(16) The Race

275 15 4
                                    

Holly's POV

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na yugyog sakin ng 'di ko kilala kung sino dahil nasa dreamland pa ang diwa ko.

"Holly gising na nasa baba ang prinsipe!" Nagmulat ako ng isang mata at si ate Hara pala yung gumigising sakin.

"Bakit daw?" Tanong ko habang papikit pikit pa. Antok na antok pa ako.

"Hindi ko na tinanong, basta tumayo ka na dyan at babain mo na siya. Masama pinaghihintay ang prinsipe, Holly."

"Oo na sige na, maliligo lang ako." Pagsukong sabi ko at saka mabilis na tumayo at pumunta sa banyo. Nananakit pa din yung katawan ko. Halos gabi na din ng ihatid ako nila Grant dito sa bahay. Sobrang sakit ng katawan ko, nagpapagamot nga ako kay Doctor Hugh kaso epal 'tong si Irvin, kailangan ko daw masanay. Hay! Tatlong araw na simula nung pinapagawa nila sakin araw araw yung stamina building, at medyo nasasanay na naman ako. Kaso pagkatapos ng training, sumasakit katawan ko ng matindi.

Matapos mag ayos, agad akong bumaba at naabutan ko na nasa kusina silang lahat kasama si Prinsipe Calum kaya yumuko ako at bumati.

"Bakit ka nandito?" Bungad na tanong ko matapos naming kumain. Hindi ko siya inimik buong almusal kaya nung lumabas kami ng bahay ay saka ko lang siya kinausap.

"Galit ka ba?" Tanong niya.

"Hindi naman."

"Hindi mo kasi ako pinapansin." Lumingon ako sa kanya.

"Tara dun sa garden. May mga puno dun." tumango siya at nung nasa lilim na kami ay sabay kaming naupo sa damuhan.

"Sa tanong mo kanina, alam kong nakikiramdam sila sa sasabihin ko sayo kaya mas gusto ko sana tayong dalawa lang magkausap." Tumingin ako sa langit.

"About what happened back on my birthday, pwede bang magtanong?"

I nod my head and look at him.
"Nagalit ka ba sa in-announce ni ama?"

Nangapa pa ako ng sasabihin bago sumagot.
"Honestly, nagulat ako. Baguhan lang ako sa mundong ito, and then, the King chose me to be the next queen. Syempre, nakakabigla. To think na-" napahinto ako at yumuko.

"To think na wala kang gusto sakin?" Na awkward tuloy ako kaya lumihis ako ng tingin.
"It's alright. Pwede mo pa namang pag isipan. Matagal pa naman bago maipasa ang trono."

"A-ahm. Sure ka na ba sakin? Okay lang sayo kahit a-ako yung maging reyna mo?"

He show me his loopside smile. "Pumapayag ka na ba?"

"Tinatanong ko lang." Napaiwas ulit ako ng tingin. Gwapo si Prinsipe Calum, walang duda doon. Ang kaso, hindi pa siguro ako handa sa mga love na yan. At saka, bata pa naman ako. Iba yung responsibility bilang susunod na Reyna, at sa tingin ko hindi ko pa kaya.

"Sabi ko sayo pag isipan mo muna. Sa totoo lang, hindi naman mahalaga kung sino ang magiging reyna ko. The only thing I want my queen to have is the power to help me rule the kingdom of Eden in the best way that we can. Bonus na lang siguro kung gusto namin ang isa't isa." parang may humaplos sa puso ko. I can see that he will be a great King someday. I just don't know if I'm the right queen for his goal.

"Yun lang ba itatanong mo?" Pag iiba ko ng usapan. Ayoko munang pagusapan yung mga ganung bagay. Sabi nga nya, matagal pa naman. Kakausapin ko na lang ulit si Lolo. At saka, marami pa akong tanong. Marami pa ako gustong malaman, gustong matututunan, at nagsisimula pa lang ako.

"Gusto mong mamasyal?" Tumayo siya at nilahad ang kamay niya sa akin at nakangiti ko 'yong tinanggap.

"Sure. Saan?"

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon