(32) The Come back and the rumor

214 10 17
                                    

Holly's POV

Matapos magpahinga, agad kaming umalis sa lugar at bumalik sa Eden. Nagpapasalamat ako sa loob ko na hindi muna sila nagtanong.
Naaawa ako sa kalagayan nila, sa kagustuhan na iligtas ako, napuruhan sila ng matindi.

Pagdating ng Eden, sa Haven kami dumiretso.
Tahimik kaming nakaupo lang sa lapag habang ginagamot ni Doctor Hugh si Grant. May malaki syang sugat sa braso at ilang gasgas sa mukha.

Nang matapos sya sa aming lahat, saka sila tumingin sakin.
"What happened, Holly?" Tanong ni Calum. Napalunok ako saka iniwas ang tingin sa kanya.

Paano ko ba sisimulan?

"Kung hindi mo pa kaya mag kwento, binibini, ayos lang. Magpahinga ka na muna. Ihahatid ka na muna namin, saka na tayo mag usap. Magpagaling muna tayong lahat." Sabi ni Doctor Hugh at wala namang nagawa ang iba kung hindi sumangayon.

Hinatid nila ako sa harap ng gate ng Black Knights. Humarap ako sa kanila at isa isa silang niyakap.

Una kong niyakap si Calum na nabigla pa yata pero kalaunan yumakap na din sya. Hinalikan nya din ako sa noo at muntik na naman akong maiyak. This guy loves me and willing to be hurt just for me.

Nginitian ko sya and he did the same.
Sunod akong lumapit kay Doctor Hugh, saglit lang at tinapik nya lang ako sa balikat bago humiwalay. Natawa ako nang makaharap ko sya. May pasa sya sa bandang panga at nalulungkot na naman ako. He fought hard to save me.

Sinunod ko si Conor, tho nag alangan pa ako nung una. Hindi ko naman sya close eh.
Nginitian nya ako ng tipid bago sumeryoso ang mukha.

Si Grant na ang humila sakin payakap at nahampas ko sya sa likod.
"Grant! Ang sama!" Napa igik siya ng malakas dahil sa bakal ng posas ko. Agad naman akong nag sorry at ginulo nya ang buhok ko matapos kumalas sa pagkakayakap.

Tumingin ako kay Irvin at tumaas lang ang kilay nya. Inirapan ko sya at tumalikod, pero humarap ulit ako at tumakbo payakap sa kanya. Napa atras sya pero hinawakan nya ako sa bewang para makabwelo.
"I'm glad you're safe." He whispered in my ear and I felt some butterflies in my tummy.

Kumalas ako maya maya at nakatingin lang ako sa kanya saka ako natauhan na nandito pa pala yung apat. Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok sa loob.

Tahimik ang lugar, palibhasa ay gabi at wala akong nakikitang mga nagbabantay. Nasaan kaya sila?

Pagkapasok ko sa loob ay nagkagulatan pa kaming lahat dahil nagtitipon tipon sila sa sala at may mga armas na dala.
Nakahinto lang naman ako sa pinto pero unang nakahuma si Ate Hara at sinugod ako ng yakap.

"Holly!" Sigaw nya pa saka umiyak kaya naiyak na din ako.

Maluha luha akong niyakap ng buong pamilya ko at sobrang natutuwa ako sa ginawa nila, hindi sa dahil naiiyak sila pero naramdaman ko ang pag aalala nila sakin na sobrang sarap sa pakiramdam. Lalo na si Lolo. Hindi man siya naluluha ay nakikita ko naman na masaya sya at nakabalik ako.

"Saan ka ba nanggaling, Holly? Bakit ang tagal mong nawala?" Tanong ni Tito Hale kaya napatingin ako sa kanya.

"Lolo, Tito Hale, Tita Haley, may sasabihin po ako sa inyo. Tungkol po kay Mommy." Ramdam ko ang titig nila sa aking lahat kaya napalunok pa ako bago nagsalita.

"Buhay si Mommy at nakita ko siya doon sa Darkons." Nanlaki isa isa ang mga mata nila at hindi makapagsalita, halos lahat sila ay nakatitig sa akin na parang nagsisinungaling ako.

"Hija, matagal ng patay si Hailey. Paano mo siya makikita?" Sabi ni Lolo pero may ibang emosyon akong nakikita sa mga mata nya. Pag asa at saya.

"Alam ko pong mahirap paniwalaan pero nandoon po talaga si Mommy. Nagkausap din po kami at may mga sinabi siya sa akin." Ikunwento ko sa kanila kung paano ako napadpad sa Darkon's lair at nakita si Mommy.

Iba iba sila ng reaksyon dahil naluha si Tita Haley, habang gulat naman ang iba maging ang mga pinsan ko.
"Ang anak ko ay buhay." Sabi ni Lolo at napayakap ako sa kanya ng makita kong naluluha na siya.

"Opo, buhay po si Mommy."

Matapos ng ilang pag uusap pa namin tungkol sa nangyari sa akin ay pinagpahinga na nila ako sa kwarto ko. Natanggal na din ang posas na nagpahirap sa akin, at feeling ko first time ko magkaroon ng kamay.

Isa na lang ang bumabagabag sa akin, hindi ko sinabi sa kanila na anak ako ng hari ng mga Darkons. Baka biglang mag iba ang tingin nila sa akin.

Hahanap na lang ako ng tyempo para masabi kay Lolo.
"Namiss kita, Holly. Akala ko tulad ng nangyari kay Tita Hailey hindi ka na din makakabalik." Sabi ni ate Hara ng maihatid niya ako sa kwarto.
Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti.

"Kahit anong mangyari ate Hara, babalik at babalik ako dito. Ito ang tahanan ko." Niyakap nya ulit ako bago nagpaalam na pupunta na din sa kwarto.

Pagod na pagod akong humiga sa kama at pumikit.
Marami na naman akong iniisip.
Tiyak na hahanapin ako ng mga Darkons, at pag nalaman ng lahat na anak ako ng Darkons, alam kong may masasabi sila.
Ngayon pa lang gusto ko na maluha sa naiisip kong masasabi at magiging tingin nila sa akin.

Hindi ko gusto at kahit kelan hindi ko gugustuhin na maging anak ng hari ng kasamaan.

Isa nga lang akong simpleng mortal dati, na nalaman ko na hindi pala ako normal tapos ngayon mas lalong gumulo ang lahat.

Pinilit kong makatulog at ng magising ako ay tanghali na.
"Baka tulog pa." Narinig kong sabi ng taong nasa likod ng pinto.
Napangiti ako dahil nabosesan ko si Harold.

"Hayaan na muna natin magpahinga at makabawi ng lakas. Tara na, bababa naman siya pag nakaramdam ng gutom." Sabi naman ni Ate Erah at akmang tatayo na ako para pagbuksan sila ng marinig ko ang paalis nilang yabag.

Naligo at nagbihis ako ng komportableng damit saka bumaba.
"Mabuti gising ka na, Holly. Gutom ka na ba?" Tanong ni Tita Haley. Paakyat kasi sya ng hagdan at nagkasalubong kami.

"Opo. Kakain na po sana ako."

"Sige lang, magpahanda ka na sa baba ng makakakain. Kakausapin yata tayo ulit ni Ama mamaya." Tumango ako sa kanya at nagpunta sa kusina para kumain.

Habang kumakain ako ay may naririnig akong komosyon kaya sumilip ako sa sala at nagkukumpulan doon sila Tita Haley at ibang pinsan ko. 

"Anong meron?" Tanong ko ng makalapit ako. Tumingin silang lahat sakin at nagtaka naman ako kasi parang gulat sila. Nakita naman nila ako kagabi kaya alam na nila na nandito ako, bakit kaya? 

"Holly, may kumakalat na balita sa buong Eden." Sabi ni ate Erah. 

"Ha? Anong balita? May kinalaman ba sa akin?" 

Tumango sya at nagsimula akong kabahan. 

"Anong balita naman?" Napapalunok pa na tanong ko. Ayokong mag isip ng masama pero sa klase ng tingin na binibigay nila sakin eh parang alam ko na. 

"Ang narinig kong balita, anak ka daw ng hari ng mga Darkons." 

Para akong tinakasan ng malay sa sinabi ni ate Erah. 

Sino? Sino ang nagsabi? Anim lang kaming magkakasama kagabi noong tinawag akong prinsesa ng mga Darkons. Sino sa kanila ang nagsabi?

================================================================================

A/N: Di pa din ako satisfied sa sinulat ko pero may naghihintay daw ng update ko kaya iyan na! XD 

Hi sayo Coleen Fabros! Para sa'yo 'tong update na 'to. Saka sa nag tatalong si Annedawn at Rosas, sino ba talaga sa inyo ang kay Prince Calum? Si Christine kasi naka kontrata na kay Doctor Hugh. May marka na siya XD 

Thank you sa mga nagbabasa! 

10 votes at 10 comments, mag a-update po ako ulit agad! Hehe, try ko lang kung meron XD 

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon