Holly's POV
Nakasimangot na tiningnan ko si Ate Erah at Ate Hara na nasa harap ko. Sabay pa silang bumunghalit ng tawa ng makita ang mukha ko. Ah ah! Napipikon na ako sa kanila ah!
"Tumigil nga kayo kakatawa!" Sigaw ko sa kanila at lumingon sa salamin na nasa gilid ko saka pinasadahan ng tingin ang suot ko. Ngayong araw daw ay isene-celebrate ang birthday ni dating haring Octover, at ginawa na din daw nilang Festival ang araw na 'to. At ang isa sa nakagawian ng festival ay ang pag susuot ng costume na trip namin. Pwedeng prinsesa, kawal, hayop, pulubi, o multo, tulad ng suot ko ngayon. Nakalugay ang tuwid na buhok ko, at ang mukha ko ay puting puti dahil tadtad ng pulbo. Nilagyan din nila ng lipstick na pampaputla yung labi ko, kaya ang pale pale ng mukha ko. Tapos nakausot ako ng puting mahabang dress, umaabot yun hanggang sa lapag.
Inirapan ko ulit yung dalawa ng makita ko sa salamin na 'di na sila makahinga kakatawa. Si ate Hara ang may pakana nito. Para daw maiba, multo daw gawin ko. Siya din daw ganun gagawin, kaya pumayag ako. Nung bumalik siya sakin, naka red na fitted dress, naka boots na may mataas na takong tapos makapal ang make up, saka may suot din siya na headband na pa sungay. Parang siya yung si Daredevil. Habang si ate Erah naman ay naka long gown na black, light make up at may maliit na pakpak sa likod na parang sa paniki. Pero kahit na ganun ang suot nila, lutang ang kagandahan nila. At ako? Ako?! Mukha akong basahan!!!!
"Nakakainis naman kayo eh!" Gusto ko sanang umiyak at mag pa-awa kaso nakakahiya naman. Sobrang kaartehan na yun.
Halos dalawang linggo na ang nakalipas mula ng masugatan ako sa likod. Pinag pahinga ako nila Lolo ng tatlong araw, at nung okay na ako ay bumalik ako sa pagsasanay kay Tita Haley. Medyo mahirap na yung tinuturo niya, pero kaya ko pa naman. Tsaka na inspire ako sa kwento niya na si Mommy ang isa sa pinakamagaling sa combat skills, kaya sinabi ko sa sarili ko na gagalingan ko. I want to be like my Mom.
"Sige na nga, Hara, punasan mo na ang mukha ni Holly bago pa siya maiyak."
Gustuhin ko mang saktan si ate Erah, as if naman kaya ko, eh nagpigil na lang ako at sumunod kay ate Hara nung tinawag niya ako sa banyo. Naghilamos ako at nag ayos ng mukha, at after ng ilang minuto ay naayusan niya na ulit ako. Light make up lang din yun, tapos pinasuot niya sa akin yung isang dress na below the knee. Para siyang see through style, pero may net naman na nakaharang dun sa damit kaya wala ding makikita sa katawan ko."Ayan, at for the finale. Ting ting!" Inabot sakin ni ate Hara ang isang headband na pa halo style. Yung bilog sa ulo ng mga anghel? And feeling ko isa nga akong angel.
"Tara na, naghihintay na sa baba sila Reggie. Ililibot ka namin sa buong Eden." Sabay sabay kaming bumaba sa sala at nandun sila kuya Reggie at dalawa pa niyang kasama na sina Patrick at Aki. Mga Black knights din sila, pero 'di namin kamag anak. Ang mga bahay nila ay nasa likod nitong bahay namin. Nalaman ko din na kami, I mean ang pamilya namin, ay ang pinaka mataas sa mga Black knights kaya malaki ang bahay namin, at saka madami din kasi kami sa bahay. Si Tita Haley at ang asawa niyang si Tito Lancer, yung mga anak nila na si ate Hara, Kuya Hall at Harold. Si Tito Hale at si Tita Erza na asawa niya tapos sila ate Erah, ate Elle, ate Ella at kuya Eriolle. Tapos ako, si Lolo at yung ibang taga silbi. Kaya malawak ang bahay namin dahil medyo madami kami. Nalungkot pa nga ako nun kasi buti pa sila Tito Hale, kumpleto ang pamilya, samantalang ako, wala ng nanay tapos si Daddy hindi naman alam ang existence ng Eden.
"O, sino ba 'tong anghel na bumaba mula sa hagdan?" Nginitian ko ng matamis si Lolo saka yumakap sa kanya. Sa halos tatlong buwan ko na dito sa Eden, napamahal na silang lahat sakin, lalo na si Lolo. Parang naging second father ko siya dahil wala akong tatay dito.
"Lolo naman eh. Talaga po ba, mukha akong anghel?" Tanong ko sa kanya ng humarap ako sa kanya.
"Mukha kang anghel na hinulog sa lupa una mukha. Diba guys?" Tinakbo ko ang kinatatayuan ni Harold at hinampas hampas ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/104751613-288-k341730.jpg)
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasíaFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)