(12) Party

321 16 10
                                    

Holly's POV

Matapos mag sorry ni Irvin, bigla siyang tumayo at umalis. Anong drama non? Ang arte nya ha! Parang labas sa ilong yung pagso-sorry. Psh!

Nag-stay pa ako ng ilang minuto na nakahiga sa damuhan bago ako tumayo at nagpasyang umuwi. Babalikan ko nga yung lugar na yun, ang sarap mag stay eh!

Nung pabalik na ako sa bahay ng mga Black Knights, nakasalubong ko si Grant.
"Holly!" Sobrang saya naman nito.

"Hi Grant." huminto ako sa tapat niya. 

"Uy Holly, nalaman ko yung nangyari kanina. Ayos ka lang ba? Gusto mo bang suntukin ko si Irvin para sayo?" umasta pa siyang nagtaas ng manggas tsaka pumorma na parang makikipag suntukan. Natawa tuloy ako.

"Sira! 'Di na kailangan. Nag sorry na siya kanina, and I guess, sapat na yun para hindi na ako mainis sa kanya."

"Buti naman. Pero in fairness, marunong ng mag sorry si Irvin ha. Sabagay, lagot siya kay Calum pag nalaman 'to."

"Ha? Bakit naman lagot?" napakunot noo naman ako.

"Magagalit samin si Calum pag nalaman na nasaktan ka. Lalo na pag umiyak ka, tapos isa pa sa amin ang dahilan."

"Ang OA naman!" napasimangot ako. Dahil lang sa akin magagalit si Prince Calum sa kanila?

"Alam kasi namin na mahalaga ka kay Calum. At mahalaga ka na din sa'min, kahit na ba saglit pa lang tayo nagkakakilala."

Napangiti naman ako.
"Ang sweet naman! Yiie! At dahil dyan, ilibre mo ako sa park. Dali!"

"Sabay ganun?" nagkakamot sa ulo na sabi niya pero mas nauna pa sa aking naglakad.

-------
Dumating na ang araw ng linggo, ang araw ng birthday ni Prince Calum at kasabay ang welcome party ko. Kinakabahan ako dahil lahat ng clan nandun, tapos ilan pa lang kilala ko. Sabagay, baka madami akong makilala dun.

"Holly, tapos ka na ba?" Kanina pa katok ng katok 'to si Ate Hara. Siya kasi ang naging ka close ko simula ng dumating ako dito sa bahay ng mga Black Knights.
Naka ilang araw ako ng training kay Ate Erah, at nagawa ko naman ng mabuti yung tinuro niya. Pati yung kung paano ibalik yung mga nai-summon namin sa dati nitong pinaglalagyan.

Pagkatapos daw nitong party, saka pa lang daw ako tuturuan tungkol sa mga weapon handling at si Tito Hale naman ang magtuturo sakin. Kinakabahan man ako, pero alam kong makakaya ko naman.

"Holly ano ba?" Inirapan ko si Ate Hara paglabas ko at tinaasan niya lang naman ako ng kilay.
Oo close na kami kaya okay lang ganyan kami magbatian.

"Sobrang atat naman kasi ate." Ingos ko sa kanya. Pumunta na ako sa vanity table ko at sumunod naman siya.

"Eh ang akala ko natabunan ka na ng mga damit sa loob. Me make up-an pa kita aba! Pero in fairness, ang ganda mo dyan sa suot mo ah." Napangiti naman ako.
Isang below the knee half shoulder dress kasi itong napili ko. Kulay red ito na may mga silver sequence at white belt. Pinasuot din sakin ni Ate Hara yung hikaw na kay Mommy din daw na kulay red na pearl, at choker. Sosyal, may ganto din pala dito?

Sinimulan na akong make up-an ni Ate Hara. At ng matapos, natuwa naman ako. Light make up lang kasi yung ginawa niya.

"Ayan, dear. Sobrang ganda mo na! Ang swerte ni Prince Calum sayo!"

"Ha? Bakit naman siya swerte?" Nakita ko sa salamin na parang natigilan siya bago ngumiti ulit.

"Wala, 'wag mo akong pansinin. Tara na?" Kahit naguguluhan ay sumama na lang ako sa kanya palabas.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon