang naman ako." Sabi ni Seulgi na para bang natatawa sya sakin, "How about we call Diane Sy to design the party again?"
"No. The customers didn't like her designs. Find another designer." Sabi ko kay Seulgi.
Tumango naman sya at bigla syang nag-salute sakin, "Yes boss!"
"Loko." Bulong ko habang nakatitig kay Seulgi na palabas na ng office ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/100332469-288-k25666.jpg)
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanfictionIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]