Holly's POV
Napalunok ako ng matindi dahil sa kahihiyan. Shocks, baka ikulong nila ako! Sumigaw ba naman ako at in-interrupt ko pa yung pagsasalita ng Hari. Dooms day na ba?
"Anong 'ikaw' ang isinigaw mo, binibini?" hindi lang pala mukha ang dyosa sa reyna, pati boses nya. Ang lambing!
Lumunok muna ako ng ilang beses bago umiling at yumuko.
May narinig akong tumawa, at kung hindi ako nagkakamali, yung anak nilang lalaki yun.
At yung prinsipe na yun ay yung lalaking nanlait sakin dun sa falls!Sinamaan ko siya ng tingin pero para lang mapayuko ulit ng maalala ko kung nasaan ako. Aish, Holly! Hindi mo pa sila lubusang kilala, kaya wag kang padalos dalos. Baka imbis na tulungan ka nila, ikulong ka pa nila.
"Magandang araw din, binibini. Ako si Haring Calix, ito naman si Reyna Cara. Ito ang aking mga anak na sina Prinsipe Calum at Prinsesa Canary. Kami ang mga namumuno sa kaharian ng Eden. Nalaman ko mula kay Hugh ang naging sitwasyon mo. Maaari bang marinig ang bersyon ng kwento mo? Simula sa kung paano ka napunta dito." intimidating ang dating ng Hari, pero siguro dahil sa Hari siya kaya kailangan ganun siya.
"Err. Sige po. A-ah. Galing ako sa mortal world. Bago ako mapunta dito, naghihintay ako sa waiting shed para sa driver namin, kakalabas ko lang kasi galing school. Kaso hindi nya daw ako masusundo kasi malakas ang ulan tapos may nagbanggan pa dun sa may dadaanan niya kaya traffic. Kaya sabi ko, mag cocommute na lang ako. Nung medyo tumigil na yung ulan, may humintong taxi sa harap ko kay sumakay agad ako. Sinabi ko naman kung saan ako pupunta, tapos hawak ko yung cellphone ko para itext yung driver namin na nakasakay na ako ng taxi, kaso ayaw magsend kasi walang signal. Tapos nagulat na lang ako pag tingin ko sa labas eh iba na yung dinadaanan naming lugar. N-natakot na ako nun kaya umiyak na ako at sumisigaw na palabasin na ako ng taxi. Kaso naka lock yung pinto. Nung dumating kami sa medyo madilim na abandonadong lugar yata, k-kinaladkad niya ako palabas. Tapos bigla syang lumapit sakin. Kaka atras ko, di ko namalayan na may balon pala sa likod ko kaya naglaglag ako. Pag gising ko, nandun na ako sa clinic ni Doctor Hugh." mahabang salaysay ko.
Sandaling tumahimik ang paligid bago ako may narinig na nagtanong.
"Ano yung selpown? Tsaka taksi?" si Prinsesa Canary pala yung nagtanong. Bakit ang gaganda ng boses nila?"Ah, yung cellphone ay ginagamit namin for communication. Yung taxi naman, parang karwahe nyo dito. Means of transportation." tumango tango naman sila sa paliwanag ko. Wala yata nun dito, ano?
"Sa ngayon, pag uusapan pa ulit namin ang mga sinabi mo. Pero binibini, sa unang tanong mo sa akin, hindi ko alam paano ka makakabalik sa pinanggalingan mo." nanlumo naman ako sa narinig ko.
Ano, forever na ba ako dito? Mabubuhay ba ako dito? Paano? Eh lahat sila may kapangyarihan, may pamilya. Ako, wala.Lumapit sakin si Grant at tinapik ako sa likod. Ngumiti lang ako ng very light, nalulungkot pa din kasi ako eh.
"Ngunit h'wag kang mag alala, tutulungan ka namin, ganoon din ng mga kasama mo ngayon habang nandito ka sa Eden." ngumiti naman ako sa hari at napuno ng pag-asa.
"Tara na sa Dining Room." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ng Reyna. Unang tumayo si Prinsesa Canary tapos sumunod yung Prinsipe, at huli yung hari at reyna. Hindi ko na nakita saan sila dumaan dahil hinatak na ako ni Grant patalikod.
Ano ba? Ang papel ba ni Grant sa buhay ko ay ang hatakin ako lagi?
"Uuwi na ba tayo sa clinic?" tanong ko ng naglalakad na kami sa isang mahabang hallway."Hindi pa, binibini. Sasaluhan natin sa pagkain ang hari at reyna."
"Eh? Pwede pala yung ganun?" nagtataka kong tanong.
"Oo naman, Holly. Mababait ang Hari at Reyna, 'no." sabat ni Grant.
Okay. Sabi nyo eh. Pero kung ganun man, nakakatuwa namang malaman na hindi matapobre ang mga namamahala dito. Sa mundo kasi ng mga tao, pag mayaman ka, mapagmataas ka na. 'Di ko naman nilalahat, kami kasi may kaya din naman pero di naman ako mayabang. Yung step mother ko at mga anak niya lang.
Si Daddy kaya, kamusta na? Sana okay lang siya. Nag aalala kaya siya sakin?Napatili ako ng nauntog ako sa pader. 'Yan Holly, katangahan pa more. Hinimas himas ko yung noo ko at sinamaan ng tingin ang mga nagtatawanan. Pati si Prinsesa Canary at yung Prinsipe tumatawa. Yung Reyna at Hari nakangiti lang. At yung tatlo? Ayun, tawa ng tawa. Wow naman. First time ko nga nakitang tumawa si Doctor Hugh, dahil pa sa katangahan ko.
"Kung ano ano kasi iniisip, Holly. Tsk tsk." nang aasar pa na sabi ni Grant.
"Kainis ka!" hinampas ko siya sa braso.
"Maupo na kayo, mga hijo at hija." sabi ng Reyna kaya nagmadali kaming umupo.
Nakahain sa harap namin ang mga masasarap na pagkain. Yum yum!
**************
Matapos naming kumain, nag kwentuhan pa saglit ang hari at si Doctor Hugh.
Kami ni Grant ay nag aasaran lang, pero medyo mahina.
Napatingin ako sa Prinsipe, ganun pa din siya makatingin gaya ng pagkakatingin niya sakin nun sa falls. Pero mas nakikita ko na ngayon ang mga mata niya. Kulay gray ang mga mata niya! Nagagandahan ako pero hindi ko pinapahalata. Tss. 'Di ko pa din makalimutan yung panlalait niya sakin."Ay ano ba!" napatakip agad ako ng bibig pagkatapos ko sumigaw. Kokota na ako ah! Nag bow ako at nag sorry.
Sinamaan ko ng tingin si Grant dahil sa pag sundot niya sa gilid ko. Nagulat ako eh!"Wag mo akong samaan ng tingin. Kanina ka pa kase tinatawag ng mahal na Hari pero busy kang makipag eye to eye kay Calum."
"Anong eye to eye? Hindi ah!" epal 'tong Grant na 'to, nakakahiya! Nakatingin pa din sila saking lahat kaya mas nakakahiya. Ano ka ba naman Holly. Ang dami mo na agad problema ilang araw ka pa lang dito.
"Hindi daw? Eh bakit ka nakatingin kay Calum?" at tuloy pa din siya sa pang aasar.
"Hindi nga sabi! E-este, hindi nga sabi ako nakatingin. Napatingin lang ako sa kanya kasi may naalala ako."
"Anong naalala mo, hija?" shems tinatanong ako ng Reyna.
"Ah, hehe." wala sana akong balak sagutin yung tanong pero Reyna 'to! Takot ko lang maparusahan!
Nung napatingin ako kay Prinsesa Canary ay nakangiti siya sakin. Hay, bahala na nga."Kagabi po kasi habang naliligo ako dun sa falls, nandun din siya." halata sa mukha nila na nagulat sila. Pero OA yung reaction ni Grant kase nakatakip pa ang dalawang kamay niya sa bibig nya tapos nanlalaki ang mga mata. Gusto ko sanang tumawa kaso mukha naman akong tanga nun.
"What? So kaya ka namin hindi makita kagabi kahit nandun ka naman talaga ay dahil kay Calum?" kanina ko pa napapansin. Bakit Calum lang tawag nila sa Prinsipe? Kahit naiinis ako sa kanya, kailangan ko pa din gumalang ah.
"Ah, oo? Tsaka paanong hindi niyo ba kami nakita, eh siya nga nandun sa may malapit sa pampang, nakatingin lang siya sakin habang lumalangoy ako? Tsaka, nilait niya yung dibdib ko!" oops, wrong move ulit. Isa na lang, uuntog ko na ulo ko sa pader.
"Tss. Ang ingay mo. Tara nga dito." nagulat ako na nasa tabi ko na yung prinsipe tapos hinatak ako palabas ng dining room.
Ano ba, puro hatak na lang ba mangyayari sakin dito?
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasyFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)