(8) The Clans

442 19 11
                                    

Holly's POV

Matapos ipakilala sakin ni Prince Calum yung tatlo bilang mga kaibigan niya, niyaya na akong umuwi nila Doctor Hugh. Pagdating ko sa kwarto ko sa clinic ay agad akong nahiga. Hay, napagod ako ah! Ang dami kong nalaman sa araw na 'to.

Kinabukasan, naabutan ko sa kitchen si Doctor Hugh at Jessica.
"Magandang umaga sa inyo." bati ko bago naupo. Binati din naman nila ako pabalik at hinainan na ako ni Jessica ng food kaya nagpasalamat ako.

Nang malapit na akong matapos kumain, may mga tanong na nag pop-up sa utak ko. And since Doctor Hugh is here, siya na lang ang tatanungin ko.
"Doctor Hugh, pwede ba ako magtanong?"

Nagpunas muna siya ng bibig bago sumagot.
"Yes you may." ang tipid talaga nito magsalita. Parang ang reserved nya.

"Ah, okay lang ba talaga na nandito ako? I mean, hindi nyo ako ka ano ano, and yet nandito ako nakikitulog at nakikikain."

"Don't mind it. Ibinilin ka ni Calum sa akin, kaya do as you please. You can stay all you want, hangga't wala pang desisyon ang Hari. And I'm sure, magbabago ang desisyon nila once nasabi na ni Calum ang totoo sa kanila."

"So hindi nila alam na si Calum ang nagdala sakin dito?" tinakpan ko ang bibig ko dahil sa pagtawag ko ng name basis lang sa Prinsipe.  Doctor Hugh produce a thin smile before answering.

"Yes, apparently, kami pa lang apat ang nakakaalam ng tungkol sa'yo, lima kapag kasama si Jessica ." I nodded as a response.

"Bakit hindi nyo ako kilala nung dinala ako dito ni Irvin?"

"We do know you base sa kwento ni Calum, not your name and your face. Calum is a mysterious man, so we don't know what's going inside his head. Saka lang namin nalaman na ikaw yung binabantayan niya when I went to the Palace."

Napatango na lang ulit ako.
"Pwede ulit magtanong?" tumango lang din siya kaya nagpatuloy ako.

"Pwede ko bang malaman kung ano ano yung mga clan nyo dito? Nakaka curious kasi, since sinabi mong Ranger si Irvin, at Healer ka." napatawa naman ng mahina si Jessica. Nandyan pala siya sa gilid ko, nakalimutan ko na kasi eh.

"Okay. Simulan natin sa clan ng mga Healer, which includes me. I am the soon to be head of the Healer clan. From the word itself, we are the ones who have the gift to Heal. We have three different levels, ang level 1 ay ang mga neophytes, they can heal theirselves within a short span of time, and pag limit na ng ability nila, their skin color will change to blue, and para makabalik sa normal, kailangan nilang magpahinga ng isa o dalawang araw. The level 2 are the ones who can heal theirselves and other, pero may limit pa din, mas matagal nga lang kaysa sa level 1, at pag naabot na nila ang limit, magiging blue din ang kanilang kulay. While the level 3 are the healers ay may mas mataas na kakayahan para gamutin ang mga malalang sugat at sakit ng katawan, and they can make medicines out of their ability, be it capsule, tablet, food or in liquid form." Shocks! Ang dami kong nalalaman sa kanya. At in fairness kay Doctor Hugh, medyo madaldal na siya.

"Nice, ang cool naman pala ng ability nyo! Teka, anong level mo na? Kung soon head ka, sure ako na you're a level 3 healer!" excited na sagot ko. Ngumiti lang siya at hindi nag response. So smiles means yes, for me.

"Tell me about the other clan!" sabi ko ulit sa kanya. Magsasalita na sana si Doctor Hugh kaso may umepal.

"Siguro ako na magkukwento ng tungkol sa clan namin, Holly." and yeah, si Grant yung epal.

"Okay Grant, the spotlight is yours now." sabi ko sabay bow kunwari. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Alam mo na naman na ako ang susunod na chancellor ng warrior clan, tama?" I nodded.
"Ang Warrior naman ay may dalawang klase. The guardian warrior and the field warrior." eh? May dalawa palang klase ng Warrior. Nice!

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon